C3- Claire

1836 Words
Ilang minuto pa lang ang nagdaan ay naiinip na ako dahil wala man lang akong makausap dito sa park. Kanina pa ako naglalakad sa buong paligid pero naboboring pa rin ako. Nakakainis pa dahil halos lahat ng nakikita kong nandito ay puro magkasintahan. Parang ako lang yata ang naligaw dito kaya lalo lamang uminit ang ulo ko dahil hindi rin pala ako makakaiwas sa mga kabulastugan. Kung sa bahay ay may ungulan, dito naman ay may nagtutukaan. Halos wala pang pakialam ang mga ito, kahit may dumadaan sa kanilang harapan. Grabe, hindi man lang sila nahiya. "Pambihirang buhay, oh! Bakit ba, napakamalas ko sa araw na ito?" Nakasimangot akong tumayo at nagdesisyong bumalik na lang sa bahay. Gusto ko lang naman sanang umiwas sa tukso at para hindi ko maisip na gawin ang bagay na 'yon kapag kasama ko si Paul. Nito kasing nagdaang araw ay napansin kong medyo malikot na ang kamay ni Paul sa tuwing mapag-solo kami. Panay ang halik niya sa akin na may kasamang pisil sa katawan ko. Hindi na rin siya makuntento sa saglit na halikan namin dahil bigla-bigla na lang akong tumitigil. Hangga't maaari kasi ay gusto kong maka-graduate muna ng kolehiyo bago namin gawin ang bagay na 'yon. Baka kasi maging dahilan pa ito para hindi ako makapagtapos sa pag-aaral. Hangga't kaya kong pigilan ang sarili sa tukso ay gagawin ko. Dahil gusto kong patunayan sa aking sarili na kahit may boyfriend ako, ga-graduate pa rin akong virgin. Iyon ang deal ko para sa sarili. Bakit? Dahil karamihan kasi sa mga kaklase ko ay may karanasan na sa sxx. Sa tingin ko nga, ako na lang yata ang nag-iisang virgin dahil lagi nila akong kinakantiyawan pagdating sa bagay na 'yon. Nakakapikon pakinggan pero para sa akin, sobrang nakaka-proud dahil hindi ako bumibigay kahit ilang beses na akong tinukso at inaakit ni Paul. Pero balang araw, darating din kami doon. Lalo pa't ilang buwan na lang ay ga-graduate na rin naman ako. "Paul…" Naiinis ako nang maalalang hindi na naman siya nagpaalam sa akin. Kung hindi pa ako tumawag, hindi ko rin malalaman na out of town pala siya ngayon. Minsan gusto kong pagdudahan si Paul sa mga biglaang lakad niya. Pero ayokong isipin na mayroon siyang iba. Kaya pilit kong inalis ang pangit na binibulong ng kabilang tainga ko. Pero ngayon ginawa na naman niya. Umalis na naman siya nang walang paalam. "Tatlong beses na, Paul. Humanda ka talaga sa akin kapag nalaman kong may iba ka," tampo kong saad at malalaki ang mga hakbang na ginawa ko para mabilis akong makarating sa bahay. Ayoko pa sanang umuwi, pero kung hindi rin lang ako makakaiwas sa tukso, mas mabuti pang magkulong na lang ako sa kwarto at manood ng k-drama. Mag-headset na lang siguro ako para hindi ko sila marinig. Ilang saglit pa ay tanaw ko na ang bahay namin. Dito pa lang ay naririnig ko na naman ang mga bwesita ni Kuya dahil sa lakas ng mga boses nila. "Hay nako! Kapag minalas ka talaga!" hiyaw ko at bumuga ng hangin bago pumasok sa gate. "Oh, Claire, ang bilis mo yata?" bungad agad sa akin ni Kuya pagpasok ko pa lang sa gate. "Nakakahiya sa 'yo, e!" suplada kong sagot sa kanya na tinawanan lang niya at ng iba pang mga bwesita niya, maliban kay JD, dahil seryoso siyang nakatingin sa akin. Minsan sumagi sa isipan ko na baka may gusto siya sa akin. Pero kapag nakita kong may kaharutan siyang babae ay bigla na lang inalis sa utak ko 'yon at mapalitan ito ng inis. Kaya pasimple ko siyang inirapan para makita niyang hindi ko talaga siya gusto at balewala lang sa akin ang ginawa niya kanina. Kaya huwag siyang mag-expect na maging mabait na ako sa kanya. Dahil puputi na lang siguro ang uwak, hinding-hindi mangyayari 'yon. Muli akong tumingin kay Kuya Marco dahil himala yata na hindi man lang siya nagalit dahil sa pagsagot ko ng pabalang sa kanya. Anong nangyari? Nauntog ba siya? "Ikaw naman, bilis mong magtampo. Siyempre, nag-alala lang ako sa 'yo. Dahil kapatid kita at babae ka pa. Kaya natural lang na gano'n ang magiging reaksyon ko." tunog malambing ang boses niya nang sabihin 'yon na siyang ikinataas ng kilay ko nang marinig iyon. Talaga ba? E, 'di wow! Siguro naka-score na 'to sa babaeng katabi niya. Paismid akong tumingin sa kanya at tiningnan ang babaeng nakalingkis sa katawan niya. "Sige, pasok na ako." Sa halip ay paalam ko at mabilis ko silang tinalikuran. "Does she have a boyfriend?" Narinig ko pang tanong ng isa sa mga bwesita ni Kuya. Gusto kong lumingon pero bigla akong natigilan sa naging tugon ni Kuya. "Kung may balak kang ligawan ang kapatid ko, huminto ka na kung ayaw mo akong maging kaaway." Kahit hindi ko nakikita ang mukha ni Kuya, alam kong galit siya base na rin sa tigas nang pagbigkas nito. Bigla akong kinabahan dahil paano kung malaman niyang kami na ni Paul? Ano kaya ang maaari niyang gawin lalo't parang may malalim siyang dahilan kung bakit galit na galit siya kay Paul. Bumuga ako ng hangin at nagmamadaling pumasok sa kwarto. Pakiramdam ko ay parang sasabog na ang dibdib ko nang mga sandaling ito. Nag-alala kasi ako kapag nalaman niyang boyfriend ko na si Paul. Baka may gagawin siyang masama dito. Para talaga kasing matagal na silang magkaaway kaya gano'n ang galit niya dito. Bakit kaya? Ano kaya ang pinag-awayan nila? "Hindi naman siguro. Baka masyado lang akong praning para isipin pa 'yon." Umiling-iling ako para alisin sa utak ko ang isyu na 'yon. Huminga rin ako ng ilang beses at mabilis na humiga sa kama. Dumapa ako at pumikit nang mariin. Ngunit limang minuto lang ang lumipas ay may naririnig akong humahagihik na babae sa labas ng kwarto ko na parang naghaharutan ang mga ito. "Hay naku! Ayan na!" simangot kong sabi at nakatingin ng masama sa pintuan. Kaagad akong bumangon para hanapin ang headset ko dahil ayokong marinig sila. Ngunit hindi ko ito makita. "Nasaan na ba kasi 'yon?" inis kong bulong habang iginala ang aking mga mata sa loob ng kwarto at baka saan lo lang iyon naipatong. At gano'n na lamang ang inis ko nang maalalang naiwan ko pala ito sa ibabaw ng cabinet sa kitchen. "Tanginang 'yan! Bakit ba ang malas ko ngayon?" nanggigil kong tanong sa sarili at padabog akong bumaba sa kama. Subalit bago ko binuksan ang pinto ay tahimik na sila. Pero gusto kong makuha ang headset dahil ayoko nga silang marinig kaya tinuloy ko ang pagbukas ng pintuan, and there they are! Nakita kong nasa gilid ang mga bwesita ni Kuya. Busy ang mga ito sa pagpapaligaya sa isat' isa at walang pakialam kung may makikita sa mga ito. Kaya pala tahimik dahil nagkakainan na pala sa isa't isa. Nakataas ang isang hita ng babae sa baywang ng lalaki habang walang tigil sa paggalaw sa babae. "s**t! Bwesit talaga! Napaka-bastos!" walang boses kong hiyaw at mabilis akong nag-iwas nang tingin. Daig ko pa ang nanonood ng porn sa isang website sa mga ito. Live na live talaga. Ayoko sanang tumingin pero hindi ko mapigilan at parang gusto ko silang singhalan para matigil na ang mga ito. Pero lalong uminit ang ulo ko nang makilala ko ang lalaki, dahil si JD ito. Bwesit talaga ang lalaking 'to! Hindi man lang makapaghintay na makapasok muna sa kwarto! Gigil na gigil kong hiyaw sa isip at mabilis na tinungo ang kitchen. Dumiretso ako sa ref at kumuha ng malamig na tubig saka nilagok ito nang diretso. Pakiramdam ko kasi ay matutuyuan na ako sa mga nasaksihan ko sa kababuyan ng JD na 'yon. Nag-iinit din ang pakiramdam ko kaya kailangan ko talaga ang malamig na malamig na tubig para pakalmahin ang sarili ko. Matapos akong uminom ay huminga nang mahaba para pakiramdaman ang sarili kung kaya ko na ba ulit silang makita. Sa tingin ko ay okay na ako kaya kinuha ko agad ang headset at mabilis na bumalik sa kwarto nang hindi na ako tumingin pa kung saan sila naroon. Pero nagtataka ako dahil wala na sila. Tumingin ako nang masama sa katabi kong kwarto at baka nariyan na sila para sa loob magpatuloy. "Bastos talaga!" mahina kong bulong bago pumasok sa kwarto. Kaagad kong nilagay ang headset sa tainga para hindi ko marinig ang mga nakakaiskandalong mga bibig nila. Ilang saglit pa ay nakaramdam na agad ako ng antok dahil malalamyos na tugtog ang mga pinapakinggan ko. Hanggang sa tuluyan na ngang bumigat ang mga talukap ko at hindi ko na namalayan kung ano na ang susunod na nangyayari. Ngunit nagising na lang ako na para bang may nakamasid sa akin. Kaya bumalikwas ako ng bangon at iginala ang mga paningin sa paligid. Pero wala naman akong nakitang tao. Naisip kong baka si Kuya lang 'yon at sinilip ako. Lagi niya kasing ginagawa 'yon bago pumasok sa kwarto niya. Ilang beses ko na rin siyang nahuhuli, na para bang sinisigurado niyang nasa kwarto na ako at mahimbing ng natutulog. Pero hindi ko maiwasan na matakot ngayon, dahil kakaiba. Para kasing hindi si Kuya ang pumasok dito...parang ibang tao. Bigla akong kinilabutan nang maisip ko 'yon. "Nakaka-horror, ah!" Huminga ako nang malalim at tiningnan ang phone kung anong oras na. Nagulat pa ako dahil mag-alas singko na pala nang umaga. Kaya naisip kong tumayo para silipin kong tapos na ba sila sa pag-iinom. Tahimik na at wala na akong nakitang bwesita ni Kuya, kung saan sila nag-inuman. Nakaligpit na rin ang lahat. "Mabuti naman at niligpit niya ang mga kalat niya," ani ko at pumihit pabalik sa kwarto. "Bakit ang aga mo yatang nagising?" Halos tumalon ako sa gulat nang marinig iyon. Kaagad akong bumaling sa may kusina at gano'n na lamang ang pagluwa ng mga mata ko nang makita si JD. Topless siya at nakasandal sa may hamba ng pintuan. "Ano ba! Bakit ka ba nanggugulat!" maldita kong singhal sa kanya. Pero imbes na sumagot ang bwesit na 'to, nginisihan pa niya talaga ako. "Am I?" balik-tanong pa niya sa akin. "Oo!" pasinghal kong tugon na lalo pa siyang ngumisi. "Bakit narito ka pa? Bakit hindi ka pa umuwi sa inyo?" dugtong kong tanong. "Hindi ko alam na magugulatin ka pala." sa halip ay sabi niya sa akin at mataman niya akong tinitigan sa mukha. Sinamaan ko siya ng tingin. "Paano, mukha ka kasing killer diyan!" inis kong sagot na siyang ikinatawa niya nang bahagya. "Gwapong killer?" tanong niya at tumaas ang sulok ng labi. "Saan banda?!" bara ko sa kanya na lalo lamang siyang tumawa at pinag-krus ang mga braso. "Talaga? Hindi ka nag-ga-gwapuhan sa akin?" tanong niya at ngumiti ng pilyo. Uminit ang ulo ko. "Hindi! Dahil hindi ako kagaya ng mga babaeng uto-uto na dinala niyo rito!" gigil na gigil kong singhal at mabilis ko siyang tinalikuran para bumalik na sa kwarto. Narinig ko pang humalakhak siya pero hindi ko na siya nilingon pa at sa inis ko, pabalibag kong sinara ang pinto para makita niyang hindi ko talaga siya gusto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD