C4- Claire

2163 Words
Kahit halos wala akong tulog kagabi ay pumasok pa rin ako. Naroon pa kasi ang ibang bisita ni Kuya. Mukhang si JD lang umuwi saka 'yung isang nagngangalang Janryll. Sila lang kasi ang hindi ko nakita kanina. Saka wala rin ang mga motor nila kanina paglabas ko ng gate. Baka hindi makatulog sa bahay namin. Mabuti na rin iyon at baka sira na naman ang buong araw ko kapag nagkaharap kami. Anong oras pa lang ay inaantok na ako. Dalawang oras lang kasi ang tulog ko kaya grabe ang hatak sa akin ng antok. Wala rin si Jamaila kaya wala akong ka-tsismisan para mawala sana ang antok ko. Kaso, wala ang bruha. Malamang nakanganga pa iyon ngayon dahil sa pagod. Pagod sa langit nila ni Romnick. Maging si Paul ay hindi pa rin nagparamdam sa akin. Ni isang text o missed call man lang ay wala! Nakakatampo dahil nakailang message na ako sa kanya at ni isa ay wala siyang sinagot. Kahit batiin man lang niya ako ng good morning. Hindi man lang yata niya ako na-miss. Yumukod ako at nilagay ang dalawang kamay sa armrest para gawing unan. Idlip muna ako habang breaktime pa. Wala akong ganang kumain dahil wala akong kasama kaya mas gusto kong matulog na lang. "Claire!" Napadilat ako nang marinig iyon. Tumingin ako sa labas at nagtataka ako nang makitang si Romnick ang tumawag sa akin. Himalang pumasok siya ngayon. Hindi napagod? E, si Jamaila bakit hindi niya kasama? "Romnick, bakit?" Humihikab kong tanong nang nilabas ko siya. "Si Jamaila?" Naudlot ako sa muling paghikab sa naging tanong niya. Hindi ako nakaimik at pakiramdam ko ay nagtagpo na yata ang kilay ko nang tumingin ako sa kanyang mukha. Bakit niya hinahanap sa akin, gayung sila ang magkasama kagabi? Nagtataka akong tumitig sa kanya dahil sa tanong niyang iyon. "Hindi ba't magkasama kayo kagabi?" Kunot noo siyang tumingin sa akin at kagaya ko, nagtataka rin siyang tumingin sa akin. "Hindi, ah!" Mabilis niyang tanggi at parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. "Hoy, Romnick, ang sabi ni Tita ay sinundo mo raw siya kagabi at magdate daw kayo! Kaya bakit sa akin mo siya hinahanap?" Mataray kong sabi sa kanya na lalo lamang tumindi ang pangungunot niya. "Of course not! I was busy yesterday kaya hindi ako nakapunta sa bahay nila." Giit niya pa dahilan na ako naman ang matigilan pagkarinig ko niyon. Nagdududang tumingin ako sa kanya. "Nagsasabi ako ng totoo, Claire. Hindi ako pumunta sa bahay nila dahil busy ako kahapon at gabi na ako nakauwi dahil may tinapos ako." Dagdag niya nang sa tingin niya ay hindi pa rin ako naniniwala sa kanya. Napalunok ako ng laway. Kung hindi siya, sino? Sino ang sumundo kay Jamaila at bakit kailangan niya pang magsinungaling kay Tita? May iba pa ba siyang boyfriend bukod kay Romnick? Bakit? Ang bruhang 'yun, may hindi sinasabi sa akin. Humanda talaga siya sa akin, aahitin ko talaga ang isang kilay niya! "Saka...may tampuhan kami, Claire. Isang linggo ng hindi niya ako kinikibo. Ni hindi niya sini-seen ang mga chat ko sa kanya. Ayaw niya rin sagutin ang mga calls ko." dagdag niya pa sa malungkot na boses. Tuluyang nawala ang antok ko sa mga sinabi niya. Ano ba ang nangyayari? Bakit hindi man niya sinabi sa akin na may problema na pala sila ni Romnick? May iba na kaya talaga siya? "Romnick…" sambit ko na hindi ko alam kung ano o paano ko sasabihin sa kanya na hindi siya pumasok dahil may sumundo kay Jamaila kagabi. "Claire, pakitawag naman, oh.." Halatang problemado na siya nang sabihin iyon. Nakokonsensya na ako kung pagtatakpan ko si Jamaila sa kanya. Ano pa ba ang kulang kay Romnick, kung bakit nagawa pang magloko ng bruhang 'yon? E, nandito na lahat ang hinahanap niya? Saka ang importante, matino. Hindi babaero. Kagaya ng kuya ko at mga bwesita niya! Lalong-lalo na talaga ang Jhondale na 'yun! Masyadong confident sa sarili! Huminga ako nang malalim at tumingin sa kanya. "Hindi kasi siya pumasok, Romnick, e. Hindi ko alam na aabsent siya ngayon." "Ha? Hindi siya pumasok?" tanong niya at panay ang silip sa loob kung saan nakaupo si Jamaila. "Oo, Romnick…" mahinang tugon ko at yumuko. Hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya. Baka kasi hindi ko mapigilan na isumbong si Jamaila na may ibang sumundo sa kanya. Kaibigan ko pa rin si Jamaila at gusto kong alamin muna kung umalis ba siya talaga kagabi. Mamaya ako pa ang maging dahilan ng paglaki ng tampuhan nila. Kailangan ko talagang makausap ang bruhang iyon. Marami siyang ipaliwanag sa akin dahil ni isa ay wala man lang siyang kinukwento sa akin. E, halos araw-araw naman kaming magkasama. "Bakit daw?" "Hindi ko alam, e. Hindi na kasi ako dumaan sa kanila kanina dahil may dinaanan pa ako." Pagsisinungaling ko. "Tawagan mo kaya." Sa halip ay suhestiyon ko pero sa loob-loob ko ay sobrang guilty ko na. Gusto ko rin malaman kung nasaan na ang bruhang iyon! Dahil kung nasa bahay siya ay tatawagan ko naman si tita para kompirmahin kung naroon nga siya. O, kaya ay dadaanan ko siya mamayang hapon pagkatapos ng klase. "Pwede bang… ikaw na lang?" Alanganin niyang balik sa akin. Tahimik lang akong tumingin sa kanya dahil parang namumula na ang mga mata niya. "Baka kasi… hindi niya rin ako sagutin." Bumuntong hininga ako at ngumiti ng tipid sa kanya. "Sige…" tumatangong payag ko at mabilis kong kinuha ang phone saka tinawagan ko na nga si Jamaila sa mismong harapan niya. Ngunit panay lang ang ring sa kabilang linya. Hanggang sa matapos na nga ito ay hindi niya talaga sinagot ang tawag ko. Muli kong pinindot ang call button para tawagan siya ulit. Ngunit kagaya kanina, gano'n pa rin. Nakakainis dahil ngayon lang ito nangyari. Ngayon lang niya hindi sinagot ang tawag ko. Siguro may tinatago talaga siya sa akin. "Hindi niya rin sinasagot, eh." Huminga siya ng malalim sabay tingala at pumikit. Halata sa kanyang mukha ang pagiging balisa. "Romnick…" sambit ko. Dumilat siya at tumingin sa akin. Namula na naman ang kanyang mga mata at nanunubig na rin ito. "Okay ka lang?" halos pabulong kong tanong. Umiling siya at humugot ng hangin. "Honestly, Claire? No. I'm not okay…" basag ang boses niya pagkasabi niyon. Biglang sumikip ang dibdib ko dahil ramdam ko kung gaano niya talaga kamahal si Jamaila. Kitang-kita ko naman iyon dahil sobrang sweet niya sa kaibigan ko. Napaka-showie niya pa at lahat ng gusto ni Jamaila ay sinusunod niya. Mapapa-sana all na nga lang ako minsan kapag magkasama sila. Hindi gaya namin ni Paul na palihim lang ang pagtatgpo at baka makita kami ng wala sa oras ni kuya. "Romnick…" muli kong sambit at nagtatalo ang kalooban ko kung dapat ko ba talagang sabihin sa kanya ang sinabi sa akin ni tita. "Ano 'yon, Claire?" "Gusto mo bang kausapin ko siya para sa 'yo?" Sa halip ay sabi ko na lang. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na puntahan niya sa bahay si Jamaila. Pero bigla ko rin naisip na baka si tita ang makausap niya at masabi rin nito sa kanya ang sinabi ni tita kagabi sa akin. "Please, Claire, talk to her for me. Tatanawin ko itong utang na loob kapag nakausap mo siya para sa akin," tugon niyang pakiusap. Ngumiti ako at tumango. "Okay…" "Thanks, Claire. Promised, I will give you a gift if she talks to me." "Grabe ka. Kahit 'wag na!" Natatawa kong saad. "I mean it, Claire," seryosong sabi niya. "Sabihin mo lang kung anong gusto mo." Dagdag niya pa na bigla rin akong na-challenge. "O, sige na nga! Mapilit ka, e." Kunwaring napipilitan kong tugon sa kanya saka tumawa para gumaan man lang ang pakiramdam niya. Ang totoo ay crush ko si Romnick noong hindi pa sila ni Jamaila. Pero nang malaman kong nililigawan niya ang kaibigan ko, tinapos ko na ang nararamdaman ko sa kanya. Ayokong mag-aaway kami nang dahil lang kay Romnick. Hanggang sa makilala ko si Paul at sa kanya ko ibinaling ang nararamdaman ko. "Thank you, Claire." nakangiting aniya pero alam kong pilit lang iyon. Bigla naman tumunog ang bell pagkatapos kong tumango sa kanya. Tapos na ang breaktime nang hindi na talaga ako nakatulog. Gising na gising na naman ang pakiramdam ko dahil sa kakaisip ko bruhang iyon. "Sige, Claire, alis na ako. Maraming salamat." Nakangiting paalam niya. "Aasahan ko ang pag-uusap niyo, Claire." pahabol niya pa habang nakailang hakbang na. Hindi ako sumagot at tumango lang ako sa kanya. Mahirap kasing magbitiw ng salita at baka mamamaya ay tama ang hinala ko. Niloloko na siya ni Jamaila. Pumihit rin ako pabalik sa aking upuan dahil nakita ko na ang subject teacher naming naglalakad papunta na sa aming room. Nag-umpisa na nga ang klase hanggang sa matapos na lang ito ay pakiramdam ko'y wala akong naintindihan dahil ukopado ang isip ko kay Jamaila. Sumapit pa ang hapon at natapos ang lahat ng klase namin na wala talagang pumasok sa ulo ko. Sumakit lang lalo ang ulo ko at pakiramdam ko ay konti na lang ay sasabog na ito. Mabuti na lang at walang quiz na naganap. Bukas na lang daw. Nakaligtas ako ngayon. Magre-view na lang siguro ako mamayang gabi. Wish ko lang walang bwesita sa bahay! Dali-dali akong lumabas ng silid at diretso palabas ng gate. Habang naglalakad ako ay biglang kumulo ang aking tiyan. Naalala ko, sandwich lang pala ang kinain ko kaninang tanghalian. Nawalan kasi ako ng gana lalo nang maalala ko ang itsura ni Romnick. Kaya nauwi ako sa sandwich dahil hindi rin naman pwedeng wala akong kainin kasi nasa klase ako. Baka babagsak na lang ako bigla sa panghihina. Ilang saglit pa, halos lumipad ang kaluluwa ko nang bigla na lang may nag-preno at humintong motor sa tabi ko. Bumaling kaagad ako sa kanya. At pakiramdam ko ay tumaas agad ang dugo ko nang makitang si Jhondale ito dahil nakilala ko agad ang kanyang motor at get up niya. All black. Ganyan siya kung pumorma na akala mo ay pupunta ng lamay palagi. O, kaya ay araw-araw nagluluksa sa mga babae niyang basta na lang tinapon pagkatapos niyang parausan. "Sabay na kita." Ngisi niya pa sabay bukas ng salamin sa kanyang helmet. "Bwesit!" Sa halip ay matigas kong singhal sa kanya at bastos siyang tinalikuran. Nagpatuloy ako sa paglalakad at kunwaring hindi ko siya nakita. "Bilis na! Doon din naman ang punta ko." Pamimilit niya pa na lalo lamang akong nainis nang makitang sumabay rin siya sa akin kaya halos lahat ng estudyante ay natuon sa amin. "Hindi ka ba nahihiya?" mahinang tanong ko at pinandilatan ko siya ng mga mata pero sige pa rin ang lakad ko na halos madapa na ako sa laki at bilis ng mga hakbang ko pero nakakabwisit lang dahil wala man lang kahirap-hirap niyang nasasabayan ako. Leche talaga ang lalaking ito! "Ba't ako mahihiya? Ano bang ginawa ko? E, ihahatid lang naman kita," balewalang tugon niya pa na wala man lang pakialam sa paligid. "Dapat nga kiligin ka dahil ako ang maghahatid sa 'yo." Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko iyon. Pakiramdam ko kasi umuusok na ang ulo ko at konti na lang ay sasabog na ito. "Bilisan mo na, uulan na, oh." Dugtong niya pa kaya marahas ko siyang nilingon. "Wala akong pakialam." tugon ko sa matigas na boses at sobrang talim ng tingin ko sa kanya. Ngunit tinawanan lang ako ng bwesit na 'to! "Pwede ba, huwag mo akong sundan at lumayas ka sa harapan ko!" Pasinghal kong taboy sa kanya dahilan na matawa siya. Mabuti na lang at medyo malayo na kami sa maraming estudyante kaya pwede ko nang lakasan ang boses ko. "Anong nakakatawa?!" "Wala ako sa harapan mo, Claire, nasa gilid mo lang ako." Pilosopong bara niya pa sa akin. "Leche!" Hiyaw ko at hahakbang na sana ulit ako nang bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan. Nabasa kaagad ako kaya naisip kong ipandong ang bag ko bago tumakbo sa tindahan para sumilong. Ngunit gano'n na lamang ang pagdilat ko nang makitang bumakat ang suot kong itim na bra sa suot kong uniform dahil nga basa ito. Gano'n na lang kabilis ang tingin ko sa kanya at huling-huli ko siya kung paano niya titigan ang dibdib ko. "Bastos!" sigaw ko at tinakip ko agad ang bag. "Sa tingin mo, makakasakay ka pa sa lagay na 'yan?" tanong niya at wala talaga siyang balak na umalis kahit basang-basa na rin siya. Napaisip ako bigla dahil may punto ang bwesit na manyak na 'to. "C'mon, Claire, ang lakas na ng ulan. Hindi ka ba nilalamig?" "Besides, marami na akong nakitang ganyan, 'no? Nagsawa na nga ako, e." Pahabol pa ng bastos na 'to. "Kasalanan mo 'to, e!" Gigil kong sabi. Sa halip na sagutin ako, hinila niya ako para umangkas sa motor niya. Kaya wala na rin akong nagawa kundi ang magpatiayon na lang dahil bumuhos pa lalo ang pasaway na ulan. Feeling ko, kakampi pa niya ang ulan para lang masunod ang gusto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD