Larisa POV "Ate." Tawag ni Legend sa akin. Ako naman si lingon. "Oh, bakit?" Nakita ko 'yung mga mata niya na namumungay. Parang naiiyak? At nagulat ako sa kanya nang yakapin ako. Jusko naman, ang bigat niya. "Ateeee. Huhu," Ngawa niya. "Aalis ka ngayon. Huhu. Ate, huwag mong kalimutan 'yung pasalubong." Tinulak ko nga siya palayo sa akin. Ang bigat niya na nga nagpapabigat pa siya. Harujusko! Anak ng tipaklong. Anong akala niya sa akin? Magtu-tour doon? Magpapakasal lang naman kami doon at uuwi din kami. "For your information, Mr. Legend Aguirre, hindi ako mamasyal doon. Magpapakasal lang kami at uuwi agad," paliwanag ko. Aba't ngumuso ang loko na parang bata. "Hindi bagay sa iyo. Tigilan mong ngumuso-nguso. Di bagay sa iyo," asar ko sa kanya. "Oo na." Suko niya. "Try mo rin ngu

