bc

My High Standard Husband [Tagalog | Filipino]

book_age18+
3.1K
FOLLOW
11.5K
READ
billionaire
contract marriage
CEO
boss
comedy
bxg
office/work place
office lady
wife
husband
like
intro-logo
Blurb

Larisa Aguirre. Mahirap. Isang saleslady sa mall ng lalaking sikat. Ikakasal na sana ngunit umatras din mismo sa araw ng kasal ang taong mahal niya.

Lane Nicholson. Nasa kanya na lahat ngunit isa lang ang wala sa kanya; ang magkaroon ng isang pamilya. Ngunit sadyang mataas ang kanyang standard sa babaeng pipiliin niya.

chap-preview
Free preview
Prologue
Araw ng kasal ni Larisa. Excited siya sa kasal nila. Sino ba namang hindi ma-eexcite kung pakakasalan mo ay iyong taong mahal mo. "Wow, Ate! Ang ganda mo. Gumanda ka ngayon. Hehe. Galing talaga 'yung nag-make-up sa iyo," sabi ng kapatid niyang si Legend. Sinamaan ni Larisa ng tingin ang kanyang kapatid na si Legend. "So ibig mong sabihin--- hindi ako maganda?" sabi ni Larisa sa kanyang nakababatang kapatid na si Legend. "Hehe. Wala naman akong sinabi ah. Ikaw lang nag-iisip. Syempre, ikaw ate ko kaya maganda ka. Kung pangit ka edi pangit din ako. Haha!" sabi ni Legend. "Baliw," natatawang sabi ni Larisa. "Pero ate, kung nandito lang sina itay at inay ay matutuwa sila. Tapos sila ang maghahatid sa iyo sa altar. Kaso maaga na silang kinuha ni papa God," malungkot na sabi Legend. "Oo nga. At least, nagpasalamat ako at dahil ipinanganak ka ni inay at kasama kita. May tagapagtanggol ako," sabi ni Larisa. "Mga ate at kuya, ready na at naghihintay na ang groom," sabi ng bakla na sumingit sa kanilang pag-uusap magkapatid. Nasa simbahan na sila. Tanging kaibigan lang ni Larisa ang pumunta dahil ayaw naman ng tita niya na nagkupkop sa kanilang magkapatid na pumunta. At sa kanyang groom naman ay tanging ang malapit na kaibigan lang nito ang pumunta dahil ayaw kay Larisa ng magulang ng lalaki. Hindi siya tanggap dahil mahirap lang siya. Sa bawat paghakbang ni Larisa papalapit sa kanyang groom ay kaba at saya ang nararamdaman niya. Kahit tutol sa kanila ang magulang ng lalaki ay ipinaglaban pa rin siya ng lalaki. Nang nasa harap na si Larisa ay kitang-kita niya ang lungkot sa mukha ng lalaki. Naiintindihan niya naman ito. Pero kahit ganun ay ayaw niyang masira ang araw nilang dalawa. Napapansin ni Larisa na tahimik lang ang lalaki. Parang wala ito sa sarili. Nang biglang humarap na sila sa isa't isa para magbigayan ng vows. "I, (state your name)," sabi ng pari at tumingin sa groom. Napatingin si Larisa sa kanyang groom nang hindi ito sumunod sa sinabi ng pari. Matagal bago magsalita ang lalaki. Hawak lang ang kaliwang kamay ni Larisa at ang kanang kamay naman nito ay hawak ang singsing. "I... I-I'm sorry. Hindi ko kaya," nakayukong sabi ng lalaki. Naguguluhang nakatingin si Larisa sa kanyang groom. Nangingilid na ang kanyang luha. Anumang oras ay babagsak na ang kanyang luha. "B-Bakit? M-Mahal mo ako, diba? Sa hirap at ginhawa?" Pilit na maayos na tanong ni Larisa. "Mahal kita. Pero--- hindi ko kayang mamuhay kahit mahirap. Kailangan ko pa rin ang suporta nila mommy. Pag hindi kita hiniwalayan ay itatakwil na talaga nila ako. I'm sorry. Ipinaglaban kita pero--- sana maintindihan mo 'ko," malungkot na sabi ng lalaki. Ibinigay ng groom ang singsing na hawak nito kay Larisa at tuluyan nang lumabas ng simbahan. Ang mga kaibigan naman nila ay tila nanonood ng drama. "Hoy, wala kang bayag! Mama's boy ka kasi. Huhu. Ayaw kasi sa akin ng mommy mo. Kasi ano? Dahil mahirap ako. Nagtatago ka sa palda ng nanay mo. Huhu," sabi ni Larisa. Hagulgol pa rin siya ng hagulgol. Dahil ang kaibigan lang ni Larisa at kapatid niya ang naiwan. Kasama ang kaibigan ng lalaki. Ang pari naman ay nababakas ang awa nito sa kanya. Lumapit ang kaibigan ng groom kay Larisa. "Ako na ang nagso-sorry on behalf of him." At umalis na ito. Naiwan nalang silang tatlo. Siya, ang kaibigan niya at ang kapatid niya. "Larisa, tahan na. Umalis na siya. Wala na 'yung iniiyakan mo." Pag-aalo sa kanya ng kanyang kaibigan. "Huhu. Oo. Masakit pero ang ikinasasama din ng loob ko ay itong damit ko. Hindi niya ba alam, mahal magpa-rent ng ganitong damit? Nasa limang daan din ito. Tapos, itong sapatos ko. Pinag-ipunan ko. Binili ko pa ito sa palengke. Huhu," sabi ni Larisa habang nag-eemote. Patuloy pa rin ang pag-alo ng kaibigan niya sa kanya. "Naku, Larisa. Buti nalang at nagpa-rent ka sa mura. Hayaan mo na siya. Hindi naman siya kawalan. Parang hindi lalaki. Hmp," sabi ng kaibigan niya sa kanya. Samantala, ang kapatid ni Larisa ay galit. Hindi akalain ni Legend na aatras pala ito sa kasal ni Larisa. "At ito pa, diba dapat sinabi niya ng maaga na hindi matutuloy ang kasal para hindi na ko gumastos. Gumastos lang pala ako sa wala. Hindi na nga siya gumastos dahil may suit naman siyang su-suotin. Eh, ako? Wala talaga. Duwag siya. Wala siyang bayag. Huhu." Patuloy na iyak niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook