Third Person POV
(Larisa, huwag ka ng umiyak. Hanggang dito naman ba ay umiiyak ka? Akala ko pa naman ay kung ano na ang sasabihin mo. Iyong walang kwentang lalaki na naman ang iniisip mo. Nag-lunch lang ako. Mamaya babalik na ko sa trabaho ko.) Sabi ng kaibigan ni Larisa sa kabilang linya.
“Huhuhu. Paanong hindi ako iiyak? Leche plan naman oh. Dapat sinabi niya nalang ng maaga eh. Pero mabigat eh. Sobrang bigat. Hindi niya alam kung anong mabigat sa akin.” Iyak ni Larisa.
(Alam ko naman na mabigat sa dibdib iyon. Kaya mag-move on ka na. Hindi ka na babalikan nun.) Pagpapatahan pa ng kaibigan niya.
“Hindi naman iyong dibdib ko iyong mabigat eh. Huhuhu.”
(Huh? Eh dibdib lang naman mabigat sa ating babae, diba?)
“Okay ka lang, Pixie? Wala nga akong maramdaman na dibdib ko. Ah, wala pala talaga akong dibdib. Ang ibig kong sabihin ay iyong gown ko. Ang bigat kasi…” Pagtatama niya dito. “Hindi niya alam kung gaano kabigat ang gown na nirenta ko. Tapos ganito lang nangyari?”
(Hay naku, Larisa. Ka-abnormalan mo na naman. Kung ako sa iyo, huwag mo nalang siya isipin at mag-move on ka na. Feeling kasi ng magulang niya eh mayaman sila at feeling din nila na gwapo ang anak nila. Mapili pa sila sa babae para sa anak nila. Kaya kung ako sa iyo, maggagala nalang ako. Ay! Oo nga. Maggala ka nalang ngayon. Bukas pa naman ang pasok mo, diba?)
Napatigil si Larisa sa pag-iyak. Hindi niya na-isip iyon. Tama nga ang kaibigan niya. Maggala nalang siya kaysa naman magmumukmok siya sa bahay dahil sa isang lalaki na walang bayag.
“Sige-sige. Bye na at magpapalit lang ako ng damit. Mag-text ako kapag nandiyan na ko.” At ibinaba na ni Larisa ang tawag.
***
Larisa POV
Pesteng buhay naman ‘to. Hindi ko talaga makalimutan ang ginawa niya sa akin. Huhuhu.
Sobrang sakit. Dito oh. Dito sa letseng puso ‘to. Tagos na tagos. Wait lang, masyado na akong ma-drama. Kung tutuusin ay ang iniiyakan ko lang naman talaga eh iyong ginastos ko para sa kasal.
Sana sinabi niya kasi ng maaga. Ang dami kong ni-rent. Pati sa honeymoon namin. Nag-rent din ako ng nighties. Joke lang. Bumili ako ng nighties para wild ang honeymoon namin. Kaso iniwan niya ko sa ere. Huhuhu.
Bakit kasi hindi ako naniwala sa kaibigan ko? Huhuh. Eh, ako nga naman itong si tanga. Go lang ng go dahil mahal ko nga. Kasi nga hindi ako nakikinig sa kanila at baka sinisiraan lang nila ako. Pero oy!!! Hindi ko pa naman sinusuko ang perlas ng silanganan ko. Hindi naman ako katulad ng iba diyan. Hindi ako nagpaparinig ha. Kaya nga STUPID LOVE eh.
Wala pa naman sa isip ko ang magpakamatay. Hayst, iniisip ko muna kung anong mas magandang kamatayan para sa akin. De joke lang. Mas maganda eh ‘yung tumagal ka sa mundo kahit puno ng sakit. I mean sakit pag tumanda ka. Kasi pag tumanda na tayo, mamamatay tayo sa sakit. Diba pag tumanda tayo at namatay, may nakalagay pa rin na cause of death? Pero ipapapalagay ko nalan na ‘not breathing’.
Basta, hindi ito iyong time para sa kamatayan ko. Ayokong mamatay ngayon dahil lang doon. Mahal ko ang sarili ko ‘no.
So, back to him, nanggigigil talaga ako sa kanya. Mama’s boy siya. Hindi man lang niya gamitin ang bayag niya. Bakit nga ba niya gagamitin ito??? Panlaban? Ah, pwede sa ano--- basta ayoko doon.
Puro nalang desisyon ng magulang niya ang sinusunod niya. Masyado silang mapili sa babaeng mapapang-asawa ng anak nila. Disente naman akong tao. Maayos naman ako. Utak ko lang hindi.
Alam mo iyong excited ka sa araw ng kasal niyo tapos biglang aatras nalang ang taong mahal mo.
Waahhhh!!! Tapos maririnig mo mga kapit-bahay mo na pinagchi-chismisan ka? Alam mo na mga chismosa.
Wait lang, speaking of chismosa. Paano ako makakalabas dito sa bahay? Ay!! Oo nga pala. Magbibihis pala muna ako. Pupunta pala ako ng mall at pupuntahan ko si Pixie since bukas pa naman ang pasok ko.
Oops! Nakalimutan ko pa lang magpakilala. Kailangan pa ba? Sige na nga parang slam book lang.
Name: Larisa Aguirre
Age: 27 years old
Height: 45 kg (gaan ko ‘no)
Status: single (again)
‘Yun lang. Haha. Hmm… Saleslady ako sa Pafrika Mall. May bunso akong kapatid si Legend. Patay na parents ko. Cause of death nila? Sakit… Basta sakit… Oo… Hindi na-aksidente o pinatay. Basta sakit.
Saka ko na ike-kwento ‘yung sa ex-boyfriend/ex-fiance ko. Kailangan ko munang magbihis. Kaka-kwento ko ay hindi ko na alam ang isusuot ko.
Hanap…
Hanap…
Hanap…
Ayun! TADAH!!! Puting ginantsilyong damit na may hood ang su-suotin ko. Tube na itim muna tapos ipapatong ko na iyong putting ginantsilyong damit. Tapos super dark blue na maong at gold na doll shoes.
Hephep!! Itong mga suot ko ay mura lang. Mura lang naman binibili ko talaga kasi hindi ko naman afford iyong bumili na may brand. Pero maganda ito mga sis. Konting make-up at ayos ng buhok. Ayos ng buhok ko? Naka-bun.
And viola~ I’m ready na… Gogora na aketch.
Lumabas na ako ng aking kwarto. I wonder, nasaan ang kapatid kong si Legend. Puntahan ko muna siya sa kwarto niya at nang makapagpaalam ako sa kanya.
‘TOK-TOK-TOK’
“Pasok.”
Wow! Hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto. Kaya ito na nga… Ako na ang magbubukas.
‘EEK’
Dahan-dahan akong lumapit. Nakita ko siyang naka-upo sa study table niya. Napakasipag naman nitong mag-aral.
‘tip-toe’
‘tip-toe’
Ayan na… Makikita ko na ang ginagawa niya. At…
WAAH!!!
Eh???
Hindi ko Makita. Ang liit ng mga nakasulat. Kaya naman…
‘kuha’
“ATE!!! ANO BA!!!” inis niyang sabi habang pilit kinukuha iyong papel sa akin.
‘BLAG’
Hephep! Walang nahulog. Sinara ko ang pinto para hindi siya makalabas. Maliit lang ako at siya matangkad. Hindi ibig sabihin ay makukuha niya agad sa akin iyong papel. Ito lang tanging paraan. Ang lumabas ako ng kwarto niya. Nyahaha. Kaya ito, hawak ko iyong doorknob tapos iyong isang kamay ko ay iyong papel.
Okay. Tingnan na natin kung ano ito. OMO! Di nga? Bakit? Bakit siya naghahanap ng trabaho???
“Para kang baliw!” inis na sabi sa akin ni Legend at kinuha ang papel.Oh? Nakalabas na pala siya?
“Nandiyan ka na pala?” tanong ko sa kanya.
“Hindi ba obvious?!” sarkastikong sabi niya.
“Bakit ka naghahanap ng trabaho?” pag-iiba ko.
“Eh di syempre, para makatulong ako sa iyo,” sagot naman niya habang tinutupi ang papel. Tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa o paa hanggang ulo? “Bakit ganyan suot mo?”
“Syempre, aalis ako. Alangan naman magmukmok ako sa kwarto ko, diba?” Sabay nguso ko. “Kaya nga magpa-paalam ako na aalis ako.”
“Tsk. Mabuti naman. Nang walang istorbo dito sa bahay,” sabi niya sa akin habang naka-ngisi.
Aba’t! Ngumisi pa ‘tong lokong ‘to. Hindi man lang concern sa ate niya??? Sipain ko ‘to eh.
Binuksan niya ang pinto ng kwarto niya. “Mag-iingat ka, ate. Kung saan ka man mapunta.” At pumasok na siya sa kanyang kwarto.
Aww… Na-touch ako. Okay na sana kaso para naman namamaalam ito sa namayapa na. Pero kahit ganyan ‘yan si Legend? Ganyan na talaga ‘yan. Haha. Pero love ko naman siya. Hihi.
Hindi ko naman siya mapipigilan sa mga gusto niya.
OMO! Aalis na pala ako. Let’s go…
- a few minutes later -
Ano ba ‘yan. Bakit walang jeep papunta sa mall ngayon? Mag-taxi nalang kaya ako? Mag-UV nalang? Tricycle? Ay! Wala pa lang tricycle dito.
Sa kakahintay ko. May humintong taxi sa tapat ko. Ibinaba nito ang bintana.
“Kuya, magkano po hanggang Pafrika Mall?” tanong ko agad. Syempre, testing ko muna ito.
“Mga 150,” sagot naman niya.
“Eh kuya, nagana ba ‘yang metro mo?” sunod kong tanong. Syempre, pag ito sumagot ng ‘oo’, hindi na ko sasakay dito. De joke lang. “Mabilis ka ba mag-drive? Tama lang ba o mabagal?”
“Ano ba ‘yang pinagtatanong mo?! Malamang nagana metro ko,” inis niyang sabi.
OMO! Na-inis na siya.
“Eh, bakit ka nagbigay ng presyo kung may metro ka naman?” tanong ko na parang bata na nakikipagtalo. Kulit ko eh ‘no.
“Bakit ka kasi nagtanong kanina?” galit na niyang tanong sa akin.
So, hanggang kailan itong pagbabasagan namin matatapos? Mukhang hindi magpapatalo si kuya.
“Eh, bakit mo sinagot kanina?” pilosopo kong tanong. Syempre, mang-iisa lang naman sila kapag ignorante ka magtanong.
Ignorante ba ko?! Nagtatanong lang naman ako. Huhu.
“Bahala ka na nga diyan. Tsk,” galit na sabi nito sa akin at umalis na.
Galit na galit??? Nagtatanong lang naman ako. Isa pa, ang mahal ha. 150??? Ang lapit lang naman ng Pafrika Mall.
Oh, bakit hindi ko nalang lakarin? Malayo pa rin pag nilakad. Pag sasakay ka mabilis lang. Gets?
Sa totoo lang, na-isahan na ko noon. Binagalan ba naman iyong pagtakbo ng sasakyan para lang tumaas iyong metro ko? May metro nga, binabagalan din naman magmaneho. At isa pa, may mga nangongontrata din at mas mahal pa kasi walang metro.
Alam ko mahirap ang buhay ngayon. Pero sana… Sana isipin nila ang isang katulad ko na mahirap din.
Wait, hindi pala ako mukhang mahirap. Kita naman sa suot ko, diba? Ang ayos-ayos. Kaya ko naman magbayad pero matipid ako ngayon. Kaya, tama lang na maghintay ako ng jeep.