Larisa POV
Maya-maya lang ay may huminto na UV. Syempre, hindi ibinaba iyong bintana. Wala naman nakalagay sa harap kung saan ito papunta. Sumenyas ako na kung papunta ba ito sa Pafrika Mall. Kaso, imbes na tumango ito ay umalis nalang ito.
Jusko naman, ako naman si tanga. Bakit sumenyas lang ako at hindi nga nito ako maririnig dahil hindi nito binuksan ang bintana. Ako pala ang mag-aadjust. Hayst. Ang init na nga dito sa pwesto ko, wala pang jeep.
Wait, may nakita na akong jeep. Yes!! Huminto ito sa harap ko. Teka, mukhang siksikan na.
“Miss, kasya pa. Tara na!” sabi sa akin ng kasama ng driver sa jeep.
“Ilan pa kasya kuya?” pag-aalinlangan kong tanong.
“Isa nalang at tamang-tama at sakto ka,” sabi nito sa akin.
Pumayag na ko syempre. Kasya pa ako eh--- sabi niya. Ako naman si naglakad sa likod ng jeep. Pumasok ako agad syempre. Kaso pagkatingin ko, wala na akong makitang ma-uupuan ko. As in wala na. Loko itong si kuya. Isang pisngi nalang ng pwet ko ang makaka-upo dito o kaya naman iyong dulo nalang ng pwet ko ang makaka-upo. Harujusko!
“SANDALI, KUYA!” Pagtigil ko sa driver na magmaneho. Umandar na agad eh. Kitang hindi pa ko nakaka-upo. Ay! Wala pala talaga akong ma-upuan. Hindi ako makakapayag na hindi maka-upo ang buo kong pwet.
Huminto naman ang jeep. Bumaba ako at pumunta ako sa harap. Kinausap ko iyong kasama ng driver.
“Sabi mo, kasya pa? Ni hindi nga nagkasya pwet ko,” katwiran ko sa kanya.
“Imposibleng hindi ka magkasya,” di makapaniwalang sabi nito.
Haler! Binase ba naman niya sa payat ko? Duh~ Ang laki kaya ng balakang ko.
“Diyan nalang kaya ako, kuya? Maluwag pa diyan sa tabi mo,” dahilan ko dito.
Sana gumana charm ko. Kasi pag cute ang babae, isinasakay nila sa harap. Ang tanong, cute ba ko?
“Sige na kuya, please.” Pagpapa-cute ko sa kanya.
Desperada na ako. Ayoko na mag-abang ng masasyan. Huhuhu.
Sana gumana talaga. Pag may mas maganda pa sa akin? Nako, alam ko na iyang mga jeep na ‘yan. Pag maganda at kahit wala nang space? Isasakay at isasakay nila ito.
“Nako, miss. Hindi pwede. Okay lang sana eh kaso walang upuan sa gitna namin,” sagot nito sa akin.
‘Yun lang… Okay na sana eh. Ang malas ko talaga ngayong araw o baka naman hindi talaga tumalab ang pagpapa-cute ko?
“Sige, okay lang. Maghihintay nalang ako ng susunod na jeep.” Pagpa-paalis ko sa kanila.
‘broom’
At umalis na nga ito. Hayst. Maghihintay na naman ako.
‘kruu~’
Oh no~ Hayst, nagutom na ako kakahintay. Wait, pinag-iisipan ko kung ano ang uunahin ko. Ang paghintay ng jeep o kumain muna ako?
Hayst. Lumingon-lingon ako. Naghanap ako ng makakainan ko. At BINGO! Buti nalang may malapit na kainan dito.
‘beep-beep’
Napalingon ako nang may dumating na jeep. OMO!! Napaka-wrong timing naman. Nandito ang jeep at isa pa, maluwag pa. Ano pipiliin ko? Huhuhu.
Tingin sa karinderiya
Tingin sa jeep
Tingin sa karineriya
Tingin sa jeep
‘kruu~’
And it’s a sign. Well, tumunog na ang aking tiyan. Siya unang nagparamdam. Hihi. Uunahin ko muna ang tiyan ko. Madami pa naman na jeep diyan.
Naglakad na ako papunta sa kakainan ko. Sa karinderya lang ako pupunta. Gaya nga ng sabi ko, nagtitipid ako. Hihi.
Nang makarating ako ay nakita kong maraming kumakain. Tumingin muna ako ng magiging ulam ko. May bopis, afritada, menudo, mongo, sinigang na bangus, adobong sitaw, bistek, caldereta, pininyahang manok, pochero…
OMO! Nakita ko na ang hinahanap ko. Ang BICOL EXPRESS!
“Ate, isang order ng bicol express. Dalawang kanin din,” sabi ko dito.
Hinintay ko lang ang order ko tapos kinuha ko rin ito. Ngayon, ang problema ko ay ang ma-uupuan ko. Wala nang vacant na upuan.
Humarap ako sa nagtitinda. “Ate, meron pa ba kayong vacant table?”
“Wala na eh. Maki-share ka nalang sa ibang lamesa,” sagot niya sa akin.
Ano pa ba magagawa ko? Choosy pa ba ako? Nakaka-ngawit kaya itong hawak kong plato. Ang bigat ng plato nila. Alam mo ‘yung babasagin na plato? ‘Yung sinauna na malaking plato? Jusko.
Ayun, may umalis. Hehe. Mabilis akong naupo agad. Itinabi ko nalang iyong plato nung kumain kanina para ilapag ko iyong plato ko. Nag-umpisa na akong kumain.
Ganda ng pwesto ko. Mismong sa harap ng t.v ako naupo. Well, solo nood ako nito.
Breaking News:
Kasalukuyang nasa harap ng entrance ng Pafrika Mall ang mga reporters. Hindi matukoy kung bakit ito nandito. May isang netizen akong napagtanungan kung bakit ang mga ito ay nandito ngunit wala din silang alam.
Anong meron? Sabagay, may isa pang entrance ang mall. Doon nalang ako dadaan.
‘bzz’
Tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko agad ang cellphone ko sa sling bag ko. Tiningan ko kung sino ang neg-text. Ah, si Pixie pala.
Pixie: Nasaan ka na?
------------------------------------------
Larisa: Nandito ako sa karinderya. Kumain muna ako. Ang hirap makasakay ngayon.
-----------------------------------------
Pixie: Ah okay. May mga reporters pala sa entrance ng mall. Sa likod naman ng mall, sarado ang entrance doon kaya doon ka lang makakapasok sa harap kung saan may mga reporters. Sana wala ng reporter pag nandito ka na.
-----------------------------------------
Larisa: Okay. Sige-sige.
Hayst. Ang malas ko talaga ngayong araw. Ininom ko na ang natitirang tubig sa baso. Nagbayad na ako at syempre, nakasakay na ko agad.
- minutes later -
‘beep-beep’
Mga maririnig mong busina ng mga jeep. Well, nandito na ako sa Pafrika Mall. Bumaba na ako ng jeep.
Okay? Pagkababa ko nga ng jeep ay huwow~ Super init! Hapon na kasi at talagang mainit dito. It’s so hot in the Philippines.
Lakad mode muna tayo…
Lakad-Lakad-Lakad
Oops! Napahinto ako nang may nagkukumpulan sa entrance ng mall. May mga reporters pa.
Wait, hindi ko ito natanong kanina kay Pixie. May artista ba? Tumingkayad ako. Well, wala pa rin akong makita ha. Pero wala akong pakielam. Kailangan kong makapasok sa loob at pagagalitan na naman ako ng aking mahal kong kaibigan.
Isip… Isip…
Aha!!! Bwahaha… Makakapasok ako. Maluwag ng kaunti sa kaliwa kaya makakapasok ako. Dahan-dahan akong sumingit.
Singit mode… Singit mode pa rin…
Ayan! Malapit na. Malapit na akong makalagpas. Ito na…
“AY!” Napasigaw ako nang may humila sa akin.
Click-Click-Click
Napatulala ako nang nasa harap na ako ng mga reporters. Napapapikit din ako dahil sa mga flash ng camera. Itong katabi ko naman eh hindi ko maintindihan ang pinagsasabi. Naka-akbay kasi siya sa akin. Hindi ako makatingin sa kanya pero nakikita ko siya sa peripheral vision ko. Wooh~ Mukhang gwaping itong naka-akbay sa akin. Sino ba ito? Siguro nasa 6 ft ang tangkad nito. Sana si Ugh Sehun ito. Naku!!! Baka himatayin ako pag siya ito.
Wait, magiging artista na ba ako? Hihi. Ngumiti ako, may peace sign pa ko. Basta, kung ano na pinaggagawa ko. Ito ‘yung pangarap ko eh. Ngumiti ako sa bawat nagpi-picture sa akin. Diba dapat ganun? Hihi. Baka ito na ang daan para ma-discover na ako. Kaya go lang ng go mga sis. Hihi.
***
Lane POV
“Mr. Nicholson, we have a problem,” my secretary said to me.
“Ano iyon?” I asked.
“May mga reporters po sa entrance ng mall,” he answered.
I was thinking who did this. No one will did this if they don’t have their power and the guts to pay the reporters to do this sh*t.
I’m not also a celebrity but what the---
Hayst. Bahala na.
“Don’t worry. I can handle this mess,” I said.
Well, actually not.
Lumabas ako ng opisina ko kasunod ang aking secretary.
“Good morning, sir.” Bati sa akin ng mga staff sa mall habang papunta na ako ng entrance.
Hmm… At naka-abang nga ang mga reporters.
Click…
Click…
“Mr. Nicholson, bali-balita na you are dating Miss Wright.”- kalbong reporter
Click…
“Ilan taon na kayong nagde-date?”- babaeng maiksi ang buhok.
Click…
“Bali-balita na magpapakasal na kayong dalawa? Ito ho ba ay totoo?”- babaeng maliit
Click…
F*ck! What the h*ll is going on?! Paparazzi everywhere tapos gagawan pa ko ng kwento? Ilang beses na itong nangyayari. I have to think to stop this non sense.
Hindi ba nila ako titigilan?
Lumingon ako at may nakita akong isang babae na tingin ko ay sisingit lang ito at dadaan. Well, I don’t have a choice. Hinila ko ito.
“She is my wife. That’s all. Excuse us because we want to private our marriage. Please, excuse us,” sabi ko at pumasok na kami sa loob ng mall.
Well, I need to explain to this girl what I’ve said earlier.