Chapter 3

1335 Words
Larisa POV Napahinto ako sa pag-ngiti at napalingon ako sa sinabi ng lalaking naka-akbay sa akin. “She is my wife. That’s all. Excuse us because we want to private our marriage. Please, excuse us,” sabi nito at hinila niya na po ako papasok sa loob ng mall. Syempre, nagpahila naman si ako. Pero… Ano sabi niya? Hindi ko talaga naintindihan ang sinabi niya. She is my wife… She is my wife… She is my wife… She is my wife… Ano daw?! WIFE?!! Siguro nagkamali lang ‘to. Siguro nagkamali lang din ito ng hila. Wait, ako pala talaga ang hinila niya. Habang naglalakad kami ay nakatingin sa amin ang mga tao. Bakit? Anong meron? Makapangyarihan ba ito? Anak ba ito ng president ng Pilipinas? Ahh… Baka artista?! OMO! Napalingon ako sa department store. Nakita ko ang aking kaibigan na si Pixie na mukhang nag-aalala. Bakit naman? Mukha bang nakakatakot itong humihila sa akin? Hindi ko pa kasi nakikita ‘yung mukha nitong humihila sa akin magmula kanina. Sumenyas ako kay Pixie. ‘Bakit? Sino ito?’ Sabay turo ko sa lalaking humihila sa akin. Sumenyas lang siya sa akin ng ekis. Anong sinesenyas niya? Hindi ko siya maintindihan? Ano ‘yun? Mali? Napalayo na ko sa department store. Hanggang sa wala na akong makitang mga store at puro office na ito. Teka… Bakit parang papunta ito sa opisina ng may-ari ng mall?! Kilala niya ba ko?! Huhuhu. Naku!!! Ayaw ko pang matanggal. Huhu. Malas na nga ako sa pag-ibig tapos ito naman ba ang susunod? Ang trabaho ko?? Huhu… Huwag naman sana. Waah!!! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Malapit na kami. Nakikita ko na ang nakalagay sa harap ng pintuan. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang nakalagay. CEO Room?!!! “U-Uy!!!... T-Teka… Teka… K-Kuya… A-Ayoko… Huhu… Hindi ko pa oras. Huhu,” naiiyak kong sabi sa kanya. Hinihila ko kamay ko pabalik para pigilan na hindi makapasok sa loob. Pero hindi niya ko narinig? Hinila niya lang ako papasok. Take note: Isang hila lang ha. Syempre, wala naman na magawa si ako at napapasok niya ko sa loob. Nang makapasok kami sa loob ng opisina ay napansin kong walang naka-upo sa mismong upuan ng may-ari. Walang tao?? Nasaan ang may-ari ng mall?? Lakas ng loob pumasok nito dito ha. “U-Uy, wala ‘yung may-ari ng mall. Ang lakas ng loob mo pumasok dito ha,” sabi ko sa kanya. Naramdaman kong binitawan niya ang kamay ko. Nakita ko siyang naglakad papunta sa upuan ng may-ari ng mall? Alam mo iyong slow motion na naglalakad? Iiyong pa-suspense? Syempre, likod muna makikita ko tapos side view. OMO!!! Side view pa lang gwapo na. Tapos nung humarap siya. BOOM! Hanggwapo ng lolo mo… Pero wait… Siya ang may-ari ng mall?!!! Siya talaga? Akala ko matanda na? Anyway, hala! Lagot ka, Larisa!! Pero infairness talaga, ang gwapo niya. Gwapo talaga siya pwamis. Hihi. Kaso seryoso ang mukha. Nakakatakot. “Are you done?” tanong niya sa akin na nagising naman ako sa pagpa-pantasya ko sa kanya. At aba!!! Ngumisi pa ang loko. Gwapo na sana kaso mukhang mayabang. “Ano?” takang tanong ko sa kanya habang ‘yung isang kilay ko nakataas tapos naka-nguso pa ko. Teka… Nakaka-ngawit ang nakatayo ha. Wala ba siyang balak na pa-upuin ako? Bakit hindi ako umupo agad? Syempre, pag sinabi niya edi susunod ako. Magalang ako eh. Ayoko naman maging bastos. Duh~ “I said, are you done staring at me?” ulit niya sa akin nang nakataas ang isang kilay. Omo!!! Mapapasabak ata ako ng english-an dito. Pero hindi, nasa Pilipinas kami kaya dapat ay mag-tagalog siya. Diba? Diba? Kumontra, pangit. Joke! Hahaha. “Mister-who-ever-you-are. Mag-tagalog ka. Nandito tayo sa Pilipinas. At isa pa, hindi kita pinagpa-pantasyahan. Malabong mangyari ‘yun, uy~ Asa ka!!” sabi ko sa kanya habang nakahawak ang isa kong kamay sa kanany bewang ko na akala mo ay nagmo-model ako. “Hindi mo ba ako pa-uupuin?” Sumeryoso naman ang mukha niya. Seryoso pala talaga. “Take your sit, miss?” “It’s Larisa Aguirre,” tipid na sagot ko sa kanya. May pangalan ako syempre at umupo naman ako. “Okay, Miss Larisa,” ulit nito sa pangalan ko. Napaka-sarcastic nitong taong ‘to. Hindi na ako magtataka. Tsk. Nakita ko siyang magsasalita ulit pero inunahan ko na siya. Baka english-in ako. “Hephep! Mag-tagalog ka ha. Baka mamaya… Kaka-english mo ay manghingi ako ng tissue sa iyo. Alam mo na… Baka duguin ilong ko,” dahilan ko sa kanya sabay nguso. “Okay. As you wish… About kanina ay narinig mo naman ang sinabi ko.” Panimula niya. “Ginawa ko lang iyon para tigilan na ako ng mga reporters.” “Ganern? Bakit ako ang hinila mo? Ang dami-dami naming babae diyan. Pwede rin naman iyong isa sa reporter. Ah! Alam ko na. Siguro kaya ako ang hinila mo kanina kasi maganda ako. Hihi.” Assumerang palaka ako eh. Pero, malay natin at na-attract siya sa exotic kong ganda. Hihi. “What?!!! No… Imposible… You’re not even my type. No choice lang ako. Ikaw lang ang nandoon na sumisingit at huwag kang feeling,” sabi niya sa akin na tila nandidiri. “Hoy! Bawiin mo sinabi mo! Maganda ako… Yabang nito. Porket gwapo ka? Hmp,” inis na sabi ko sa kanya. Para naman akong may sakit ha. Arte nito. Buti na nga lang at nandoon ako. Hmp. Oo nga at nasa kanya na ang lahat. Gising siguro ito ng magpasabog ng ka-gwapuhan ang diyos pero ang nasalo niya ay kahanginan at kayabangan. Super turn-off agad ako sa kanya. Well, agad-agad, Larisa? “Hindi kita type. Malayo ka sa standard na hinahanap ko,” ulit pa niya. Ha! Kapal ng mukha nito. Aba!!! Napaka-choosy pa. Arte nito. “Grabe ka ha! Sakit mo magsalita. Straight forward na straight forward ka magsalita ha. Edi wow! Ikaw na gwapo. Ikaw na ang perpekto na mukha,” inis ko pa ring sabi sa kanya. “And, you are not even my type too.” Oh, diba. Ginaya ko lang siya para patas kami. “Thank you.” At nagpasalamt pa ang loko. “Anyway, gusto ko lang magpasalamat sa iyo. Kung hindi dahil sa iyo ay baka hindi na ako maka-alis sa harap ng mga reporters.” Ang sungit nito. Ito ‘yung nagpapa-salamat na labas sa ilong. Tumango lang ako. “Wala ka na bang sasabihin?” “I forgot to tell you. Lane Nicholson, the owner of Pafrika Mall,” pagpapa-kilala niya sa akin. “Hmp. Alam ko… Paano ko nalaman? Malamang, ikaw ang naka-upo diyan at nababasa ko ang nasa lamesa mo. Ang nakalagay na pangalan mo,” sarkastikong sabi ko. Haha. Kulit lang. Okay na sana kaso uminit dugo ko sa kanya. Ang yabang kasi ng dating niya. Wooh~ Sinamaan niya naman ako ng tingin. Huhu. Yari ako pag nalaman niya na dito ako nagta-trabaho sa Pafrika Mall. Baka pag nalaman niya ay baka ipatanggal niya ako. Jusko lord! Iyon ang ayaw kong mangyari. Kami nalang ng kapatid ko ang magkasama at ako ang nagpapa-aral sa kanya. “Hehe… Sorry na, sir. Wala ka na po bang sasabihin?” Parang maamong tupang sabi ko sa kanya. “Wala na. Pwede ka nang umalis.” Pagtataboy niya sa akin. “Hehe. Sige,” sabi ko sa kanya at lumabas na ko ng opisina niya. *** Lane POV What a day… Napasandal ako sa swivel chair ko. Binuksan ko ang t.v. Lipat lang ako ng lipat nang may makita akong news at familiar na mall. Ibinalik ko ito sa channel ng nakita ko. Breaking News: May-ari nng Pafrika Mall ay kasal na sa hindi kilalang babae. Napansin kong naka-blurr ang mukha ng babaeng hinila ko kanina. What is her name again? Larisa? Larisa Aguirre? ‘KRIIING’ ‘KRIIING’ Napalingon ako sa cellphone ko nang may tumatawag. Hindi na ako nagtaka kung sino ang caller. “Mom.” (Nasaan ka?) “Office.” (Okay. Sige. Papunta na ko diyan.)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD