Third Person POV Kinabukasan ay nagising na naman si Larisa na wala na naman si Lane sa tabi niya. Pumunta siya ng kusina para mag-prepare ng kakainin kaso ay naabutan niyang inihahanda na ni Aling Juanita ang almusal. At nakaupo na ang kanyang kapatid na si Legend na handa ng pumasok sa eskwelahan. "Magandang umaga, Aling Juanita. Si Lane po?" bungad na tanong niya sa matanda. "Naku, iha. Maagang umalis iyon eh. Hindi na nga nag-almusal dito. Osya. Maupo ka na at kumain dito." Sabay lapag ni Aling Juanita ng plato sa lamesa. Umupo naman si Larisa. "Aling Juanita sumabay na po kayo sa amin," yaya niya sa matanda. "Naku. Mamaya na ko kakain at may gagawin pa ko," tanggi naman ng matanda. "Pwede naman na mamaya na po 'yan, Aling Juanita. Hindi ka naman po others eh. Saka ako nalang p

