Larisa POV "Alam mo, ang dami mong tanong," masungit niyang sabi. "Sige, huwag mo na sagutin. Buti nga inaalala ko 'yung ganung sitwasyon. Nagtatanong lang naman ako. Hmp." Sabay nguso ko. "Such an ignorant. Of course, aayusin ko kapag may bisita. Okay na? Maliwanag na ba sa iyo?" sabi niya sa akin tapos binitawan 'yung bag ko. "Oh, dalhin mo na 'yang bag mo sa kwarto mo." "Hehe. Saan kwarto ko?" tanong ko syempre. Wala namam siyang sinabi kung saan ako magka-kwarto. Abnormal din 'to. "Katapat ng kwarto ko," sagot naman niya. Hindi ko na siya sinagot at nag-martsa na ako papunta sa kwarto ko. Nang makapunta ako ng kwarto ko. Oh, hindi ako nagkamali ng napasukan kasi may pangalan sa labas. Sayang naman. Tsk. So. Ayun na nga, nandito na ako sa kwarto ko. Nasa taas ang mga kwarto. In

