Legend POV "Congratulations, you have passed your interview," sabi ng hr. "Thank you so much," sabi ko naman. "When will I start?" "Next week, you will start your training," sagot naman nito. "Do you have questions?" "Nothing, mam. Anyway, thank you so much," pagpapa-salamat ko ulit. "No problem," sabi nito. Lumabas na ako ng opisina nito at lumabas na rin ako ng building. Yes! May trabaho na ako. Excited na akong sabihin kay Ate Larisa. 'Bzzz' 'Bzzz' Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Agad kong kinuha sa bulsa ang cellphone ko. Binuksan ko ang cellphone ko at pagtingin ko ay maraming missed calls. May mga text din ako galing kay Ate Pixie. Binuksan ko ang isang message niya. Nagulat ako sa nabasa ko. Si Ate itinakbo sa ospital. Biglang kumabog ang dibdib ko. Dali-dal

