bc

A WIDOWER'S AFFAIR

book_age18+
1.9K
FOLLOW
11.8K
READ
possessive
escape while being pregnant
fated
second chance
comedy
bxg
humorous
lighthearted
first love
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

COMPLETED

Dahil sa mga magulang ni Gabriel ay naikasal siya sa kababatang si Rima ng alinsunod sa gusto niya. Gustuhin man niyang sumuway ay hindi niya magawa dahil naipit na rin siya sa sitwasyon. Nang dahil doon ay wala siyang nagawa kung hindi pakawalan ang babaeng nilalaman ng puso niya, si Lorraine. Sapagkat ayaw ng mga magulang niya sa dalaga dahil mahirap lamang ito. Ngunit bago sila nagkahiwalay ng landas ay nagawa pa ng binata na abutan ng tulong ang dalaga para makapagsimula ng bagong buhay malayo sa kanya.

Lumipas ang ilang taon ay biglang pumanaw si Rima dahil sa malagim na aksidente, dahilan upang maging certified balo at singledad si Gabriel. Sa kanyang pag-iisa ay muli niyang naalala ang una niyang pag-ibig. At tila pinag-aadya ng tadhana ang kanilang muling pagkikita dahil sa hindi sinasadyang pagkakataon ay muling nagkrus ang landas nila. Ang puso ni Gabriel na akala niya ay bato na ay muling pumintig para sa dalaga gaya noong una niya itong nakita. Ngunit sa muli nilang pagtatagpo ay may isa ring nagbabalik sa kanilang nakaraan. Sino nga ba si Rafael Silvestre at ano ang pakay nito sa kanila?

chap-preview
Free preview
FOUR DIFFERENT LIVES
  "Baka naman matunaw na si Lorraine sa kakatitig mo sa kanya," sabi ni Rima nang mahuli nito si Gabriel na nakatingin sa kababata nila. Anak si Lorraine ng taga-gapas nila sa tubuhan na si Mang Ipe. Bata pa lang si Lorraine ay wala na ang nanay nito. Ang sabi ni Mang Ipe ay nakahanap na ng iba ang kanyang maybahay at mayroon ng ibang pamilya kaya siya na lang ang nag aruga sa solong anak. Nasa lilim ng malaking puno si Gabriel habang hawak ang telescope para panoorin si Lorraine sa pagtulong nito sa ama sa paggagapas ng tubo. Hindi magawang lapitan ng binata ang dalaga dahil ayaw ng kanyang ina na nakikihalubilo siya sa mga trabahador nila. "Shut up, Rima! If I know kaya ka nandito ay dahil din kay Rafael," sagot ni Gabriel sa kaibigan sa tono na nang-aasar. Inilagay nito sa damuhan ang telescope na kaagad namang kinuha ng huli para silipin rin si Lorraine. "Oh c'mon! Baka may makarinig sa'yo at isumbong ako kay Mommy. Alam mo namang allergic 'yon sa mga poor people just like your mom." saway nito. "Kaya huwag mo rin akong tinutukso dahil hindi lang ikaw ang may alas sa'ting dalawa." "Whatever, wetpants!" ani ng dalaga sabay tulak sa binata kaya sumadsad ito sa damuhan. Kaagad na tumakbo pabalik sa mansion ng mga Gutierrez ang dalaga at kasunod niya ang binata. Sa di kalayuan ay nabaling ang atensyon ni Lorraine sa naghahabulang mga kababata, naulinigan niya ang tawanan ng mga ito kaya hindi niya maiwasang panoorin ang dalawa. Minsan ay nakakaramdam siya ng inggit sa dalawa dahil malaya ang mga itong maghabulan at maglaro kung kailan gustuhin. Samantalang siya ay namulat sa pagtulong sa ama dahil sa hirap ng kanilang buhay ay kailangan niyang tumulong sa pagtatrabaho. "Anak, nakatingin ka na naman kay Sir Gabriel, baka mamaya may makakita na naman sa'yo at isumbong ka na naman kay Ma'am Vera tapos mapagalitan ka na naman." sabi ng ama. "Hindi na po titingin, 'tay..." sagot niya habang nagpatuloy sa ginagawa. Hindi niya maiwasang makaramdam ng kalungkutan dahil ni minsan ay hindi niya nakasama ang mga kababata. Sino ba naman kasi ang gugustuhing lapitan siya gayong amoy araw siya at puro pa dumi ang suot niyang butas na nga ay luma pa. "Pasensiya ka na anak kung hindi tayo pwedeng makihalubilo sa kanila. Alam mo naman na tauhan lang tayo rito at mahigpit na pinagbabawal ni Ma'am Vera na huwag lalapit kay Gabriel." Sabi ng ama sa kanya. Ito na mismo ang humingi ng paumanhin sa kanya. "Wala kang dapat ipag-alala 'tay, maliwanag pa po sa sikat ng araw ang katotohanang kailanman hindi hahalik ang ginto sa lupa." aniya. Umatras siya ng bahagya papalayo sa ama para putulin na ang usapan nila. Masakit sa dibdib ang usapan nilang iyon ng ama. Tila may libo-libong karayom ang sabay-sabay na bumaon sa dibdib niya kapag pinapaalala ng ama ang agwat nila ni Gabriel. Kahit hindi sila nagkakausap ni Gabriel ay nakikita niya pa rin ito mula sa malayo. At sa kanyang batang puso ay hindi niya maiwasang humanga sa taglay na kagwapuhan ng binata. Kung hindi lang siguro siya mahirap ay hindi rin siya magiging alangan sa binata dahil taglay niya rin ang kagandahan na ang sabi ng ama ay minana niya pa sa ina. Ang kanyang itim at tuwid na buhok ay kumikislap sa pagtama ng araw. Hindi na niya kailangan pang magpa rebond dahil natural ito. Namana rin niya sa ina ang kaputian nito na parang porselana at ang kanyang mga mata ay abuhin na parang gaya sa mga tisay sa TV.   "By the way, bakit pala kayo nagpunta rito?" tanong ni Gabriel sa kababata ng maabutan ito. "Sabi ni Mommy ay personal daw kayong iimbitahan sa debut ko," sagot nito. "Oy, oo ngapala! Happy Birthday, bestfriend!" "Excuse me, Gabriel! You're not my bestfriend for no reason, you should give me something for my birthday!" "Ang yaman mo na para manghingi ng regalo, Rima. Huwag kang selfish diyan!" sabi niya, kunwaring saway niya sa kaibigan. "You're so mean! Sige ka, once hindi mo ako binigyan ng regalo, I'll tell your secret to Tita!" sabi nito na nanakot pa. "Ssshhh!" he whispered. Nakarating na sila sa mansion at sa labas pa lang ay rinig na nila ang mga boses ng mga magulang kaya naman nagpasya silang pakinggan ang pinag-uusapan ng mga ito. "Cheers!" sabi ng apat na pareha sa malawak na living room ng mga Gutierrez. Nagkaroon ng biglaang pagtitipon ang magkakaibigan at magkasosyo na sina Apolonio at Rita Trinidad at ang may-ari ng bahay na sina Anthony at Vera Guttierrez. Bagamat makikita ang pagka disgusto ni Vera sa nangyayari ay wala naman itong magagawa dahil ang kabiyak pa rin ang masusunod. "Anthony, are you sure that your son is ready for the wedding? Magde-debut na si Rima and we are thinking na isabay na ang announcement ng kanilang kasal. I mean we've been waiting for a long time already; we should marry them off as soon as possible." ani Apolonio sa kaibigan. "What my husband is trying to say is, we should do it as early as our Rima hit her eighteen years of life. You know, our business is somewhat special that we have to make sure na hindi tayo mapag-iiwanan ng mga kalaban." sabi ni Rita habang nakatitig sa kaibigang si Vera na tahimik na sumisimsim ng alak nito sa mamahaling kopita. "Huwag kayong mag-alala our son will do whatever we will ask him to do. Or else-" "Or else what, Anthony?" ani Vera sa sasabihin ng kabiyak. Pinutol na nito ang sasaihin pa sana ni Anthony. She gazed at her husband with that annoying look that her husband used to hate. "Well, he has no choice but to leave this house with nothing but his balls." sagot ni Anthony. "That's too much, honey! He is your son, your flesh and blood!" sagot ni Vera. Bakas sa boses nito ang malaking pagtutol. "You’re right! He is my son, kaya kailangan niyang gawin ito. We have our deal sealed from the day that they were born. To make sure na magiging matatag ang kompanya ng bawat isa, we have to do the merger as soon as possible. This is something that we cannot put to rest, Vera.” wika ni Anthony sa asawa, sa boses na pagalit. "Hold your horses, Vera, our Rima will take care of your son. Kaya huwag kang mag-alala, naiintindihan kita because I am also a mother but the deal is a deal." ani Rita. "Besides don't tell me na hindi makakatulong ang merger ng kompanya natin sa pagiging socialite mo, if I know sabik ka na ring mas makilala pa sa alta-sosyedad because of our family.” Tumingin si Vera kay Rita. Kung nakakamatay lang ang titig ay malamang tumimbuwang na ang ginang. "You guys are pathetic! Para lang masiguro na hindi bumagsak ang kompanya ninyo ay kailangan ni'yo pang isangkalan ang mga bata para lang sa mga plano ninyo!" Natahimik ang lahat dahil sa reaksyon ni Vera. May punto rin naman ang ginang ngunit ang bagay na iyon ay matagal na nilang napagkasunduan. Matagal na silang magkakaibigan at simula pa lang nang ipagbuntis ni Vera si Gabriel ay nag-usap na sina Anthony at Apolonio na kapag nagbuntis rin si Rita at babae ito ay ipapakasal nila ang mga bata pagdating ng mga ito sa hustong gulang. "Enough, we are here to discuss something really important that will benefit our family until our tenth generation, isn't that something that we should celebrate?" sabi ni Anthony ng mapansin na nagkakainitan na ang mga ito. Muling tumungga si Vera ng alak at nagsalin muli. Rita was also right. She is the epitome of a socialite to most people in their circle. Labag man sa loob ay kailangan nga talaga nila ang mga Trinidad. Ang negosyo ng mga Gutierrez ay asukal at pag-aari nila ang malaking plantasyon sa Bacolod. Samantalang sina Apolonio naman ay pag-aari ang ekta-ektaryang lupain ng kape. Parehas sila ng goal na magkakaibigan, ang makilala ang kanilang mga produkto hindi lang sa buong Pilipinas, kundi maging sa ibang bansa. At iyon ang tatrabahuin nila sa oras na maging isa na ang kanilang pamilya. "Okay, much has been said and done at sa tingin ko ay we have wasted too much energy and time for this argument. What we have to do is to prepare for the engagement and the wedding." ani Apolonio. "I'll let my secretary handle everything, Apolonio. Makakaasa ka sa kooperasyon naming mag-anak." ani Anthony. Inilahad nito ang palad upang makipagkamay sa kaibigan at soon to be in-laws.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook