"Lorraine, I have something for you..." anang binata sabay abot ng isang maliit na kahon. Nagpapahinga siya sa kanyang kwarto ng katukin siya nito nang hapon na iyon. Ang ama niya ay naroon rin pero mahimbing itong natutulog sa couch. Pagsulyap ng dalaga ay bumulaga sa kanya ang litrato ng isang mamahaling model ng cellphone. "Para saan po ito?" takang tanong niya. Hindi niya alam kung tatanggapin niya iyon o hindi dahil sa dami rin ng naitulong nito sa kanila. Kalabisan na yata kung tatanggapin niya pa ang binibigay nito sa kanya. "Para may magamit ka, kakailanganin mo 'yan sa pag-alis ninyo ni Mang Ipe." Sagot ng binata. "Kunin mo na, magtatampo ako kapag hindi mo 'yan tinanggap." "Pero Sir-" "Gabriel, I told you to call me by my name... You're not our employee anymore, and I'm not y

