Inihinto ni Rima ang bagong-bago niyang sasakyan na suzuki jimny na kulay puti. Inihimpil niya ito sa tapat ng barong-barong ng nobyong si Rafael. Tinawagan niya ang binata na pupunta siya sa bahay nito kaya naghintay siyang lumabas ang huli sa bahay para puntahan siya. Hindi naman siya nabigo dahil wala pang isang minuto ay lumabas na ang lalaki. Nakasuot ito ng kupas na pantalon at maluwang na tshirt na halatado pa na nilagyan nito ng mumurahing pang tina.
"Hi, namiss mo ba ako?" saad ng nakangiting nobyo. Hindi muna ito sumakay sa passenger seat dahil dumukwang lang ito mula sa bintana.
"Get in," sagot niya.
"Okay, mahal na prinsesa." sagot ng binata sabay bukas ng pinto at tahimik na sumakay sa sasakyan.
Tinulungan niya pa ang binata na ikabit ang seatbelt bago niya muling pinaandar ang sasakyan. Nagtungo sila sa burol kung saan sila madalas na magkita at magpalipas ng oras. ang burol na iyon ay parte ng lupain ng mga Gutierrez, kaya safe sila dahil walang ibang tao roon kaya iyon ang napili nilang lugar ng kanilang tagpuan.
"I bought wine, maybe you like to drink me instead with your friends." ani Rima sa nobyo sabay kuha ng ilang bote ng soju na binili niya pa sa Korean Mart. Nagbitbit din siya ng ilang stick ng barbecue at mga sitsirya pampulutan.
"Wow, himala! Ikaw pa mismong nagyaya na mag-inuman. Syempre hindi ko 'yan tatanggihan lalo na ikaw ang nag-aya sa'kin." ani Rafael sabay ngiti.
"I know, kailan ka ba tumanggi sa alak." sagot niya. Unfortunately, Rafael is the the type of guy with a lot of vices. Happy go lucky rin ito, pero ika nga ng iba. Opposite do attracts, kaya siguro natutunan niyang mahalin ang nobyo na kahit siya ay hindi niya maipaliwanag kung paano.
Hinayaan niyang nakabukas ang headlights ng sasakyan para magsilbing ilaw nila. Pinagtulungan nilang mag nobyo na ilatag ang dala niyang manipis na kumot sa damuhan at inilagay ang inumin at pulutan sa ibabaw nito. Mabilis nilang binuksan ang dalawang bote at parehas nilang tinungga ito. Gumihit ang mapait na likido sa lalamunan ng dalaga at halos maubo siya ngunit pinigilan niya ang sarili.
"Hindi ko alam na malakas ka rin pala uminom," wika ng binata sa kanya. Halata sa mukha nito ang pagkagulat.
"Not really." sagot niya.
"May problema ka ba kaya balak mong lunurin ang sarili mo sa alak? Kinagalitan ka ba sa inyo?" Rafael asked all of the sudden.
"Problema? Hahaha! What kind of problem do the rich girl like me could ever have?" wika ng dalaga at mapait na ngumiti. Unti-unting namumuo ang luha sa kanyang mga mata ngunit pinalis niya ito.
"Hindi ko alam, you're not yourself tonight. Hindi ka naman manginginom. Baka makatulong ako sa'yo, tell me what's going on." He said, “I love you and you’re making me worry about you.”
Muli na namang tumawa ang dalaga sa sinabi ng kasintahan. "Alam mo kung anong tulong ang pwede mong ibigay sa akin? Iyon ay ang uminom ka na lang ng tahimik at sumabay sa akin. Hindi 'yung panay ka usisa 'di mo rin naman ako kayang tulungan sa problema ko."
"Nakakasakit ka naman ng damdamin, oo mahirap lang ako. Pero bilang boyfriend mo pwede mo naman ako hingan ng tulong. Malay mo makatulong pala ako."
Pagak na tumawa ang dalaga at muling tumungga ng alak. Nang sandaling iyon ay halos kalahati na ang nainom niya at bilang hindi sanay ay nakakaramdam na siya ng pangangapal ng mukha. Ngunit hindi siya tumigil at patuloy pa rin sa pag-inom kahit pigilan pa siya ni Rafael ay hindi siya nagpaawat. For once she wants to do what she wants.
"Just stay with me, that's all you can do right now..." aniya. "I'm gonna be eighteen soon..."dagdag niya habang nakatitig sa kausap. Gusto niyang sabihin sa katipan na ipapakasal siya ng mga magulang kay Gabriel pero ayaw niya. Kilala niya si Rafael at ayaw niya itong gumawa ng eksena na magiging sakit sa ulo niya.
"Alam ko, excited na nga ako eh. Alam ko na hindi ako mayaman pero naghahanda rin ako ng regalo para sa'yo. Hindi man mamahalin pero galing naman sa puso ko 'yon."
"Thank you, Rafael..." sabi niya sa nobyo, ang mga katagang iyon sabay ngiti sa kasama. Kapagkakuwa'y tumingala siya sa kalangitan ngunit walang bituin sa langit dahil natatakpan iyon ng makakapal na ulap.
"Seems like the heaven knows I'm doomed, mukhang uulan na." wika ni Rima. Nagtangka itong tumayo ngunit kaagad ring napaupo dahil sa hilo nito. Buti na lang at nasalo ito ni Rafael kung hindi ay mababagok sana ang ulo nito sa nakausling ugat ng punong mangga.
"Hey, careful! Malayo ang ospital dito, nasa burol pa tayo." ani ng binata habang nakatitig sa mukha ni Rima. Nakapikit ito ngunit bahagyang nakaawang ang labi na waring nag-aanyaya sa kanya.
"Rafael..."
"Huh?"
"You know I love you, right?"
"Oo naman, kung hindi mo naman ako mahal, hindi ka naman sasama sa akin palagi. Baka nga simpleng hawak lang sa'yo e sa kangkungan na ako pulutin."
Niyakap siya ng dalaga ng mahigpit dahil sa sinabi niya kaya gumanti rin siya ng yakap. "Mukhang may problemang malaki ang prinsesa ko ah, ano kaya 'yon at ayaw pa magsabi." aniya.
Mas lalo lang humigpit ang yakap nito kaya hinayaan niya na lang muna. Hanggang sa biglang bumuhos ang malalakas na patak na ulan kaya kaagad niyang pinangko ang dalaga at ipinasok sa sasakyan nito. Hindi siya marunong magmaneho kaya hindi rin sila makakauwi sa bahay nila kung hindi na kakayanin ni Rima ang magmaneho. Basang-basa sila ng ulan at nakakaramdam na sila ng lamig. Hinubad niya ang suot na tshirt habang pinupunasan naman nang dalaga ng tissue ang mga braso nito hanggang sa mukha at leeg. Sa maling galaw ng dalaga ay nakita niya ang malusog nitong dibdib na natatakpan lamang ng manipis nitong bestida. Kaagad na napalunok ng sunos-sunod ang binata. Ang kaninang mainit na pakiramdam dahil sa alak ay mas naging mainit pa ng sandaling iyon.
"Are you cold too?" he asked her.
"H-ha? H-hindi!" he answered back. Nagkandautal na siya sa matinding kaba.
"Anong hindi, nagkakandautal ka na nga sa lamig." anito.
Bago pa man niya napigilan ang dalaga ay kaagad na itong dumukwang para punasan ang katawan niya. Tila may kuryenteng dulot ang pagkakadaiti ng balat nila at maging si Rima ay ramdam rin iyon at bahagya ring natigilan.
Bigla niyang hinawakan ang malalambot na kamay ng dalaga at kaagad silang nagkatitigan. Hindi na niya namalayan na inangkin niya na pala ng tuluyan ang malambot na labi nito.
"R-rafael, you know this isn't right..." ani ng dalaga ng bahagya itong kumalas sa kanya. Bakas ang pag-aalinlangan nito sa nakaambang mangyari sa kanila.
"Mahal kita, Rima... Alam kong alam mo 'yan, 'di ba?" sabi nito sa sinabi niya ilang minuto lamang ang nakakalipas.
Napakagat labi ang dalaga sa sinabi ng binata. Muling pumasok sa isip niya ang planong pagpapakasal sa kanya ng mga magulang kay Gabriel. Muli siyang napatitig sa nobyo at may kumislap na ideya sa isip niya. Baka iyon ang maging solusyon upang hindi siya ipakasal ng mga magulang sa kababata.
"How much do you love me, Rafael?" she asked him out of the blue.
Sa halip na sagutin ay muli siyang hinalikan ng mapusok ng binata. At ng gabing iyon, sa gitna ng nagsusungit na panahon ay isinuko ni Rima ang sarili sa kanyang nobyo.