"Ano'ng katangahan ang ginagawa mo sa buhay, Rima? Ano ang nakain mo para makipag relasyon sa isang tambay?!" ani Apolonio sa anak kinaumagahan. Nasa iisang hapag-kainan sila at kumakain ng agahan, nakaharap siya sa mga magulang ngunit mas nais niya na lang na lamunin ng lupa kesa marinig ang mga sinasabi ng ama. Ano ang gusto nitong mangyari sa buhay niya? Ang maging sunod-sunuran sa mga kagustuhan nila kahit hindi siya magiging masaya? Bakit, ipinanganak lang ba siya sa mundo para maging dakilang utusan? Iyon lang ba talaga ang purpose niya sa pamilya? Tagatupad sa mga pangarap nila? Instrumento para lalong dumami ang laman ng kaban ng mga magulang niya?
"Dad... please let me explain," she answered. Tiningnan niya ang ina para magpasaklolo ngunit kagaya ng dati ay tikom pa rin ang bibig nito. Her mom never tried to defend her, even just for once. Hindi niya alam kung paano nalaman ng mga magulang ang tungkol sa kanila ni Rafael and she is scared na baka marami nang alam ang mga ito at tuluyan siyang pigilan sa relasyon nila ng nobyo. Hindi siya makakapayag, she finds comfort in his arms. She needed him to keep her sanity intact.
"Explain what? That you're in love with that poor guy with lots of vices?! Ano ang magiging future mo sa kanya?!" asik ng ama. "Your love for him, should not exist in the first place, Rima. He's gonna make you someone you're not meant to be. Baka gawin ka lang palahiang baboy niyan. Pagkatapos ay gugutumin ka lang at ni hindi ka mabigyan ng maayos na buhay!"
"We're still young, dad. He can change! It's not too late for him, I'm gonna lead him the right path. He's going to be okay! I promise you, he's going to be someone yo-"
"Are you some kind of stupid?" putol ng ama sa sasabihin niya.
"W-what?" nababaghang sagot niya.
"Hindi ka isinilang ng mommy para maging tanga! You're going to lead him the right path, you said? Ano tingin mo sa sarili mo, tagapastol?" namumula sa galit na bulyaw ni Apolonio. "He's an adult, if he wants to be better, he will do better bago ka pa niya niligawan. Ginawa niya ba? Look at him now! Isa pa ring dakilang tambay sa kanto na walang ginawa kung hindi humithit ng sigarilyo at uminom ng alak hanggang sa hindi na halos makalakad pauwi. Is that the kind of person you want to be with for the rest of your life? Are you nuts?!"
"Dad..."
"You are not a teacher Rima nor a psychologist that can help that boy with his mental growth. You don't have the ability to do that. You're not some kind of shelter that he can count to because he is too weak for someone his age. You are not built to be like that!"
"Then, tell me dad, what I'm built for? Para maging puppet mo? Na walang kalayaang sundin ang mga bagay na gusto at pangarap ko? Is that the reason why I am alive today?" puno ng hinanakit na wika ng dalaga sa ama. Kagyat na natigilan si Apolonio. Tinitigan nito ang kabiyak na si Rita na tahimik lamang sa sulok at humihigop ng kape.
"You are built to continue my legacy. You are built to become a successful person, not someone who are trying to help a boy to become a man. That is what you are." anang ama.
"Iyan ba talaga ang issue dito? Ang pagiging happy-go-lucky ni Rafael o ang kahirapan niya?"maktol niya.
"Both." diretsahang sagot ng ama. Matalim siya nitong tinitigan. "Hindi ko siya gusto para sa'yo at huwag ka nang umasa na magbabago pa ang isip ko. Ikakasal ka kay Gabriel sa ayaw mo at sa gusto, Rima. Tapos ang usapan!"
"I'm not going to marry Gabriel, hindi namin mahal ang isa't-isa!" sagot niya.
"Love? Is that even exist? Where did you learn about love?" anang ama. "Ang pagmamahal ba na sinasabi mo ay tinuturuan kang maging suwail na anak? Iyan ba ang itinuro sa'yo ng pagmamahal na sinasabi mo?"
"Dad, please don't do this to me. To us. You're ruining our lives!"
"No, you're wrong! For what I believe, I am preparing you to have a great life kahit mawala man kami ng mommy mo. And no one is stopping me, kahit lumuhod ka pa sa harapan ko o kahit lumuha ka pa ng dugo." Pagkatapos ay kinuha nito ang tissue sa gilid at kaagad na nagpunas ng labi. "I'm off to my work." anito.
"Take care, darling!" ani Rita. Tumayo pa ito para gawaran ng halik sa pisngi ang asawa bago muling umupo.
"Don't let your daughter to leave this house. She is grounded."
"No!" malakas na tanggi ng dalaga. "I'm your daughter not your prisoner! You can't do that!"
"Yes, I can! Ako ang masusunod sa bahay na ito kapag sinabi kong walang lalabas, hindi ka lalabas!" malakas ang boses na wika ng ama. Walang nagawa ang dalaga kung hindi bumalik sa pagkakaupo habang kinukutkot ng galit ang kanyang puso. She is never happy with how her family treats her. Pakiramdam niya ay wala siyang kalayaan sa lahat ng bagay. They're rich but she doesn't have freedom. And it's suffocating. What life does she have? Nothing. Her world isn't as colorful as what she fantasize it. Rather, her world is nothing but plain black and white.
"Kung ako sa'yo hindi ko na lang gagalitin ang daddy mo, pasalamat ka at hindi pa nakabaon sa ilalim ng lupa ang boyfriend mo. Sa oras na ginalit mo ang ama mo ng todo ay baka malaman mo na lang na inu-uod na si Rafael sa ilalim ng lupa." babala ng ina.
Malungkot na ngumiti si Rima at tumingin sa ina. "I never thought that you're saying those words, mom. Tell me, may isasama pa ba kayo ni dad?"
"Bakit ba hindi ka na lang sumunod sa amin ng daddy mo. Ikaw rin naman ang magbe-benefit niyan in the future! Imagine how rich you'll become sa oras na maging kayo na ni Gabriel. Two big companies here in Bacolod will be yours! Isn't that something that you should happy about?"
"I'm not into money, thank God, I'm not that greedy."
"What did you say?!" galit na wika ng ina.
"What I'm saying, I'm not greedy. Hindi ako kagaya ninyo ni dad na puro pera ang nasa isip. Wala kayong contentment sa buhay. Kaya hindi ni'yo magawang maging masaya dahil sa pagiging ganid ninyo sa pera. Your relationship with dad is nothing, dahil ginawa ninyong sentro ng buhay ninyo ang pera. Kaya naman, tingnan mo na lang ang sarili m-"
Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Rima. Pakiramdam niya ay nabingi ang left ear niya sa lakas ng pagtama ng palad ng ina sa pisngi niya.
"How dare you say that to me!" namumula sa galit na wika ni Rita. "Ito ang huling beses na iinsultuhin mo ako, Rima! I am warning you!" mabalasik na wika nito sa kanya. Ngunit ni katiting na takot ay wala siyang naramdaman.
Hinaplos niya ang pisngi. She couldn't help but cry. Not because of the slap, but because of the pain that her parents caused to her heart. "I am so sorry, mom... But I guess, the reality slaps you long time ago that I'm not even surprise you're giving me some taste of it."
"Hindi ka ba talaga titigil?!" mabangis na wika ng ina. Nginitian niya lang ito at muling bago iniwang mag-isa sa lamesa. Alam niyang nasaktan niya ang ina, ngunit hindi siya nagsisisi. Kailangang malaman ng ina kung ano ang mga pagkakamali nito sa buhay. Baka sakaling may mabago pa sa takbo ng mga isipan nito.
Ini-lock niya ang pinto ng makarating siya sa kanyang kwarto. Wala siyang balak na magpapasok ng kung sino roon. Total grounded din naman siya. So be it. Humiga siya sa kanyang kama at tahimik na lumuha. Hindi niya gustong maikasal kay Gabriel. They are best friends. Period. Ni minsan ay hindi niya pinagnasaan o naisip na magiging sila nito. Her heart belongs to Rafael no matter how weak he is. Si Rafael lang kasi ang nakakaintindi sa kanya. With him she can be someone she wants to be. Simple. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at sa kanyang balintataw ay nakita niya ang gwapong mukha ng kasintahan. "Rafael..." mahinang usal niya.
Marahil ay naramdaman nito ang pangungulila niya dahil bigla na lang itong tumawag sa kanya. Kaagad niya iyong sinagot. "Rafael, napatawag ka?"
"Kukumustahin lang sana kita. Are you okay?" tanong nito.
"Yeah, I'm fine... Ikaw? How have you been?"
"Okay naman ako, aalis ako saglit. May isa akong kaibigan na may nakitang raket sa kabilang bayan. Sasama ako para maka delhensiya ng pera. Mai-date man lang kita kahit sa starbucks."
Napangiti siya. "Hindi mo naman kailangang gawin 'yan, kahit nga 'yung tag limang pisong kape sa vendo machine, masaya na ako eh. Basta ikaw ang kasama ko."
"Ang sweet naman ng girlfriend ko, lalo tuloy akong nai-inlove." anang binata sa kabilang linya.
Napakagat-labi si Rima. "Nakita ka ba ni daddy kagabi? Ano ang ginawa niya sa'yo? May sinabi ba siya sa'yo? Tinakot ka niya or what?"
"Hindi naman niya ako nakita kagabi. Nasa burol ako at hindi pa ako nakakauwi nong tumawag ka." tanggi nito.
"Talaga, totoo?"
"Oo nga, saka kung nakita man ako ng daddy mo at sinaktan ako, matitiis ko bang hindi sabihin sa'yo?"
Nakahinga siya ng maluwag. "Mabuti naman kung ganoon, at least mapapanatag ako. Basta palagi kang mag-iingat. My dad knows about us, already. Hindi ko alam kung paano niya nalaman, pero kailangan nating mag-ingat." babala niya.
"Huwag kang masyadong mag-alala. Ipapakita ko sa tatay mo na deserving ako sa pagmamahal mo kahit isang hamak na hampaslupa lang ako." anang nobyo.
"Wala ka namang dapat patunayan, kilala kita... Kaya nga naging tayo eh." aniya sa nobyo. "Rafael, mag-iingat ka ha. I know my dad, natatakot akong baka may gawin siya sa'yong hindi maganda."
"Sige, walang problema. Palagi akong mag-iingat para sa'yo..." sagot ng nobyo. Narinig niyang may tumawag na lalaki sa pangalan ng nobyo. Inaaya na itong sumakay sa sasakyan. "Mahal na prinsesa, alis na daw kami nitong kaibigan ko." paalam nito.
"Sige, mag-iingat kayo." aniya.
Nang matapos ang kanilang pag-uusap ay muli siyang natulala. Kailangan niyang mag-isip ng gagawin upang hindi matuloy ang kasal nila ni Gabriel. Kailangan nilang magplano ni Gabriel para pigilan ang kagustuhan ng kani-kanilang mga magulang. Muli niyang dinampot ang cellphone at tinawagan ang kaibigan.
"Yes, Rima?" bungad ng binata.
"Sinubukan mo na bang kausapin ang parents mo tungkol sa plano nila para sa atin? Sinabi mo na ba sa kanila na we're not willing to marry each other."
"I am trying... Hindi ka naman na siguro magugulat kapag sinabi kong beastmode na naman si dad sa'kin, bugbog na naman inabot ko."
"Gosh! Dad and I also had an argument over the food this morning. Alam na rin nila ang tungkol kay Rafael. I even wonder kung paano nila nalaman ang tungkol sa amin." aniya.
"Maybe isa sa mga friends mo ang nagsabi. I mean, they could sell your secret for a few thousands."
"That's bullshit! Ngayon na alam na nila dad ang tungkol sa amin ni Rafael. Natatakot ako na baka madaliin nila ang kasal na 'yan."
"I honestly don't know, Rima. Parehas lang tayo ng pinagdadaanan ngayon."
"Tumakas kaya tayo? Like, let's go some places na hindi nila tayo makikita." suhestiyon niya.
"Are you crazy? Masyadong ma-impluwensya ang mga magulang natin. Kahit saan tayo magtago, paniguradong makikita lang din tayo kaagad. Isa pa, hindi ko rin kayang iwan si Mommy." ani Gabriel.
Napailing si Rima. There he goes. Gabriel is a certified mama's boy. Isa pa iyon sa problema nila.
Samantala, habang malaki ang problema ng dalawang magkaibigan ay tahimik naman ang pamumuhay ni Lorraine kasama ang ama. Isang payak na pamumuhay ngunit walang malaking problema na kinakaharap.
"Lorraine!" malakas na tawag sa kanya ni Dexter. Ang isa sa mga tauhan ng mga Guttierez. Isa rin niyang kababata. Patakbo itong lumapit sa kanilang kubo.
"Ano ang problema, nasusunog ba ang bahay ninyo?" pabiro niyang tanong sa kaibigan.
"Sira! May nalaman akong balita. Narinig ko 'yung usap-usapan ng ibang tao sa gapasan."
"Anong balita naman?" curious niyang tanong.
"Ikakasal na raw si Sir Gabriel!" anito.
"A-ano?!" malakas ang boses na wika niya. Tila nalaglag ang puso niya sa narinig.
"Oo, at ang sabi, kay Rima daw ikakasal si Sir. At ang engagement raw ng dalawa ay sa mismong 18th birthday ni Ma'am Rima!" anito.
Hindi nakakibo ang dalaga. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Wala na nga talagang pag-asa na maging sila ng kanyang ultimate crush.
"Ikaw talaga, Dexter. Tinalo mo pa ang reporter sa TV. Eh, ano naman kung ikakasal na silang dalawa. Ano naman ang paki natin sa kanila. Mga tauhan lang tayo rito at kung anuman ang nais nila sa buhay ay labas na tayo roon." saway ni Mang Ipe sa binata.
Napakamot ulo na lang si Dexter na waring nahihiya. Tila hindi nakayanan ni Lorraine ang balitang iyon dahil kaagad itong tumakbo papasok sa kwarto nito habang tumutulo ang mga luha. Ganoon pala masaktan at masawi sa una mong pag-ibig. Hindi niya akalain na sa murang edad niya ay madudurog ang puso niya sa ganoong klaseng balita.