Tirik na tirik na ang araw ngunit patuloy pa rin sa pagtabas ng mga tubo si Mang Ipe. Kaya hindi rin makapagpahinga si Lorraine sa pagtatali ng mga iyon. Ayaw naman niyang iwanan ang ama sa gitna ng kainitan dahil baka mapaano pa ito lalo at tumatanda na rin. Nilinga niya ang kinaroroonan ng baon nilang tubig na mayroon pang yelo sa loob para malamig. Panlaban sa mainit na panahon.
Kung mayaman lang sana sila, hindi niya hahayaan ang ama na magbabad sa ilalim ng araw. Mas gusto niyang nagpapahinga lamang ito at namumuhay ng komportable sa kanilang bahay. Sa oras na magkaroon siya ng pagkakataon na baguhin ang kanilang buhay ay hindi niya iyon papakawalan. Ilalayo niya sa kahirapan ang ama. Napangiti siya. What a wishful thinking.
"Tay, kuha lang po ako ng tubig, balik rin po ako kaagad." paalam niya sa ama. Kumaway lang ito sa kanya bilang pag sang-ayon at nagpatuloy ito sa ginagawa. Halos patakbong tinungo ng dalaga ang baunan nila. Kumuha rin siya ng ilang nilagang kamote para may makain.
"Lorraine?" anang isang tinig. Lumingon ang dalaga ngunit wala siyang nakitang tao sa paligid. Ipinilig niya ang ulo, baka guni-guni niya lamang iyon. Humakbang na siya pabalik sa ama ngunit bigla na naman siyang natigilan.
"Lorraine," muling ani ng tinig. Sa puntong iyon ay nahinuha ng dalaga na hindi lang siya nananaginip. Someone is really calling her name. But, who could that be?
"Sino 'yan?" aniya.
"Pwede ba kitang makausap?" sagot ng tinig.
"Para saan at sino ka?" sagot niya. Mabilis niyang dinampot ang itak na nakalagay sa tabi ng baunan nila. Ang nararamdaman niyang takot kanina ay napalitan ng hindi maipaliwanag na kasiyahan nang makita niya kung sino ang may-ari ng tinig. Ang kanyang ultimate crush! Pasimple niyang itinapon ang itak at alanganing ngumiti sa amo.
Mula sa malaking puno ng sampalok ay biglang lumabas si Gabriel. May hawak pa itong ilang pirasong bulaklak ng gumamela. "Hi," matamis ang ngiting bati nito sa kanya.
"S-sir Gabriel, ano'ng ginagawa ninyo rito?" takang tanong niya. Ayaw niyang ipahalata sa binata ang lihim na kilig na nararamdaman lalo na ng masilayan niya muli ang ngiti nito nang malapitan. Nakapambahay lang si Gabriel, plain white t-shirt ang suot nito at pinaresan ng above the knee black cotton shorts.
"Nakita kasi kita kanina, kaya naisipan kong lapitan ka. Kumusta ka na?" anito.
"Maayos naman po kami, Sir." aniya.
"Pwede bang Gabriel na lang? Lalo na kung tayong dalawa lang naman?" anang binata. Muli itong ngumiti, lumaba tuloy ang biloy nito sa kaliwang pisngi.
"S-sige po S-sir."
"Gabriel," pagtatama nito.
"Gabriel..." ulit niya.
Napangiti ang binata. "Para sa'yo!" anito sabay abot ng mga bulaklak na nasa kamay nito. Tinanggap niya iyon nang nakangiti. First time niyang makatanggap ng bulaklak at sa mismong crush niya pa. Pagkauwi nila, titiyakin niyang iipit niya iyon sa isa sa mga libro niya.
"Maraming salamat po,"
"And please, remove the "po". I believe, I'm not that old para mabigyan ng ganyang klaseng treatment." nakangiting wika nito.
Bahagyang tumango ang dalaga. Hindi niya alam pero todo ang kilig na nararamdaman niya sa simpleng titig sa kanya ng binata. Dangan nga lamang ay ikakasal na ito. Dahil sa isiping iyon ay nakaramdam ng paninibugho ang kanyang puso. "May kailangan ka pa ba? Gusto ko na sanang bumalik kay Itay, kukuha lang sana ako ng tubig." aniya. Gusto niyang makasama ang binata at masaya siya sa paglapit nito sa kanya. Ngunit ang isiping ikakasal na ito ay nag-uudyok sa kanya na tuluyan ng dumistansya sa binata. Isa pa, baka may makakita sa kanila at isumbong na naman siya sa nanay nito.
"I like you, Lorraine." walang gatol na anas ng binata.
Biglang hindi nakahuma ang dalaga. Hindi niya inaasahang marinig ang salitang iyon na namutawi sa bibig ng binata. "Ever since, gusto na kita..." dagdag nito.
Yumuko ang dalaga. "Pero hindi po tayo pwede, ikakasal ka na..." aniya.
Mapait na napangiti ang binata. "So, alam mo na pala..."
"Laman po kayo ng balita dito sa buong hacienda, lahat po ay alam na ang balak ninyong pagpapakasal kay Ma'am Rima."
"She's just my friend, nothing else. Ang kasal na tinutukoy mo ay kagagawan ng mga parents namin. It's never a mutual decision. Kung ako lang ang masusunod, gusto kitang ligawan. Ikaw ang gusto kong maging girlfriend." anito.
Hindi kumibo ang dalaga. Wala siyang maapuhap na sasabihin sa binata.
"Ikaw ang gusto ko Lorraine, matagal na... Ilang beses kitang tinitingnan mula sa malayo tuwing kasama mo si Mang Ipe sa tubuhan," kumpisal ng binata. Hindi mapigilang kiligin ng dalaga. Parehas pala sila ng nararamdaman ni Gabriel. "Hindi lang ako makalapit sa'yo noon dahil baka makita ni Mommy at pag-initan kayo ng tatay mo."
"Alam mo pala kung ano ang pwedeng gawin ng mommy mo sa amin, bakit mo pa ako nilapitan ngayon? Baka may makakita sa atin at isumbong tayo sa mommy mo." aniya. Nagpalinga-linga siya sa paligid.
"Ewan ko rin, basta hinila na lang ako ng paa ko para puntahan ka." sagot nito.
"Mawalang-galang na po Sir Gabriel, pero ano po ang ginagawa ni'yo rito?" biglang sabat ni Mang Ipe. Nakalapit na pala ito sa kanilang dalawa nang hindi nila namamalayan. Marahil ay nakita sila nito mula sa malayo at nagpasyang mamagitan na sa kanilang dalawa.
"Wala naman po, Mang Ipe. Kinukumusta ko lang po si Lorraine." anang binata. Bahagyang sinulyapan ni Mang Ipe ang bulaklak na hawak ng anak. Alam niyang galing iyon sa binata kahit hindi pa man siya magtanong.
"Lorraine, marami ka pang itataling tubo. Bumalik ka na muna roon," taboy ng ama.
"P-po?" may tila pagtutol sa boses ng dalaga.
"Sige na anak," giit ng ama. Wala nang nagawa ang dalaga kung hindi sundin ang kagustuhan ng ama. Tiningnan niya ang ama at si Gabriel bago siya bumalik sa pagtatrabaho.
Nang makaalis ang dalaga ay ngumiti naman si Mang Ipe sa amo. "Maraming salamat sa pangungumusta Sir. Pero sana ay huwag na po itong maulit. Alam naman po natin na ikakasal ka na at alam rin natin kung gaano kahigpit ang iyong ina. Hindi magandang tingnan na ang isang lalaki na malapit ng ikasal ay nakikipagkita pa sa iba. Ang kabuhayan namin ng anak ko ay ito lamang na paggagapas ng tubo. Sa oras na paalisin kami ng mommy mo rito ay wala kaming mapupuntahan ng anak ko." mahabang salaysay ng matanda.
"That won't happen, Mang Ipe!" giit ng binata.
"Maraming salamat pero mas mabuti na kung mag-iingat tayo. Napakabata pa ng anak ko at sa tingin ko ay mahina pa siya at hindi niya pa kayang ipagtanggol ang sarili niya kung sakaling magalit ang mommy mo sa amin. Mas mabuti siguro kung iiwasan mo na lamang si Lorraine para na rin sa ikakabuti niya." pinal na wika ng matanda. Iniwan na rin nito ang binata pagkasabi niya nang gusto niyang sabihin rito.
Naiwan si Gabriel habang nakatingin sa mag-ama na patuloy na nagtatrabaho. If he could do one thing before everything goes wrong. Nais niyang tulungan ang dalaga. He wants her to to have a chance to redeem herself. To become a better person. Ang lumayo sa lugar nila at makapagsimula muli. Makapag-aral at maging successful sa buhay.
Kahit ano'ng pag-iingat ni Mang Ipe ay hindi niya namalayan na may mga matang kanina pa nakatingin sa kanila. Si Dexter. May lihim itong pagtingin kay Lorraine ngunit dahil iba ang gusto ng dalaga ay hindi siya nito napapansin. Matalim niyang tinitigan si Gabriel. Hindi siya makakapayag na guluhin nito lalo ang puso at isipan ni Lorraine. Pipigilan niya ito sa abot ng kanyang makakaya. Kahit pa alam niyang sa gagawin niya ay si Lorraine rin ang mas mahihirapan. Kung hindi mapapasakanya ang dalaga. Hinding-hindi rin ito mapupunta sa iba.
Patalilis na umalis ang binata at mabilis ang mga hakbang na tinungo ang mansion ng mga Guttierez.
"Nariyan po ba si Ma'am Vera?" tanong niya sa gwardiya na nasa tarangkahan.
"Bakit, ano ang kailangan mo sa akin?" anang isang tinig mula sa papalabas na itim na kotse. Si Vera ang nagmamaneho noon at sa tingin niya ay may pupuntahan ito.
"Pwede ko po ba kayong makausap?"
"I'm a busy person, do you have an appointment?" mataray na wika ng ginang.
"W-wala po."
"Then, wala tayong dapat pag-usapan." anang ginang. Muli nitong pinaandar ang sasakyan ng muling magsalita si Dexter.
"Kahit pa may kinalaman ito sa isang trabahador at ni Sir Gabriel?" malakas na turan niya.
Awtomatikong nagpreno ng sasakyan si Vera nang marinig ang pangalan ng anak. Nilinga nito si Dexter. "What about my son?"
"Kung bibigyan ni'yo ako kahit limang minuto. Sasabihin ko ang nalalaman ko." wika niya.
Tumingin si Vera sa guard. Tumalima naman ito kaagad at iniwan silang dalawa roon. Sinenyasan nitong lumapit ang binata. "What is this all about?"
"Sa tingin ko ay may gusto si Sir Gabriel sa isa sa mga anak ng tauhan ninyo sa tubuhan. Nakita ko siya na binibigyan niya ng bulaklak 'yung babae." aniya.
"What?! Hindi pwedeng mangyari 'yan!"
Mula sa maong na pantalon ay kinuha ni Dexter ang mumurahin niyang cellphone at ipinakita sa ginang ang larawan nina Gabriel at Lorraine habang tangan ng una ang bulaklak.
"s**t! That stupid brat!" galit na usal ng ginang. "Sino naman itong babaeng 'to?!"
"Siya po si Lorraine, anak ni Mang Philip Espijo."
"Got it, I know them, makakaalis ka na." anito.
"Ha? Wala ho ba kayong gagawin?" naaalarmang wika ni Dexter.
"It's none of your business. I'll handle it myself. Makakauwi ka na." anang ginang.
"Pero-"
"Hindi porke't ikaw ang nagreport sa akin ay ikaw na rin ang masusunod o magsasabi sa akin ng dapat kong gawin. Wala kang karapatang mag demand sa akin ng kahit na ano." paasik na wika ng ginang at tila diring-diri na tiningnan nito si Dexter mula ulo hanggang paa. "Unless you want something in return," dagdag nito.
"Wala ho akong kailangan, sinabi ko lang sa'yo kung ano ang nakita ko. Kung maipapangako ninyo na ilalayo mo ang anak ninyo kay Lorraine ay ayos na rin ako." ani Dexter bago nito iniwanan ang ginang ng walang lingon-likod.
***
"So, we've meet again." ani Vera habang nakatitig sa dalaga. Pinuntahan niya ito sa bahay nito. She needs to cut their love story even before it started. She needs to put an end kung anuman ang namamagitan sa kanila or mamamagitan pa lang.
"Magandang tanghali po, Ma'am Vera." asiwang wika ng dalaga. Naghahanda sana siya ng pananghalian nila ng ama nang bigla siyang makarinig ng magkakasunog na katok mula sa pintuan. Nakaramdam pa siya ng takot pagkakita sa matapobreng donya.
"Walang maganda sa tanghali knowing you're trying to get my son's attention." bintang nito.
"Nagkakamali po kayo Ma'am, hini po 'yan totoo!" tanggi niya.
"My son will never fall for someone like you! Please bear that in your mind. If you are dreaming na maiaahon ka niya sa kahirapan, nagkakamali ka. I won't let it happen. Hindi ka nababagay sa anak ko, kaya huwag ka nang umasa na may chance pa kayong dalaga." nakatikwas ang kilay na wika ng ginang. Mula sa designer bag nito ay humugot ito ng isang puting sobre.
"Kung iniisip ni'yo pong bayaran ako ay nagsasayang lang po kayo ng pera dahil hindi na kailangan. Wala naman kaming relasyon ng anak ninyo para gawin mo pa 'yan." aniya.
Napahagikhik na parang nang-iinsulto ang ginang. "At bakit naman kita babayaran? Why would I waste my money to someone like you? I don't need to spend a penny para masigurong hindi ka magiging sagabal sa anak ko." nandidilat ang mga matang wika nito. "Bibigyan lang kita ng imbitasyon para sa engagement ng anak ko na gaganapin sa linggo, sa mansion lang namin. Pumunta ka, para magising ka sa panaginip mo. I want to show you why my son isn't for you." dagdag nito. Inilapag ng ginang ang sobre sa lamesa at muling tumitig sa kanya. "Just to make things clear, this isn't an invitation. This is an order. I want you to be there, kung ayaw mong tuluyan ko kayong palayasin sa lupain ko." anito.
Pagkasabi ng mga katagang iyon ay lumisan na rin ang ginang. Nakaramdam ng matinding lungkot ang dalaga dahil sa inasal ng ginang. Bakit ba ito ganito umasta samantalang crush lang naman niya ang anak nito. What they feel from each other isn't deep enough to waste such energy.