"L-Lola... Please po... Umalis na tayo... Lola ko..." "Lola... Umalis na po tayo..." Iyak ng batang babae sa walang buhay na matanda. Isang musmos na naligaw sa gitna ng kagubatan habang ang mga kriminal na umubos sa kanilang pamilya ay pinaghahanap siya. Ang matanda na kanina lamang ay kasama niyang tumatakbo sa masukal at nakakatakot na kagubatan. Namatay ito ng nakamulat ang mga mata habang naliligo sa kanyang sariling dugo. Tangan ang kwintas na ibinigay sa kanya ng namatay na matanda tumatangis niyang binitbit ang batang babae. "Riri... Wala na si lola... Riri..." Iyak Nito sa batang babae na nas tabi niya. Tulala at mistulang nagkaroon ng trauma sa mga nangyayari. "Riri... Anong gagawin natin? Hindi ko alam kung saan tayo pupunta..." Mabilis pa silang nagtago sa ilalim ng mak

