Nasupil ang bibig ni Adelaide ng bigla na lamang sumulpot ang kakambal kasama ni Alistair. Magkapako pa ang mga mata nila ni Alistair na blanko ang mga mata habang si Adeline ay umiiyak habang nakayakap sa kanya. "A-Adelai... A-Adeline... Ang tagal kitang hinanap. Alam mo ba kung gaano ka na namin katagal hinahanap nina mommy?" Iyak nito na may kasama pang pagsinghap. Gustong maniwala ni Adelaide na totoo ang sinasabi ng kakambal pero alam niya na ang totoo. Hindi niya alam ang sasabihin lalo na ng magtagis ang bagang ni Alistair habang nakatingin sa sugatan at hubad niyang katawan. "A-Ano ba ang nangyari sayo? Bakit puno ka ng sugat? Bakit ganito ang itsura mo?" "M-May nagtangkang pumatay sa akin at sinunog nila at pinatay ang mag-asawang kumupkop sa akin." "M-May gustong pumata

