Tatlong oras palang si Adelaide sa opisina ng asawa ng makaramdam siya ng inip. Nais na niyang umuwi ng mansion upang gumawa na lamang ng mga gawaing bahay kaysa naman ang magbasa ng mga proposals na hindi naman niya maintindihan. Nakahinga nga siya ng maluwag ng magpaalam na sa wakas ang lalaki subalit naiwan siyang tulala at nakatingin lamang sa pintuan ng opisina upang hinatayin ang makakasama niya. Wala din naglakas ng loob na pumasok dito upang kausapin siya mistulang mga takot ang mga empleyado kahit na kausapin pa niya ang mga ito. Ano ba itong kalokohang pinasok ko. Bakit pa kasi ako pumayag na maging kapalit ng kakambal ko. Pero bakit pa ba ako magrereklamo kung magdadalawang buwan na nga ako sa puder ng demonyong 'yon. Hindi ko na lamang maiwan talaga ay ang anak ng kakambal ko

