"Kaya mo bang mag-drive? Pwede ko naman tawagan si manong para sunduhin tayo at ihahatid pauwi ng mansion. Saka sigurado ka ba na okay ka lang? Hindi ba masakit ang mga sugat mo?" Nag-aalala na tanong ni Adelaide kay Lucky na kanina pa may iniindang sakit. Simula ng magsimula silang magtrabaho napansin niya ang madalas na pagpunta ng babae sa banyo. Noong una ang akala ni Adelaide ay masakit lamang ang tiyan nito subalit ng siya na ang magtungo na sa banyo napansin niya ang mga benda na may dugo. Itinanggi pa ito ng babae pero dahil isang dakilang imbestigador si Adelaide nalaman niya na may tama ito sa hita at braso. Halos magkapareho lamang sila ni Rica, naisip niya na conicidence lamang ba? O may mas malalim na dahilan ang mga sugat nila. "Ang sabi sa akin ni San Diego na ako lang ang

