Hindi mapakali si Alistair matapos niyang makausap ang asawa sa cellphone. Kalahating oras na silang patungo ngayon pabalik ng mansion upang alamin kung na sa magandang lagay ba ang babae. Pinili niya si Lucky upang maging bodygaurd ng asawa dahil ito ang pinakamagaling sa mga tauhan niya ngunit mukhang nagkakamali siya. Isang araw palang simula ng iwanan niya ang asawa subalit na sa bingit na ng kapahamakan ang buhay nito. Ito din ang dahilan noon kaya naman ayaw niyang malaman ng asawa ang tunay niyang pagkatao. Pero mukhang kailangan na niyang aminin sa asawa at kailangan na rin niyang turuan ito upang ipagtangol ang sarili. "Wala na bang mas ibibilis ang punyeta mong sasakyan, Revamonte? Kanina pa tayo nagba-byahe pero hindi parin tayo nakakarating manila?" Yamot na tanong ni Alistai

