Hindi umalis si Alistair sa tabi ng kanyang asawa magdamag dahil wala parin itong patda sa pag-iyak at pagwawala. Hindi parin natutulog si Alistair sa pag-aalo sa asawa. Tiim-bagang siya sa tuwing nakikita kung paano magdusa ang asawa. Pinagbawalan na rin ni Alistair ang anak na pumasok muna sa silid nila dahil ayaw niya na makita ng anak ang nangyayari sa mommy nito. Sandaling umalis si Alistair upang kumuha ng panibagong tubig atsaka alcohol ng hindi pa siya nakakatagal sa loob ng banyo ng magsi-sigaw na naman ang asawa. "A-Alistair! Alistair! Huwag mo akong iwan!" Putangina! Mura ni Alistair ng sa wakas makarating sa silid na naabutan si Adelaide na nasiksik na naman sa gilid ng pader. Ang kaninang nakakunot na kilay ay biglang lumambot. Hindi na rin pinansin ni Alistair ang pintu

