Ang akala ni Adelaide ay sasaktan siya ni Alistair dahil dinala siya nito sa masters bedroom. Nanginginig pa ang buong katawan nito habang nakasandal ang ulo sa kanyang balikat. "Damn that woman. I swear, I will f*cking kill her. I will one of this goddamn days!" Bulong pa nito na may diin at pagkasuklam. Nawala na parang bula ang takot ni Adelaide dahil sa sinabi nito. Nanatili sila sa ganoon posisyon. Gulong-gulo si Adelaide sa sinasabi ng lalaki dahil ang akala niya ay papatayin siya nito o sasaktan. "A-Ang akala ko ay galit ka sa akin? H-Hindi ba sasaktan mo ako kasi sinaktan ko ang anak mo?" Utal-utal na tanong pa ni Adelaide. Hindi ito sumagot bagkus humawak ito sa kanyang baywang at mas indiin ang katawan niya sa pader. Na-korner siya at hindi makagalaw. "Why would I do that

