Isang linggo ang muling lumipas at napansin ni Adelaide na tumahimik na ang kanilang buhay. Hindi na kailanman nagparamdam ang kakambal niya. Dito na dapat siya mangamba dahil alam ni Adelaide na hindi basta-basta titigil ang kakambal. "Ang lalim na naman ng iniisip natin, Adelaide. Iniisip mo parin ba ang demonyo mong kakambal? Huwag mo na dapat siyang isipin dahil hindi na siya kailanman makakatapak dito." "Hindi naman iyon ang iniisip ko, Lucky. Ang daming katanungan sa isip ko na hindi ko masagot. Hinid ko naman alam paano siya hanapan ng sagot," "Tulad ng ano?" Kuryosong tanong pa nito. "Kung sino ba talaga ako." "Anong ibig mong sabihin na kung sino k talaga? Ikaw si Adelaide? Sino pa ba?" May pagtataka naman ngayon ang mukha ni Lucky. "Hindi ko maalala kung sino ba talaga

