Mas lalong pinailalim ni Alistair ang halik niya sa asawa kung saan unti-unti ng sumisiklab ang apoy sa pagitan nila. Ginawa itong oportunidad ni Alistair upang ipasok ang kanang kamay sa loob ng manipis na blusa ng asawa. Napangiti siya sa pagitan ng halikan nila ng unti-unti ng nahuhulog ang asawa sa sarap. Lalo na ng marinig niya ang mumunting ungol nito sa kanyang bibig ng pisilin niya ang dibdib nito. Mas lalo pa niyang pinailaliman ang halik upang tuluyan ng malunod ang asawa, hindi ipagkakaila ni Alistair na sa loob ng isang linggo na hindi siya umuwi ng mansion. Ito ang hinahanap niya at ito ang bumabaliw ngayon sa kanya. Nais niyang angkinin ang asawa ngayon gabi at walang makakapigil sa kanya. "T-Teka lang... Alistair... H-Hindi pwede," ani pa ng asawa at sinubukan siyang itu

