Hindi maalis ang malaking ngiti sa labi ni Alistair ng makapasok siya sa trabaho. Isang linggo na siyang hindi umuwi ng mansion dahil iniiwasan parin niyang makahalubilo si Adelaide. Hanggang ngayon kasi ay naaalala niya ang nangyari sa kanila ng gabing iyon. Iyon na ata ang pinaka nagustuhan ni Alistair na pagtatalik sa pagitan nila ng asawa. Napapikit pa siya ng madiin ng maalala ang mukha ng asawa sa kanyang bawat ulos. “P*tangina talaga…” Mahinang daing niya dahil naramdaman ang pagtayo ng pagkalal*ke. Pinagalaw pa ni Alistair ang upuan at ginamit ang mga daliri upang patunugin ito sa ibabaw ng mesa. Hanggang sa magbukas ang pintuan ng kanyang opisina at iniluwa nito ang kanyang secretary. Kahit papaano ay napawi ang init niyang nararamdaman. "Sir?" Tawag nito kaya naman napuka

