Ala-sais palang ng umaga ng maisipan ni Adelaide na bumangon upang maghanda ng almusal ng bata. Naisipan niya ito simula ng makita niya ang matinding kasabikan sa pagmamahal ng ina ng bata. Susubukan niya na mahalin ito habang wala ang kanyang kakambal. Nasabihan na rin ni Adelaide ang katulong na si Rica upang ihanda ang mga kailangan niya. Gamit ang rubber band na napulot ni Adelaide sa isang bungkos ng pechay. Ginamit niya ito upang ipantali sa mahaba niyang buhok. Kinuha na rin niya ang apron upang isuot at hindi madumihan ang suot na bistida. "Sigurado ka ba na kaya mong magluto? Handa naman ako na tulungan ka," ani ni Rica na kanina pa nag-aalala para sa babae. "Sanay ako sa hirap, Rica. Wala lang sa akin itong ganitong bagay. Sanay ako sa pagluluto ng kung ano lang ang meron k

