Hindi na maipinta ang mukha ni Rica habang pinapatahan ang batang si Alisher. Siya ang anak ng kanyang boss na si Alistair at ang babaeng si Adelaide. Iyak nang iyak ang bata simula pa kaninang umaga at ayaw nitong kumain kundi daw sila sabay ng mommy niya. Hindi naman madistorbo ni Rica ang dalaga sa silid nito dahil alam niya ang nangyari sa kanila ng amo kagabi. "Baby, tulog pa kasi ang mommy mo kaya hindi ko alam kung masasamahan kana sa pagkain mo. Pero mamayang magising siya ay sasabayan ka niya. Pero sa ngayon kumain ka muna nito okay?" "No! I want my mommy! I want my mommy!" iyak parin ng batang lalaki. Wala talagang magawa si Rica kundi ang tiisin ang nakakaawang alaga. "Pero baby makikita mo naman mamaya si mommy mo. Kumain ka muna tapos sabay na lang kayo mamaya pwede ba '

