Hapon na ng makalabas ng hospital si Adelaide kasama si Rica. Ito ang umasikaso ng lahat ng kailangan nilang asikasuhin sa paglabas niya ng hospital. Labis na pinagtataka ni Adelaide kung bakit hindi siya dinalaw ni Alistair sa isang linggo niya sa hospital. Wala din alam ang kaibigan na si Rica dahil maghapon kasama niya ang dalaga. Nakakaramdam na siya ng takot at matinding kaba kung ano ba talaga ang nangyayari. Maski nga si Rita ay hindi niya alam kung ano na ba ang nangyari dito. "Rica? Wala ba talagang balita kay Alistair? Bakit hindi niya ako dinalaw?" May pait sa boses niya dahil umasa siya na dadalawin ng asawa. Inaasahan niya ang yakap nito at halik sa kanyang uluhan dahil sa ilang araw na pagkawalay nila sa isa't isa. "Wala akong balita dahil masiyado akong okupado sa kundis

