bc

His Husband is a Mafia Boss

book_age18+
5.1K
FOLLOW
14.2K
READ
family
bitch
brave
drama
tragedy
twisted
bxb
abuse
feminism
mpreg
like
intro-logo
Blurb

Ironic love story ng isang anak ng miyembro ng isang Mafia Group, at anak ng Mafia Boss. Susubukin ng panahon at mga mabibigat na pagsubok ang dalawa na tinaguriang Mafia Boss at Mafia Lady. Subaybayan ang madugo at masayang pagsasama nila Gabriel Hernandez at Jake Fuentabella.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Gabriel Hernandez POV: Simple lang ang buhay ko. I have a super over protective Dad na member ng isang sikat na Mafia group and my Mom is a business woman same as my Dad na business partners ang mga bigating member ng Mafia Group called La'Familia. I also have a super supportive Kuya na si Kuya Alexander. Alex for short. Dalawa lang kaming magkapatid and he is 5 years older than me. From the start alam na ng mga magulang ko kung ano ba ako. Ano nga ba ako? I'm a gay and an androgynous one. Nagdadala ako ng angking ganda na katulad sa isang babae. Na ipinagtataka ko dahil magkatulad kami ng Kuya ko. We both have a slim and sexy body na pang babae. We also have a featured na aakalain mo talaga on the first look na babae kaming maikli lang ang buhok at nakapang lalaking suot. Pati sa mukha, palong-palo. Mukha kaming babae dalawa, as in. Kaso ‘yung akin napasobra naman. Sabi nga nila muka daw akong barbie doll na nabuhay. Paano pa daw kung long hair ako edi talbog silang lahat. At nakakatawang isipin yun dahil kahit kailan hindi ako nangarap na maging isang totoong babae. I am contented on what I have now. Kung anong ibinigay sa akin ng nasa taas tanggap ko. Yun nga lang pag sa puso talaga hindi ko naman pwedeng ipagkaila na I'm a woman. Char! Noon, natatandaan ko pa simula ng malaman ng Mama at Papa ko na isa akong sirena lagi nila akong dinadala sa doctor para magpakunsulta. Minsan napapaisip ako. Bakit kaya? Abnormal kaya ako? Why do they need to bring me almost once a month to see a doctor? May mga test din silang ginagawa sa akin. Dahil nga bata pa ko non wala pa kong idea. Actually, up until now. Wala talaga akong idea. Nalaman ko din na same case kami ni Kuya Alex. He was also brought to doctors pero di niya sinasabi sa akin kung bakit. He was always saying na para sa ikabubuti ko daw yon. Sa ikabubuti naming dalawa. Kaya mas lalo akong napapaisip bakit? I was day dreaming here at the bench sa may tambayan sa school ng biglang may magtakip ng mata ko. Kinapa ko. Maliliit na daliri... Maiiksi... Medjo matataba... Ah kilala ko na tong mala kikiam na daliri na to. "Bes..." mahinang bulong ko. Tumawa siya. "Paano mo naman nalaman?" Nakangiti niyang sabi at umupo sa harapan ko. "Duh? Sa pagkakaalam ko ikaw lang ata ‘yung kilala kong may daliring mala-kikiam," sabi ko sabay tawa. Inirapan niya naman ako. "Napakakapal ng mukha mo. Kung hindi lang kita best friend sinampal na kita at sinugatan ko na ‘yang maganda mong mukha!" medyo inis niyang sabi. "Sorry na, Bes. ‘To naman hindi malambing eh," sabi ko na nakangiti. Nakasimangot pa rin siya. "Huy, sorry na!!! Ang arte naman," sabi ko. "Teka crush mo yon, ‘di ba?!" sigaw ko at napalingon naman siya. Tumawa ako nang malakas. "Ayiiieeeee. Lakas amats kay Kuya Zion, oh," sabi ko na tatawa-tawa. Inirapan naman niya ako. "As if," he said while rolling his eyes. Siya nga pala ang best friend ko since birth. Si Walter Villanueva but I prefer to call him Wal and he liked to call me Gab. His Dad and my Dad was a childhood best friend too at member din si Tito Watson ng La'Familia. Hindi pa ako anak nina Mama at Papa member na sila ng La'Familia. It was almost 20 years now. Ang astig isipin. Pero pinagtataka namin ni Walter never pa namin na-meet ‘yung mga anak ng mga kumpare nila Papa. Kumpare nila na mga member din ng La'Familia. Hindi din nila ugali na isama kami sa gatherings ng La'Familia kaya wala kaming kakilala na anak ng La'Familia bukod sa aming dalawa at kay Kuya Alex. Here at school alam na alam na anak kami ng member ng Mafia. Kaya wala ding nakakapagbalak na makapang-bully samin. Sa taray ba naman ng best friend ko. Nanglalampaso to. Isama mo pa Kuya ko na bungangero. Hahaha. "Gab, ano nga pala iniisip mo kanina? Napansin ko lalim ng iniisip mo? Is it regarding on school? May bagsak ka ba na subjects?" Takang tanong niya sa akin. "Wala. Ano ka ba. Alam mo naman kung gaano ako ka full of attention sa pag-aaral. Um… ano kasi. Napapaisip lang ako gang ngayon hindi ko pa rin kasi alam bakit hindi sinasabi sa akin nila Papa kung bakit kailangan kong pumunta sa Doctor once a month." Napabuntonghininga ako. "Naku. ‘Wag mo na isipin yon. Hindi baga at sinabi naman ni Kuya Alex na para sa ikabubuti mo ‘yon? Trust them na lang. Tara na, kain na lang tayo," sabi niya at ngumiti. I don't have any choice. Tumayo na lang din ako at sumama sa kanya. Nagpunta kami sa cafeteria at good thing hindi ganun ka-crowded. Biglang nag ring ang phone ko at nakita kong tumatawag si Kuya. "Hello?" [Bunso, may klase ka pa ba?] "Um. Meron pa. 1 class to go Kuya. Whyy?" [Uwi ka na muna. May problema lang. We need to talk.] Rinig ko ‘yung pagka seryoso sa boses niya. "O-Okay, Kuya." Bigla akong kinabahan. Sa tono ng boses ng Kuya ko alam kong may hindi magandang nangyari. Binaba ko na ‘yung tawag tapos si Walter nakatingin sa akin. "Si Kuya Alex ba ‘yun, Bes? Anong problema?" nag-aalalang tanong nya. Nahalata niya siguro ang pagka-uneasy sa expression ko. "He said I need to go home now. May problema daw," sabi ko. "Samahan na kita. Mag skip na din ako. Tara na," sabi niya sabay tayo at hatak sa akin. Chismosa lang ang peg? Pero alam ko naman na kailangan ko siya doon. Mas okay na kasama ko si Walter. Pagdating sa bahay nakita kong nasa garahe din ‘yung kotse ni Mama at Papa. Maaga din sila? Usually, kasi mga 7 to 8 in the evening sila umuuwing dalawa. Pagpasok ng bahay tinanong ko sa kasambahay namin kung nasaan sila at nasa may pool area daw at iniintay na ako. Nagpaalam muna si Walter na don muna siya sa kwarto ko at mukhang seryoso ang pag uusapan. Pagdating ko sa pool area seryoso lang silang tatlo. I feel so uneasy sa itsura nila. "Anong meron?" I asked. Tumingin lang si Kuya kay Mama. Si Mama naman mukhang ‘di alam kung pano sisimulan ‘yung sasabihin nya. "Um… Anak," sabi ni Mama. "Ma, spill it out. He needs to know din, Ma," sabi ni Kuya na may diin. He's mad? Medyo naluluha na si Mama. "Anak. ‘Yung business natin nalulugi na. I-I don't have a gut to tell you k-kasi nahihiya kami ng Papa n’yo," sabi niya at naiiyak na. Nagulat ako. Ano?! Nalulugi na ang business namin? Paano nangyari ‘yon? Halos ‘di ako makapaniwala sa nangyayari. "I just found out kanina kung hindi ko pa sila narinig ni Papa na nagtatalo. Matagal na silang naglilihim sa ‘tin Gab." Seryosong sabi ni Kuya. Alam ko kung bakit ganito reaksyon ng Kuya ko. Never naglihim at nagsinungaling sa amin ang magulang namin regarding sa business and even sa nangyayari sa kanila. Super out spoken person nilang dalawa. Kaya nadismaya din ako. "Tell him Pa kung kelan pa tayo nalulugi," sabi ni Kuya na nakatingin kay Papa na ngayon parang balisa. "It's been 5 months now son. Wala kaming lakas ng loob na sabihin sa inyong magkapatid dahil ayaw naming mag-isip kayo," sabi ni Papa. Hindi pa in nagsi-sink in sa akin. "P-Paano na po pag aaral namin ni Kuya? Graduating na po si Kuya hindi po ba? Titigil po ba ako?" naluluha kong sabi. Tumayo si Mama at lumapit sa akin. "No, no, no, anak. ‘Di kayo titigil. Walang titigil," sabi niya at niyakap ako. "May problema pa tayo," biglang sabi ni Papa kaya napatingin kami sa kanya. "Malaki na ang utang namin mga anak. Kay Mr. Fuentabella, the La'Familia's boss. Almost a half billion na. At hindi na namin alam paano babayaran. Pakiramdam namin may patong na kami sa ulo ng Mama n’yo. Hindi din ako makalapit kay Tito Watson n’yo dahil ayaw kong madamay pa siya. I'm so sorry, mga anak," sabi ni Papa at napatungo. Humagulgol na ako ng iyak. Paano na ang pag-aaral ko? Paano na kami? Paano kung pati bahay namin mawala na? Pinaakyat na ‘ko ni Kuya sa kwarto at sasabihan na lang daw nila ako ‘pag may naisip na silang solusyon. Magdamag akong dinamayan ni Walter at dito na rin siya natulog. Ano kayang magiging solusyon? -- Please support my new story!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG II

read
619.9K
bc

NINONG III

read
365.0K
bc

POSSESIVE MINE

read
971.9K
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
321.3K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
534.2K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
199.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook