Walter Villanueva's POV: Simula noong bata pa ako, kay Papa lang ako lagi dumedepende. Namatay si Mama sa panganganak sa'kin kaya si Papa lang yung kinagisnan kong magulang hanggang sa lumaki ako. Natatandaan ko pa, kapag umaalis si Papa for business trip sa iba't ibang bansa, palagi niya akong iniiwan kay Tito Alfred at Tita Rosie ang mga parents ni Gab at Kuya Alex. Pero pagbalik niya, madami siyang dalang pasalubong para sa'min nila Gab. Kaya sabay sabay kaming lumaking tatlo. Tinanggap din ni Papa ang pagiging ganito ko. Yung kasarian ko na siya pa ang unang nakatuklas kesa sa sarili ko.. Malambing at sobrang bait ng Papa ko. Alam ko din na kasama sa trabaho nila ang pagpatay. Pero alam kong mabait si Papa, huwag lang sasagadin ang pasensya nya. Napahagulgol nalang ako ng iyak ng

