Pagbaba ko nakita kong may kausap sa cellphone si Vincent kaya hindi ko na sya inistorbo. Naupo ako sa sofa at nilibot ko ang paningin ko sa bahay nya, Malaki to para sa isang tao lang halos pwede nang tumira dito ang isang pamilya eh. Ngayon ko lang nalaman na may sariling bahay pala sya tsk! Ang nasabi nya lang saakin ay yung bahay na pinagawa nang mommy nya nung isang taon, Tapos na yun ngayon pero wala namang tumitira. Ni hindi ko pa nakikilala o nakikita yung parents nya dahil madalas talaga sila sa ibang bansa, Pumunta lang dito dahil din sa business pero sabi ni Keith pupunta daw yung parents ni Vincent sa birthday nito.
"Let's go." Seryosong sabi nya, Pagpasok ko sa sasakyan nya ay matatanong pa sana ako pero nakita kong sobrang seryoso nya. Sino naman kaya yung kausap nya kanina at ganyan sya kaseryoso?
Habang nasa byahe kami ay naalala ko yung sinabi ni Lolo nung isang araw. Hindi ko alam kung kailan ko sasabihin kay Vincent, Alam kong may mga problema at ayaw kong makadagdag pa doon. Ayoko rin namang sumama pero dapat sabihin ko padin sa kanya diba?
Natauhan ako nang buksan nya ang pinto nang sasakyan. Di ko manlang namalayan na nasa harap na kami ngayon nang gate!Agad ko namang tinanggal yung seat belt at lumabas na ako." Bye." Paalam ko, tinalikuran nya naman ako at pumasok sa kotse nya.
"Ingat-" Di ko natapos ang sasabihin dahil pinaandar nya na ito paalis. Ganon ba sya kawala sa hulog?! Tsk!
Pagpasok ko sa loob nagulat ako nang makita ko si Keith." Zaiiiiii!" Sigaw nya pa habang palapit sa akin. Nagtuloy ako sa paglalakad at umakyat,Bubuksan ko na yung doorknob nang pigilan ako ni Keith."why didn't you tell me you were leaving?" Nakatingin naman ako sa mata nya. Ang seryoso nya ngayon.
"Padating na si Raeden hintayin mo nalang sa baba." Pagiiba ko nang usapan.
"I asked you Zanaira." Seryosong sabi nya.
"Sila ang aalis hindi ako." Sagot ko sa kanya, Umaliwalas naman ang mukha nya.
"For real?" Tanong nya pa.
"Narinig mo naman yung sinabi ko diba." Walang emosyong sabi ko.
"Ang sungit mo nanaman naninigurado lang eh!" Maarteng sabi nya.
Pumasok na ako sa loob pero syempre sumunod sya,Naupo sya sa kama ko. Nagayos naman ako." You know what Zai, Hindi ako kaagad naniwala kay Vincent nang sabihin nya na pumayag kang ligawan ka nya. Alam mo na! Kasi diba yung sa ginawa sayo ni Jason." Tinignan ko sya ng masama kaya napatakip sya sa bibig nya." Sorry hehe." Sabi nya pa.
Nakatingin ako sa pinto nang may kumatok." Mam nandyaan na po sila." Sabi pa ni Ate Emma.
"Nandyaan na daw sila Raeden." Baling ko kay Keith, Lumapad naman yung ngiti nya. Tsk! Crush na crush nya yun hindi nga sya pinansin.
Pagbaba namin ay nakaupo na sila. Pinasabay ni Lolo si Keith kaya naupo na rin sya.Habang kumain kami ayun si Keith panay pacute kay Raeden eh di naman sya pinapasin,Tsk! Gusto ko syang tawanan sa ginawa nya.
Nang matapos kami ay umuwi narin si Keith dahil may gagawin pa raw sya. Umakyat narin ako sa kwarto ko at naglinis na nang katawan, Pagtapos ay natulog na ako.
Lumipas ang mga araw ay natapos na ang 1st year college, Napapadalas din ang pagtatalo namin ni Dad dahil sa gusto nilang akong sumama sa spain. Hindi ko parin nasasabi kay Vincent ang tungkol dito dahil sobrang abala nya din sa school. Bukas na ang kaarawan nya, Bukas narin pagkikita naming muli.
Natulog na ako sa sobrang pagkasabik sa mangyayari bukas...
<3