Chapter 17

1161 Words
•| Vincent's Birthday |• Nagising ako dahil sa panay ring nang cellphone ko." Oh?!" Inis na sagot ko. "Mygaaad Zanaira! Why you're not answer your phone!" Maarteng reklamo nya. "Tsk! Ang aga-aga ang ingay mo!" Inis na singhal ko. "Btw, Papunta na dyaan yung magme-make up sayo. And pinadala ko na rin yung isusuot mong damit." Sabi nya pa. "Bakit kailangan ikaw pa bumili nang damit na susuotin ko? May damit ako dito nagsasayang ka lang nang pera." Reklamo ko sa kanya. "Come On Zanaira, Alam ko na yang susuotin mo kaya ako na ang pumili. Pupunta mamaya yung parents ni Vincent kaya magpakababae ka, Okay." Maarteng sabi nya. "Babae naman ako ah." Walang emosyong sabi ko. "I mean yung kilos mo,dzuh!" Sabi nya pa. "Sige na." At binaba na ang linya. 11am na pala, napuyat kasi ako kagabi sa sobrang pagkasabik sa mangyayari mamaya. Naligo na ako pagkatapos ay nagpatuyo na ako nang buhok. Nakatingin ako sa pinto nang kumatok si Ate Emma." Mam nandito napo yung sila." Sabi nya habang nasa labas nang pinto ko. "Paakyatin nyo nalang po." Sigaw ko at inayos ang buhok ko. Pagkabukas nang pinto ay bumungad ang dalawang bakla, Napangiti sila nang makita ako kaya ngumiti narin ako. "Konting ayos lang pala ang gagawin natin sayo bakla!" Masiglang sabi nya habang sinusuklay pa ang buhok ko. Yung isang kasama nya naman ay inaayos ang mga gamit nila. "Miss Zanaira, right?" Tanong pa nya. Tumango naman ako." Taray Ang ganda nang pangalan." Maarteng sabi nya. "Mam ito napo yung pinadalang damit ni Mam Keith, Ito daw po ang gagamitin nyo." Sabi ni Ate Emma at nilapag ang isang itim na box sa kama ko. "Sige, Salamat Ate Emma." Sabi ko habang nakatingin lang sa salamin na kaharap ko. Habang inaayusan nya ako sa ang daldal nilang dalawa, Grabe! "Here!" Maarteng sabi ni Bakla sabay abot nang box saakin,Kinuha ko iyon. "Hihintayin ka namin sa baba." Sabi pa nang isang kasama nya. Tumango nalang ako. Nang makalabas sila ay binuksan ko na ang kahon. Wtf?! Ipapasuot talaga ni Keith saakin to?! Pagsuot ko non ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Maganda naman kaso di ako kumportable tsk! Itim na dress sya hapit na hapit sa katawan, mataas ang sa kabilang hita. Halos makita rin ang dibdib ko. Hindi ako nagsusuot nang ganito halos makita ang kaluluwa ko! Ano pa bang magagawa ko eh kailangan kong isuot to. Nagsuot narin ako nang heels, Crystal block-heel sya with Ankle strap. Kinuha ko ang gold na pouch at nilagay doon ang cellphone ko, Pinatungan ko nalang rin nang blaser ang damit ko at bumaba na. Halos magkanda tapilok ako pababa sa hagdan, Hindi naman kasi ako nagsusuot nang heels. "Ang taray ni bakla!" Sigaw nung nag ayos saakin kanina. "Zai!" Sigaw ni Raeden at lumapit saakin habang ngiting-ngiti pa. "Ayy ang gwapo ni kuya." Rinig kong bulong nung kasama nang bakla. "Wear it." Nakangiting sabi nya at sinuot sa akin nang Simple gold bracelet." Let's go." Sabi nya at nilahad ang braso nya, Humawak ako doon at pumasok na kami sa kotse nya. Pagdating namin ay inalalayan nya akong bumaba, Tinanggal ko na rin yung blaser ko." I'll pick you up after the party." Nakangiting sabi nya at pumasok na ulit sa kotse nya. Pagpasok ko sa loob ay sinalubong ako ni Keith." Zanaira! Your so beautiful." Sabi nya pa habang nakatingin sa kabuoan ko. "Keith joy!" Rinig kong tawag sa kanya. "Tita Venice!" Sabi ni Keith sabay yakap sa babae na nasa harap namin ngayon. Medyo morena sya may katangkaran rin, Matangos ang ilong at maganda ang mata. "Tita, this is Zanaira. Zai, this is Tita Venice." Pagpapakilala ni Keith taka ko naman syang tinignan, Kailangan ba lahat kilala ako? "Mommy ni Vincent." Bulong nya pa. "H-hi po." Bati ko. "Zanaira, Vincent courting you right?" Nakangiting tanong nito. "O-opo." Nahihiyang sabi ko. Ngumiti naman ito nang bahagya. "You're so gorgeous hija." Pagpuri pa nito. "Salamat po." Nakangiting sabi ko. "Sige na, Puntahan mo na si Vincent para makapag-start na tayo." Bulong ni Keith sabay turo sa kwarto nito. "Excuse me." Paalam ko sa nanay nya at umakyat na. Habang umakyat ako ay nawala bigla ang sabik na nararamdaman ko napilitan ito nang kaba at bigat sa dibdib ko. Habang papalapit ako sa pinto na tinuro ni Keith ay mas lalong bumilis at bumigat ang pakiramdam ko. Hindi ko mapigilan ang panginginig nang kamay ko habang binubuksan ang pinto. Para akong binuhusan nang malamig na tubig ang buong katawan ko nang bumungad saakin si Vincent at nang isang babae naghahalikan sila... Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon. "I think you are in the wrong room miss." Sabi saakin nang babae. Tumingin naman saakin si Vincent has hindi nya inaasan na nandito ako ngayon. Nangilid naman ang mga luha ako nang tignan nya ako sa mata. "Z-zai..." Hahawakan nya sana ako pero napaatras ako." Let me explain." Sabi nya pa. Hanggang sa tumulo na ang mga luha sa mata ko. "Who's that girl?" Tanong pa nang babae. "Shut up Celine!" Sigaw ni Vincent dito. "Zai, Let me explain... Please" Hahawakan nya sana ulit ako pero umiwas ako. "Kailangan kana sa baba." Iyun nalang ang nasabi ko at tumalikod na. Pinunasan ko na ang mga luha ko at Nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Napahinto ako nang humarang si Keith sa unahan ko." Where's-" Hindi na natapos ang sasabihin nya nang magsalita na ang MC. "Please welcome Mr. Vincent Chua!" Masiglang sabi nito. Lahat naman nang tao ay nakatingin kung saan baba si Vincent. "Why she's with Vincent Tita?!" Takang tanong ni Keith. Katabi na pala namin yung Mommy nya. "I don't know." Nagtataka ring sabi nito. Nang tignan ko ulit si Vincent ay nakatingin ito saakin. Kasama nya yung... Celine. Nangilid nanaman ang mga luha ko kaya nakatalikod ako at naglakad papuntang C.R "Where are you going Zai!" Rinig kong sigaw ni Keith pero di ko na sya pinansin at nag daretso sa paglalakad. Nadadapa pa ako dahil hindi ako sanay maglakad nang mabilis habang nakaheels. "Are you okay Miss?" Sabi nang isang lalaki at inalalayan akong tumayo. "T-thank you." Nakayukong sabi ko at pumasok na sa C.R, Pag pasok ko ay nilock ko ito at napasandal sa pader. Kumuha ako nang tissue at maingat na pinunasan ang mga luha na ayaw tumigil kanina pa dahil baka kumalat ang make up na nilagay sa mukha ko. Akala ko ay yung ginawa ni Jason ang masakit na nangyari sa akin. Hindi pala, Dahil mas masakit yung makita mo nang harap-harapan na nakikipaghalikan sya sa iba. "Zai?" Rinig kong tawag ni Keith kaya pinunasan ko ang mga luha ko at inayos ang itsura ko tsaka binuksan ang pinto." Are you okay?!" Nag-aalala na tanong nya. "Mmm." Sagot ko at binigyan sya nang pekeng ngiti. "Let's go, Hinahanap ka ni Tita." Nakangiting sabi nya kaya sumunod nalang ako. :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD