Pagdating namin sa lamesa kung saan sila nakaupo nandoon din si Vincent. Pag-upo ko ay nakita ko syang nakatingin saakin kaya umiwas kaagad ako."Zai doon ka sa tabi ni Vincent." Nakangiting sabi ni Keith. Magsasalita na sana ako nang magsalita ulit sya." Dyaan uupo si Lolo." Bulong nya kaya wala akong nagawa kundi tumabi kay Vincent.
Nararamdaman ko na namamasa nanaman ang mata ko kaya nilibot ko nang ang paningin ko sa mga tao. Nahagip naman nang maningin ko ang isang lalaki, Pinagmamasdan nya ako kaya tumingin nalang ako sa harap. Tsk! Ano naman kayang trip nun?!
"Mama,this is Zanaira soon too be girlfriend of Vincent." Nakangiting pakilala saakin ni Tita Venice.
"Hello po!" Bati ko dito nginitian nya naman ako.
"So beautiful." Nakangiting sabi nito saakin.
"Thank you po." Nakangiting sabi ko.
"You're so lucky from this girl,Vincent." Baling nito kay Vincent.
"That's true, Ama." Pagsangayon ni Vincent sa Lola. Ama?
(Ama translate: Lola)
Lumipas ang mga oras, Eto ako ngayon nakaupo nag-iisa,nakatulala habang pinagmamasdan si Vincent na kausap ang mga kaibigan nya. Hanggang ngayon hindi mawala sa isip ko ang nakita ko kanina, Hindi ko alam na sa sobrang pagkasabik ko sa araw na ito ay ito rin yung araw na mararamdam ko ulit ang sakit...
"Hey Miss are you okay?" Pinunasan ko kaagad ang luhang namumuo sa mata ko. Saglit lang familiar yung boses nya... Sya yung tumulong saakin nang madapa ako, Tama sya yun! "Miss... Are you crying?" Tanong nya pa.
"H-ha?----ah napuwing lang ako." Palusot ko.
"Why are you alone?" Tanong nya pa.
"May kasama ako, Umalis lang saglit." Nakangiting sabi ko.
"I'm Michael." Pagpapakilala sabay lahad nang kamay.
"Zanaira, Zanaira Mae." Nakangiting sabi ko pa at tinanggap ang kamay nya.
"Zai..." Tawag ni Vincent saakin at tumingin sa kamay namin. Nang lumapit sya ay tinganggal ko na sa pagkakahawak yun." Cael." Nakangiting baling nya kay Michael.
"Happy birthday bro!" Masayang bati nito kay Vincent, Nginitian naman sya ni Vincent.
"Excuse." Seryosong sabi nya sabay hawak sa kamay ko at nagtuloy-tuloy sa paglalakad.
"Saan ba tayo pupunta?!" Tanong ko pero nagtuloy lang sya sa paglalakad. Nang makarating kami sa isang kwarto ay sinara nya iyun." Bakit tayo nandito?" Walang emosyon na tanong ko.
"Let's talk, Let me explain." Seryosong sabi nya.
"Pwede namang doon tayo mag-usap diba. At tsaka ano bang paguusapan natin? Ayy mali yata yung tanong ko, Anong ipapaliwanag mo. Kung gaano kalambot yung labi ni Celine?" Inis na sabi ko.
"No." Nakayukong sabi nya.
"Eh ano?!" Hindi ko na mapigilan ilabas ang nararamdaman ko. Sakit at Inis... sobrang inis!
"About what you see. Nagkakamali ka." Nakayukong sabi nya pa rin.
"Masarap ba?" Sarkastikong sabi ko.
"Zai... No." Sagot nya at tsaka tumingin sa mga mata ko." M-mali yung iniisip mo. S-sya yung humalik saakin..."
"Nagustuhan mo naman?" Di naman sya nakasagot. Naramdaman kong nagiinit nanaman ang mata ko.
"Bakit ba ako nagtatanong eh mukhang bitin nga, naistorbo ko yata kayo no?" Natatawang sabi ko pero hindi ko na napigilan na kumawala ang mga luha ko, nagtuloy-tuloy na ito sa pagtulo kaya napayuko ako.
"Zai..." Sabi nya. Lumapit sya saakin at yumakap. Kumawala kaagad ako sa pagkakayakap nya.
"Pwede mo namang s-sabihin na ayaw mo na,sawa kana... P-pagod ka nang maghintay hindi yung nagmumukha akong tanga..." Halos mapiyok na sabi ko.
"Zai, I'm sorry. I'm so sorry." Nangingilid na luhang sabi nya.
Pinunasan ko ang luha ko at tumingin nang daretso sa mata nya." Happy birthday." Binigyan ko sya nang pekeng ngiti. Kinuha ko ang sobre sa bag ko at binigay iyon sa kanya.
"What's that?" Takang tanong nya.
"Basahin mo nalang kung gusto mo. Pero kung wala kang oras dahil 'BUSY' ka,itapon mo." Walang emosyon na sabi ko at tumalikod na.
"Where are you going?" Tanong nya pa.
Magsasalita na ako nang bumukas ang pinto at bumungad si Celine." Uuwi na ako." Baling ko sa kanya.
"Mukhang wala naman akong lugar dito." Sabi ko pa at lumabas na sa kwartong iyun.
Nang nasa gate na ako ay tinawagan ko si Raeden." Pwede mo naba akong sunduin?" Tanong ko.
"Okay, wait me." Iyun lang at binaba ko na ang linya.
:)