Pumasok siya sa isang pasugalan na bar. Hindi niya alam kung ano'ng klaseng lugar tong pinasukan nila. May mga mesang bilog na kaharap sa malaking stage na may nagsasayawan na mga hubad na babae. At sa bawat mesa ay may mga nakaupong customers na nagsusugal. Ang iba naman ay nakatingin lang at may babaeng nakaupo sa kandungan ng mga ito. Gusto niyang maubo dahil sa nalalanghap na usok. Nasisilaw din siya sa dancing light na iba-iba ang mga kulay. Sa gilid naman sa bandang sulok ng area kung saan makikita pa rin naman ang stage ay nandoon ang paikot na leather seat at center table. Doon niya nakita si Esteban kaya lumapit siya. Kasama nito si Alonzo na panay ang sipol habang nakatingin sa mga babaeng sumasayaw. Samantalang si Esteban naman ay tamang inom lang ng alak at hithit ng sigari

