Mahigpit na sabunot ang inabot ni Lorraine kay Esteban. Hinila nito ang buhok niya para makalapit siya rito. Ang isang kamay nito ay nakapulupot na sa leeg niya. Nakatingala siya rito na gahibla na lang ang kulang ay magdidikit na ang mga mukha nila. Na aamoy niya rin ang mabango nitong hininga at ang mamahaling perfume na ginamit. "Why are you always disobeying me, Lorraine?" ani nito sa nakakapangilabot na boses. Hindi siya umimik. Nakatitig lang din siya sa nag-aapoy nitong mga mata na hindi niya mawari kung pagnanasa ba ang apoy na 'yon o baka naman dahil sa galit. Kanina pa siya napapaisip kung ano ang gustong iparating nito sa pamamagitan ng tingin. "Answer me." Diniinan nito ang ginawang pagsakal sa kaniya kaya napangibit siya. "I-I'm not... disobeying you..." garalgal niya

