Pagpasok ni Lorraine sa sariling silid ay naabutan niyang nakahiga si Karen sa kama nito. Parang masama ang pakiramdam. Napansin niya rin ang mga gamot na nagkalat sa bed side table, lahat ng 'yon ay pain reliever. May masakit ba rito? Tumikhim siya para mapansin ang presensya niya. Lumingon naman ito at mabilis na bumangon. Halata ngang may masakit dito kasi napapangiwi pero hindi pinapahalata. "Nice outfit," mataray nitong puna sa towel na nakatapis sa katawan niya. Pag-alis niya kasi sa silid ni Esteban ay tanging towel lang ang itinapis niya. Ano pa ba ang pakialam niya kung towel lang tanging saplot niya sa katawan at pagala-gala siya sa brothel? Ang ibang babae nga rito ay halos kita na pati kaluluwa. "Thanks!" walang ganang sagot niya. Nagtungo siya sa closet at naghanap ng b

