Lorraine fluttered her eyes many times. Her vision was blurry. Pinilit niyang aninagin ang nasa harapan. Nakatagilid ang higa niya at kahit hindi masyadong malinaw sa paningin ay alam niyang isang hubad na lalaki ang pauli-uli sa harapan niya. Palakad-lakad ito na para bang proud na i-display ang hubad na katawan. Hanggang sa huminto ito sa tapat ng bathroom kaya natitigan niya nang mabuti ang likod na bahagi ng katawan nito. She saw the Lion's head tattoo. Her eyebrows furrowed. Isa lang naman ang kilala niyang lalaki na may ganoong tattoo. Bigla siyang na alarma sa isiping kasama niya sa iisang silid si Esteban at hubo't hubad pa. Lalo na nang maalala niya ang nangyari kagabi. Kumirot na naman ang puso niya dahil sa ginawa nito sa daga na wala namang kalaban-laban. Halos isumpa na n

