Tiningnan ni Esteban ang oras sa suot na relo. Alas dyes na ng gabi at nasa labas pa rin si Lorraine; hinahayaan ang sarili na mabasa ng ulan. Fuck! Why she's so stubborn? Kung tutuusin ay p'wede naman itong umalis at pumasok sa loob ng brothel. Hindi nga ba't sanay itong suwayin siya? Ngayon pa ba ito matatakot? Why she's crying over a rat? Gaano ba kahalaga rito ang dagang 'yon? Umigting na naman ang panga niya sa isiping handa itong magsakripisyo para lang sa isang daga. Hindi niya maiwasan na hindi magmura ng paulit-ulit. Naikuyom niya ang kamao. Akala niya nailabas na niya lahat ng gigil at galit kay Karen kanina. Napailing siya nang maalala ang babae. Bilib naman siya sa lakas ng loob nito. Tila nasiyahan pa yata sa ginawa niya. Ang bilis nitong maka-recover at talagang deter

