"Son of a b***h!" Isang malakas na tadyak ang ginawa ni Esteban kay Mr. Sy. Sumuka ulit ito ng dugo at namilipit sa sakit. Napaamin niya na rin kung sino ang may pakana ng lahat. May hinala na siya kung sino, he just need confirmation. "P-please... l-let me live..." pakiusap ni Mr. Sy. Nang-uuyam siyang natawa. Kanina lang hinihiling nito na patayin niya, ngayon naman ay nakikiusap para sa buhay nito. What a shame! Binalingan niya ang mga tauhan. "You know what to do. Kayo na ang bahala sa kaniya." "Yes, boss!" "Clean this mess!" aniya bago lumabas sa basement kasunod si Alonzo. Nagtatagis ang mga bagang niya at duguan ang damit na dumaan siya sa sala. Nakasalubong niya pa si Raquel na halatang nagulat din, hindi lang nito pinapahalata. Deretso lang siyang naglakad, walang

