Nagising siya na nasa loob ng kwarto niya si Karen. Pinapakialaman nito ang mga gamit nit Mae. "Ano ang ginagawa mo?" sita niya rito. Talagang ayaw siyang tigilan ng babaeng ito. Bumangon siya sa pagkakahiga at nilapitan ito para pigilan. Inilalagay na kasi nito sa loob ng garbage bag ang mga gamit ni Mae. "Stop it!" pigil niya rito. "Ano ba! Tigilan mo 'yan!" She tried to stopped her but Karen ignored her. Patuloy lang ito sa pagkuha ng mga gamit ni Mae. "Sinabing tumigil ka!" Hinila niya ang buhok nito. Galit naman itong hinarap siya. Itinulak siya nito na muntikan na niyang ikatumba. "Kinukuha ko lang ang mga gamit niya dahil ako ang papalit sa kaniya. This is my new room." Ngumisi ito at tinaasan siya ng isang kilay. Hindi naman siya makapaniwala sa narinig. Sino ang nagbi

