Don Iñego Nilisan ng matanda ang reception area matapos makipagkamustahan sa mga kakilalang nakapwestong staff doon. Minsan sa isang buwan kung dumalaw dito ang matanda upang maglakad-lakad sa mga pasilyo,sumakay ng elevator o pumunta sa mga inaalok na amenities ng mga silid ng hotel. Sa gym,sa pool side,sa garden, sa restaurant maging sa helipad na pinakamataas na bahagi ng hotel ay nararating niya. Ehersisyo na lang ang bagay na kaniyang ginagawa ngayon sa pagbisita sa hotel. Papunta siya ngayon sa Laundry room. Naroon ang ilang kaibigan na gusto niyang bisitahin. Tuwang tuwa ang mataas na taong nakaposiyon ng makita ang matanda maging ang mga kasamang naroroon ay kilala siya. Siya ang binansagang lagalag na ermitanyo ng hotel na laging nadalaw sa kanila. Ermitanyo dahil sa mapu

