Margott Bumukas ang pinto ng sasakayan sa tapat ng mansion ng mga Monleon. Bumaba mula sa driver seats ang isang napakagandang modelo. Nagbukas ang pinto at sinalubong siya ng isa sa mga maid ng masion. Binati siya ng kasambahay ngunit ni hindi niya pinag-aksayahang tingnan ang o gantihan ng pagbati ang katulong at derederecho itong nagtungo sa loob ng 3 story mansion. Alam niya ang pasikot-sikot dito. Inakyat niya ang hagdan patungo sa ikalawang palapag. Ilang pinto ang dinaanan niya hanggang sa makarating sa dulo. Ito ang library/office ng Monleon Mansion. Dito nagaganap ang lahat ng transaction ni Don Juancho. Ngunit hindi ang matandang Don ang pakay ni Margott kundi ang kaniyang papa. Si Atty. Simeon Olivarez. Ang kanang kamay at abugado ng pamilya Monleon. "Papa..." Paran

