Margott Kakaiba sa inaasahan kong party na akala ko ay sayawan at kasiyahan ang mangyayari ngayon. Business meeting pala ito. Pinagkaiba lang ay mga nakapustura ang mga dumalong suot ang mga maskara. Kung alam ko lang na ganito pala ang dadaluhan namin ng papa,sana ay nagpaiwan na lang ako sa bahay. Kung di ko lang alam na dadalo rin si Arch Angelo hindi ako mag-aaksayang paghandaan ang party na ito. I have to admit na hindi rin pala boring ang mangyayari. Sayang naman ang mamahaling gown na binili ko... "Oh my ghadd..." Walang dudang si Arch Angelo na ang dumating! Kahit nakamaskara ay siyang-siya dahil sa jaw line na kapareho ng kapatid niya. "Siya na nga yun!' "Halata na agad dahil ni hindi siya kinibo ni Don Juancho at ang batang kasama nito ang binati. Iyon marahil a

