Roman Natuwa ako ng bigla na lang akong yakapin ni Thirdy. Expected ko na magkikita kami dito dahil party ito ng matandang Juancho. Lumuhod ako upang maayos ko siyang mayakap. Kahit nakamaskara ay nakilala niya agad ako. Sa pagpasok ay nakita ko na agad ang pwesto kung saan sila nakaupo ni Arch Angelo kasama ang babaeng kumausap sa akin kanina. Matalas na ang mata ko dahil sila talaga ang aking pakay sa pag-attend ng party. Lalo na ang anak ko. "I missed you Thirdy!" Niyakap ko siya ng mahigpit. Di ko makuhang humalik at pinagtinginan na kami ng ilang bisita ng sumigaw si Thirdy papalapit sa akin. Napakahigpit din ng yakap niya. Sana ay laging ganito kami ng anak ko. "Come with me, Uncle Arch is waiting for us!" Hila niya ako sa kamay kaya't napilitan akong sumama. Nagkatinginan ka

