Prologue
"Kim Soo Hyun! Kim Soo Hyun!"
He really is a star. Para akong mabibingi sa lakas ng hiyawan ng mga fans nya. Mapa bata o matanda, bigay na bigay sa pagsigaw ng pangalan nya na para bang wala ng bukas. Nakakainggit. Gusto ko ring sumigaw. Gusto kong suportahan sya. Pero hindi ko kaya. The mere sight of me would make his bright smile vanished. Hindi ko kayang sirain ang magandang ngiti nya. Hindi ko na kayang ulitin pang sirain ang buhay nya.
It's been a year now. Isang taon na pero araw-araw paring may nagli-leave ng hate comments sa youtube videos ng mga dati kong performances. Isang taon na pero hindi ko parin magawang lumabas na hindi tinatago ang buong pagkatao ko. One year since he last smiled at me, laugh with me and loved me.
"Annyeonghaseyo! I'm glad to see you again and I hope you enjoy today. Please refrain from pushing and bumping each other, I don't want any of you hurt, " he said with a real concern on his face.
Dahil sa sinabi nya, naghiyawan nanaman ang mga tao sa loob ng mall. He's doing mall shows across the country for the promotion of his new big screen movie. Alam na alam ko dahil panay stalk ako sa iba't ibang sites about him. Yun nalang kasi ang kaya kong gawin para man lang maramdaman na kilala ko parin sya, na kasama ko parin sya. I am not allowed to go out but I braved my way here dahil miss na miss ko na talaga sya, kahit segundo lang gusto ko siyang makita.
"Baby...." Bulong ko, pilit pinipigilan ang nagbabadyang luha. "I'm sorry....I love you...Fuck, I miss y---"
"s**t!" His eyes! I've met his eyes! Pilit kong pinunasan ang mga tumulong luha gamit ang mga kamay sabay talikod at takbo. Hindi ko pala kaya. Hindi ko siya kayang harapin. It hurts how his eyes changed from being shock to being angry in a second. Ang sakit-sakit na yung taong mahal mo walang ibang maramdaman sayo kundi galit at pandidiri.
I ran and ran until I reached the fourth floor parking lot. Muntik pa akong madapa dahil sa pagmamadali. Bakit ka ba nagmamadali Erina? Anong akala mo? Susundan ka niya? Sino ka ba ha? You are nothing but a bad memory not even worthy of remembering. When I reach my white Lexus, I struggled to find the key in my bag because I was trembling so bad. I just wanted to get away from here. Gusto ko nang umuwi para umiyak nanaman nang umiyak sa kama ko.
"So you still use that car, huh?" I stiffened. I know that voice. The same voice that used to say how much he loves me. That soothing voice, na kahit may halong galit, hulog na hulog parin ako.
"Will you face me? Wag ka nang mahiya kasi alam ko namang wala ka non".
Parang binibiyak yung puso ko but I still tried my best to face him with a blank expression on my face. Ang gwapo. Ang gwapo gwapo parin ng baby ko. Isip-isip ko habang nagpipigil ng luha.
"I know that I do not own this mall and I don't have the right na pagbawalan ang kung sino mang pumapasok dito but you seem to forget that you promised not to appear before me ever again. That's the least you could do after everything pero mukhang kahit yung simpleng pangako hindi mo kayang panindigan", he said every word with conviction and anger laced in his voice.
"I'm sorry", yun lang ang kaya kong sabihin nang hindi nagbe-breakdown sa harap nya.
"Hindi ko sasabihing wala na akong pakialam sa mga nangyari noon because I would be a liar and a hypocrite, and I'm not like you. So please, wag kang sumulpot nalang kung saan-saan na para bang ikaw ang iniwan".
He turned his back on me, unable to see how he broke me. Again.