"Babies, I'll go first. See you tomorrow! Sana mas mukhang tao na kayo bukas."
Kesha left the room while holding her duffel bag and black shades on her other hand. It's only 6am pero maaga siyang umalis because her sister came home from Canada.
Sunday is our day off. Maya-maya lang aalis na rin yung tatlo. They have families to visit and bond with, while me? I'll sit here all day, maybe read books and then composed new songs. Sanay naman na'ko.
My father's new family live around the area but I chose not to visit them because her wife does not like me. My half-sister Lara only notices me when she needs something like new bags and shoes. She's a brat because my father spoils her even to the extent of him working his ass off. Ibinibigay ko nalang lahat ng gusto ng babaeng 'yon because when I tried to teach her a lesson by cutting her credit cards off, he beg my father for a new Gucci bag. Si Papa naman ayon nag-overtime sa pagtatrabaho sa construction site. He was rushed to the hospital because of fatigue.
My mom on the other hand, lives in China because of her new Chinese husband. Uncle Loui is really kind to me though, mas madalas niya pa akong tawagan sa skype kaysa kay Mama. He's a businessman who owns a restaurant. Nagkakilala sila ni Mama two years after she found out that we are only my Dad's second family, halos 11 years din niyang niloko si Mama.
Simula noong naghiwalay sila, naging cold na sa'kin ang nanay ko. She's blaming me for our broken family. Nalaman niya rin kasing halos dalawang taon ko nang alam na may ibang pamilya ang tatay ko but I was just scared to tell her because I didn't want my family to be ruined. Pero wala eh, eto ako, mag-isa nalang.
My half-brother Angelo is really sweet though. He's just four pero marunong nang mag-cellphone kaya palagi kaming magkausap sa Viber. Sakanya ko naramdaman na kahit papano may pamilya pa rin ako.
"Ina, alis na rin kami," I heard Leina speak. Naka-ready na silang tatlo at may kanya-kanya rin silang dalang bag. Mga naka-shades at cap pa para maiwasang makilala sila ng tao.
"Hoy, bumangon ka na rin. Ayaw mo ba talagang puntahan tatay mo?" Sassy asked.
"Gaga! At para ano? Huhuthutan ka lang ng kapatid mo dun and for sure, iirap-irapan ka lang nung step-mother mo na mukhang nasubsob sa harina dahil sa kapal ng make-up," naka-irap naman na sagot ni Raqi.
"Hindi ako aalis. I'll stay here and eat all your chocolates habang nagkukunwaring si Rapunzel na na-trap sa tower," pabiro ko namang sabi habang nakatihaya pa rin sa kama.
"Sus, nagkukunwaring si Rapunzel while imagining his prince charming na bigla nalang sumulpot sa kumpanya kahapon. 'Tong malanding to kilig na kilig, parang mapupunit na yung mukha sa kakangiti eh," natatawang sabi naman ni Leina.
Because of what she said, naalala ko nanaman yung gwapong nilalang kahapon.......
"Annyeonghaseyo! Please to meet you all."
Nakangiting sabi nung babaeng bilugan yung mukha. She has rounded eyes with dark black orbs. Her long curly black hair was in a ponytail and she's wearing a denim tracker dress.
"Hello everyone! I'm IU and I hope we can all be friends," the girl with rounded eyes and cute nose said while waving her hands. She was wearing a yellow cropped sweatshirt and black jogger pants.
Pucha. Ba't ang gaganda naman ng mga katabi ni Soo Hyun. Mahihirapan ata ako dito. But I love challenges, so be it.
"Thank you for the warm welcome, I know that it's short notice but we are grateful to be working with all of you," nakangiting sabi naman ng lalaking mapapangasawa ko. Oo. I'm claiming it already kaya ang aangal, hindi mapapansin ng crush nila.
Nakatitig lang ako kay Kim Soo Hyun habang nagsasalita naman yung manager ata nila. Ba't ba ang gwapo gwapo mo? Ngayon palang, nakikita ko nang minamasahe niya ang paa ko habang nasa tiyan ko ang pangatlong anak namin. Kinikilig akong napapangiti habang sinusundan ang bawat galaw niya nang biglang magtama ang tingin namin.
"Heaven....." bulong ko. Mga limang Segundo din siguro akong nakatitig habang nakangiti sakanya nung umiwas na siya ng tingin. Parang dinaanan lang talaga niya ako ng mata. He doesn't remember me? Pogi, ako yung basang dyosa sa bathroom! Isip isip ko nalang habang sinusundan pa rin siya ng tingin.
"Hoy bruha, matunaw naman 'yan....." Leina whispered. Patago ko namang kinurot yung tagiliran niya kasi kinikilig pa rin talaga ako. Okay, lang kung hindi niya ako nakilala. Sisiguraduhin ko namang sa tatlong buwan niya dito, mabubusog siya sa pagmamahal ko, chos!
"Ano ba! Ba't ka naman nananakit?" bulong pa ni Leina sabay hampas sa kamay ko. Napalakas ata ang kurot ko.
"What are you whispering about?" singit naman ni Sassy na nasa kanan ko. She's beside Raqi samantalang nasa kaliwa ko naman si Leina na katabi si Kesha.
"Yung crush ko.....mahal na ata ako kasi tignan mo sinundan pa ako dito sa H&H," pabulong ko namang sagot. Nagulat nalang ako nung biglang humagikgik si Sassy. Bruha talaga! Napatingin tuloy sa'min lahat ng nasa conference room.
Nag-peace sign nalang si Sassy habang napapayuko, lagot 'to sa managers mamaya. I stole a glance on Soo Hyun again. Napatingin din siya sa'kin kaya nginitian ko ulit siya ng bongga, yung tipong wala siyang magagawa kung hindi ngumiti pabalik. Nginitian naman niya ako ng tipid tapos kinausap niya na yung katabi niya. Ba't naman ang tipid ng ngiti mo baby? Halikan kita dyan eh! Nangingiti nanaman ako kaya napapatingin sa'kin yung apat na bruha na nakataaas pa ang mga kilay, inggitera 'tong mga to. Natatawa kong isip.
After some discussions and introductions, the meeting ended. Our manager talked to us at the side at pinagalitan pa si Sassy. Habang nag-uusap sila, I tried to steal a glance to my future jowa pero napagsabihan na ako kasi hindi daw ako nakikinig. Our manager finished reprimanding us kaya pinauwi na rin niya kami. Nauna nang lumabas sila Kesha kasi kinuha ko pa yung shades ko na naiwang nakalapag sa long table. After fixing my things, tumalikod na rin ako at dumiretso sa pinto. I was supposed to open the door nang may ibang kamay na ang humawak sa door handle.
"Ladies first..."
"Hoy! Bruhang to kanina ka pa tulala dyan. Nandyan na yung sundo namin, kita nalang tayo bukas," Raqi's voice interrupted my thoughts. Tumayo na rin ako sa kama at nakipag-beso beso na sakanila. Sinabihan ko pa si Sassy na uwian ako ng r****h kimchi na gawa ng mom niya. It's the best kimchi ever, yung tipong ang hirap mag-diet kapag nasa hapag yun.
"Uuwian kita ng isang bandehado kasi for sure aagawan ka nanaman ni Raqi," mapang-asar na sagot ni Sassy.
"Hey!" nakasimangot na agad si Raqi. Akala mo naman hindi totoo yung sinabi ni Sassy eh ang lakas niya naman talaga kumain.
"Oh, bukas na kayo magbangayan, naghihintay na yung mga sundo sa labas. Bye, Ina!" Leina said. Naglakad na sila palabas ng kwarto at narinig ko nalang na sumara ang front door.
The day passed by quickly. After having oatmeal as breakfast, naligo na ako at nag-skin care. Tumambay lang ako sa sala while strumming my baby blue 11930 Martin OM-45 Deluxe acoustic guitar na may pirma pa ni John Mayer, one of my favorite singers. I was too engrossed in music na kinailangan pang tumunog ng tiyan ko to know that its already past lunch time. It's okay though, sanay naman akong halos alas tres nang kumakain. I just had instant ramen as lunch at nagbasa lang din ako ng libro habang nagpapababa ng kinain. I felt sleepy so I decided to go inside the bedroom. I woke up at around 9pm at nagtimpla ng gatas for dinner. I watched 'How to get away with Murder' in Netflix hanggang dapuan ako ng antok.
Nagising ako kinabukasan na nasa kwarto na rin yung apat. Its already their routine to go back ng madaling araw. I couldn't blame them though, 6 days kaming nagtatrabaho at sa sobrang dami ng commitments, nawawalan na sila ng oras para sa pamilya nila kaya sinusulit nila ang day off. It's the sacrifice they have to make.
Mukhang masarap pa ang tulog nila kaya nauna na akong bumangon to prepare breakfast. It's already 7am and we need to be at the company at 9, so I prepared a quick egg roll, cold cucumber soup and the r****h strip kimchi that Sassy brought. Nakita ko yung nakalagay sa ref. After almost 30 minutes of preparing, ginising ko na din sila para kumain.
"How's your one day vacation?" I started the conversation.
"Nagkabukol yung kapatid ko kasi binato ni Mama ng kutsara sa noo. Pano ba naman nung tinanong ni Mama kung anong matatanggap niyang regalo for her 50th birthday from him, sumagot siya sabi niya apo daw," natatawang kwento ni Raqi. She's talking about Rafa, her 15 year old little brother na kasing kulit niya rin.
"Oh, right. Malapit na birthday ni Tita, let's buy her gifts this Saturday, G?" Kesha asked which we all agreed.
"My brother is so obsessed with this role-playing game. I can't remember the name but I can always hear the phrases 'slain the enemy' 'rise with me on the battlefield!' and he's always cursing! One time he accidentally called me 'cancer' and I hit his head so hard na nasubsob siya sa keyboard. What a way to exhibit keyboard smashing, huh?" exaggerated na kwento ni Leina na may kasama pang hand gestures.
"He's playing Mobile Legends. It's so famous these days. Try playing it para madagdagan nanaman ang mga walang ambag," Kesha said while laughing.
"Btw, my mom said na huwag ka daw mahiya. If you want more kimchi, just message her para mapadalhan tayo dito," Sassy told me while chewing her egg roll.
"Hala, 'wag na. Ang dami mo naman ng laging dala every week. Nakakahiya naman...." I answered.
"Sus, I actually told her na wala ka namang hiya," Sassy answered. Sinamaan ko nalang siya ng tingin tapos tinawanan lang naman ako.
"My sister got herself a boyfriend. She's flexing so bad smh, kinikilig pa siya everytime na pinapagalitan siya nung jowa niya kapag late siyang natutulog wtf, I'm cringing so bad here," nakakunot noo pa si Kesha na nagku-kwento kaya nagtawanan nalang kami.
We finished eating and preparing after an hour. Sinundo naman kami ng driver and 15 minutes later, nakarating na kami sa building. Dumiretso na kami sa dance studio. When we arrive, ang daming nakasilip na employees sa may pinto. Nag-excuse nalang kami para makadaan because we need to practice na rin.
Sumalubong sa'min ang malakas na music pagkapasok. The seven members of Axis was inside at sa gitna nila, nandun yung lalaking hindi nagpapatulog sa'kin. Kim Soo Hyun looks so handsome in his gray sweatshirt na may bear print sa harapan and black sweatpants. Effortless siyang sumasayaw at makatawag pansin ang mga butil ng pawis na tumutulo mula sa noo niya papunta sa leeg.
The music that they were dancing ended kaya nagpahinga muna sila sa gilid. Bumilis ang t***k ng puso ko nang makitang papalapit sa'kin si Soo Hyun. s**t! Nakikilala na ba niya ako? Magso-sorry na ba siya dahil ang tagal niyang dumating sa buhay ko? o baka naman he'll ask me to be his girlfriend already kasi nasilaw na siya sa ganda ko.
"Excuse me, Miss."
Or better baka alukin na niya ako ng singsing. Well, baka hindi na rin ako tumanggi kasi for sure hindi naman niya ako gugutumin, siya palang ulam na eh. Hindi tumitigil yung mga naiisip ko habang nakatulala parin ako sa gwapo niyang mukha.
"Uhmm.....pwede ba 'kong dumaan?"
Ano kayang magandang design ng wedding gown ko? Payag ba siyang tatlo ang maging anak namin o baka naman gusto niya lima para may basketball team na kami? Kinikilig ako sa mga naiisip ko ng bigla akong kurutin ni Raqi. Nagising naman ako sa kahibangan ko at naabutang nakatingin sa'kin si Soo Hyun with his forehead creased.
Patay. Na-weirduhan na ata sa'kin.
"Miss nasa likod mo kasi yung tumbler ko, pwede ko bang makuha 'cause I'm dying of thirst here..."
Umusod naman ako agad pakanan kasi nasa may malapit sa pinto yung itim niyang duffel bag and his white Kleen Kanteen tumbler. Pinanood ko siyang uminom ng tubig.
Kapag naging tayo babaunan kita ng water fountain, natatawa kong naisip.
"Bruha ka tama na ang titig, sa kabilang studio daw tayo magpa-practice," hinila na ako ni Sassy palabas ng pinto pero nagnakaw pa ulit ako ng tingin.
Ang gwapo lang. Kapag nagka-anak kami ng babae, for sure babaha ng bulaklak sa bahay sa dami ng manliligaw.
Nakarating naman kami sa katabing studio and nagsimula nang mag practice. Dahil nakita ko si crush kanina, punong puno ako ng energy habang sumasayaw.
"Aba aba, ang sigla ng maharot na 'to," pang-aasar ni Kesha.
"Nakita si crush eh....parang nakainom ng isang case ng energy drink," panggagatong naman ni Leina.
"Inggit lang kayo mga gaga," natatawa kong sagot. "Ano na? tara practice tayo magdamag," nakangiti kong sabi.
"Ulul mag-isa ka," sagot naman ni Raqi sabay bato sa'kin nung hand towel niyang puno ng pawis.
Habang nagpapahinga at nag-uusap kung anong kakainin for lunch. Kumatok sa pinto yung assistant ni Kesha. Pinapatawag daw kami sa common room kasi may naka-ready ng lunch.
"Haynako! Gusto ko ng manok, for sure puro gulay nanaman ang naka-serve dun. Mukha ba tayong kambing ha?" nakapout na pagrereklamo pa ni Sassy.
Naglakad na kami papunta sa common room. Pagbukas ng pinto, nakita naming marami ng tao ang kumakain. Tinawag naman kami ni Sir Hades para samahan sila sa mesa. Kumuha muna kami ng pagkain sa buffet table bago umupo sa round table.
Wow. Masarap ang kain ko nito dahil nasa harap ko lang naman yung ulam, ah este si Kim Soo Hyun.
"Yan lang ang kakainin mo? Here, try some meat," alok sa'kin nung katabi kong isa sa producers ata nila Soo Hyun. Puro gulay lang kasi yung nasa plato ko dahil may mine-maintain nga kaming timbang.
Narinig kong tumikhim si Sir Hades kaya napatingin ako sakanya. Alam ko na agad ang gusto niyang sabihin kaya tinanggihan ko na agad yung inaalok sa aking sweet and sour pork. Mukhang masarap pa naman. Sayang.
"No, its okay. Hindi naman po ako masyadong gutom."
Malungkot akong kumakain ng vegetable salad nang mapatingin ako sa harapan. Nagtama ang mga mata namin. Nakakunot ang noo niya at masamang tinignan ang plato ko. Umangat ulit ang tingin niya sa mata ko tapos ay umiwas na at nagpatuloy sa pagkain. Ba't parang galit siya? Ayaw niya ba sa gulay?
Natapos ang lunch at bumalik na kami sa dance studio. After magpahinga, tinuloy na namin ang practice. After a couple of hours, umuwi narin kami para makapagpahinga. We had Bibimbap for dinner at dahil sa sobrang pagod, hindi na kami nakanuod ng Netflix at nakatulog na kaagad.
Kinabukasan, si Sassy ang naghanda ng breakfast. As usual, sinundo kami ng van papuntang company. Dumiretso ako sa dance studio kung saan ko nakita si Soo Hyun kahapon pero Axis lang ang naabutan kong nagpa-practice.
"Oops, disappointed ang gaga."
Nahalata ata ni Leina na nawala ako sa mood dahil hindi ko makita ang crush ko. Ba't wala pa siya? Ganitong oras ko naman siya naabutan kahapon dito.
"Wait, I'll just ask them kung nasan ang prince charming mo," dumiretso si Raqi kay Nathan na ikinagulat ko. Nag-usap sila ng mga isang minuto tapos naglakad na pabalik si Raqi.
"Gaga, hindi naman pala araw-araw dito yung crush mo. Monday, Wednesday at Saturday lang daw," Raqi said. Sayang naman. Pero makikita ko naman siya bukas so happy na rin ako.
The day went by easily. Nagpractice lang kami and nung 6pm na, umuwi na rin. We had Japchae for dinner at nanuod lang ng Crash Landing on you sa Netflix. Nagtitilian kami sa living room at nang mapagod, we decided to sleep already.
I was so excited for the next day na tumatalon talon pa'ko papunta sa sa dance studio. When I opened the door, nandun ulit ang Axis pero wala nanaman si crush. Akala ko ba kapag Wednesday nandito siya?
Nakasimangot na ako ng mapatingin sa'kin si Raqi. Without saying anything, lumapit ulit siya kay Nathan. Bumalik naman siya agad at bumulong sa'kin. "Nag-cr daw......" I gave her a hug and smilingly walk towards the comfort room.
Hindi ko siya nakasalubong kaya alam kong hindi pa siya lumalabas. Nagpalakad lakad muna ako sa tapat ng cr habang hinihintay siya. When I heard the door click, nagkunwari akong papunta palang sa banyo.
"Hey......" I started to say habang nakatitig sakanya. He's wearing a white shirt and gray sweatpants. His messy hair is so captivating na kahit sino siguro mahuhulog sakanya. Pero hindi pwede. He's mine. Ako lang ang pwedeng maglaway sa kagwapuhan niya.
"Yes?"
Nakatingin din siya sa'kin habang pinupunasan ang kamay sa hawak na puting hand towel. Nanginginig kong inilahad ang kanang kamay ko sa harap niya while smiling sweetly.
"I'm Erina. Hindi mo ba 'ko natatandaan? Ako yung pinahiram mo ng suit," I said habang nakalahad pa rin ang kamay.
"What about it?"
He answered with a blank expression in his face. Unti unti kong binaba ang kamay ko kasi nakakangawit na at wala ata siyang balak kamayan ako. Gusto ko pa namang mahawakan ang kamay niya tapos magkakaron ng electricity na indicator na kami talaga ang para sa isa't isa.
"I just want to say thank you for helping me back then. I promised to return the suit pero hindi ko kasi dala eh. How about we meet tomorrow para maibalik ko na?" buong araw ko ding inamoy amoy yung suit niya at after ko maipa-laundry, nilalagay ko pa sa may tabi ng ulo ko para kunwari magkatabi kami.
"Don't bother. Miss, I'm in a hurry so if you'll excuse me please."
Sagot naman niya sabay nilagpasan na ako. Natulala ako ng mga limang segundo before I decided to run after him kasi may gusto pa 'kong sabihin. Minsan lang 'tong mga ganitong pagkakataon kaya lulubus lubusin ko na.
I shrieked loudly when my left foot slip in the water pool on the floor. May nakatapon siguro ng tubig at nakalimutan nang ipalinis sa janitor.
I braced myself because I knew my back would hit the tiled floor when suddenly, I felt two strong arms prevented me from falling. We were so close na halos maduling na 'ko at magkadikit na yung mga matangos naming ilong. I was staring at his ash gray orbs as he stare at my green ones.
Hindi ako nahulog sa sahig. But I fell for him.
Hindi nasaktan ang likod ko. But my heart ache of longing for him.
At isa lang ang masasabi ko.
Thank you sa nakatapon ng tubig at sa janitor na hindi naglinis nito.