Chapter 9

2313 Words
"Don't overthink. Don't overthink, Erina........" Paulit-ulit kong binubulong sa sarili ko. I closed my eyes repeatedly because fresh tears threatened to fall down my cheeks. Parang tanga naman Erina eh. Ba't ka naiiyak? Para kang niloko ng jowa mo eh ano ba kayo ni Soo Hyun? Wala namang kayo! I beg my heart to stop breaking. Do you know the feeling na binilhan ka ng ice cream ng magulang mo pero dahil sa sobrang saya mo ayaw mo munang kainin kaya iiwan mo sa ref? But when you finally decided to eat it, wala na. Kinain na ng walang hiya mong kapatid na napulot lang naman sa tae ng kalabaw.  That's exactly what I'm feeling right now. I felt cheated at gusto kong manapak ng tambay sa kanto. I'm trying to be rational kahit na ang sikip sikip sa dibdib. I beg my brain to stop over thinking kasi picture lang naman 'tong nakita ko. I need to ask him questions first bago ako mag-conclude. Hindi yung iiwasan ko siya dahil galit ako. That's what cliche leading ladies in dramas do. And I'm not a cliche leading lady. I'm a confident, accomplished young woman na cup B ang brassiere size. I don't know if having decent boobs will make Soo Hyun like me back pero idadagdag ko na din sa qualities ko para plus points. Mukhang flat-chested pa naman yung babae sa picture, hmp.  Pinapatawa ko nalang yung sarili ko sa mga iniisip para mahinto yung luha ko na hindi ko namalayang tumutulo na pala. I saw Soo Hyun heading towards the car with a bottle of water in his hands kaya pinunasan ko na yung mukha ko sabay balik ng pictures sa compartment.  "Here," inabot niya sa'kin ang bottled water sabay sara ng pinto.  "Thank you," nginitian ko siya ng tipid at uminom na ng tubig.  "Were you crying?"  "W-What? No! Ba't naman ako iiyak?" agad ko namang tanggi.  Tinitigan niya ako sa mata na para bang ina-analyze kung nagsisinungaling ako o nagsasabi ng totoo. His forehead creased then he extended his right hand to touch my cheeks.  "Are you sure? Baka menopausal ka na kaya ka nagiging emotional bigla," agad ko namang tinampal yung kamay niya. Bwisit 'to.  "I'm only 18, duh!"  Tinawanan lang naman niya ako sabay nag-drive na paalis. Menopause daw, hindi pa nga tayo nagkakaanak, menopause agad? Sayang naman lahi ko, noh. I gazed at him while he's driving. I don't know how to bring up what I saw pero ayoko naman ding patagalin kasi hindi ako patutulugin ng mga iniisip ko. And besides, paano kung non-showbis girlfriend niya yon? It will surely break my heart to let him go but it would save my pride as a woman. Hindi ako pinanganak para maging kabit, kahit gaano pa man kagwapo si Soo Hyun. I'm a woman driven with goals, hindi ako nabubuhay para magpakatanga para sa lalaking semilya lang naman ang ibibay sa'kin. I have money to buy that kung sakaling hindi na ako magkaka-asawa at gugustuhin ko ng anak.  "I could almost hear you thinking," what the f**k? Did I said that out loud? Bruha ka, Erina.  Tinampal ko agad ang bibig ko then looked at him with bulging eyes. "No, you didn't say whatever you're thinking out loud," natatawa niya pang sabi.  "I wasn't informed na sideline mo na pala ang manghula. Saang perya ka ba Mister Awring?" I said which made him laughed.  "What's bothering you? If you don't mind me asking." Huminga ako ng malalim tapos tinitigan siya. It's now or never. Kailangan kong malaman kung sino yung babae para maipakulam ko na o kaya mapa-salvage, chos! "I was looking for tissue a while ago kasi natapon sa shirt ko yung kamote," I started to say. Hindi siya nakatingin sa'kin at naka focus lang sa daan kaya malaya ko siyang natititigan.  "I have a spare shirt at the back" "Tanga hindi yun. Patapusin mo muna kasi ako," I said tapos tumawa nanaman siya. Mukha ba akong clown sa paningin nito? "I tried to look at your compartments and found these," I opened the compartment and took out the photos I saw earlier. Napalingon naman siya sa'kin pero bumalik din ang tingin sa daan. "What about them?"  Pinakita ko sakanya isa isa yung mga larawan. Napapangiti siya ng slight kapag yung mga kapatid niya yung nakikita niya.  "Who's this b***h?"  Inilapit ko sa mukha niya yung picture at tinignan naman niya kaagad. His forehead creased pero binalik agad sa daan ang tingin. Buti naman kasi ayoko pang mamatay, virgin pa 'ko noh.  "No one." He dismissively answered. Parang ayaw niyang pag-usapan which made me suspicious and more curious.  "What do you mean? No one? So you kissed random people?" Tuloy tuloy ko siyang tinanong. Hindi talaga ako titigil hangga't hindi siya sumasagot ng maayos.  "Erina, it's not important." Hindi pa rin siya sumasagot ng matino and he refuses to look at me. Ano bang problema niya? kung wala lang talaga 'to at hindi importante. Ba't hindi niya nalang sabihin kung sino? I'm starting to be pissed here.  "It is important," I turned my body sideways para makita siya ng maayos. "Kasi kung hindi importante 'yan bakit nandito pa rin sa loob ng sasakyan mo, huh? At kasama pa talaga ng pictures mo with your family. So is she dear to you too?" I mocked him habang tinitignan siya ng masama.  "Ano? Ba't hindi ka sumasagot? Love of my life...love of my life, bullshit!" tuluyan na akong nainis kasi parang wala siyang naririnig. "Just f*****g stay out of it!" huminto ang sasakyan dahil red light. He looked at me like I was the most frustrating human he ever talked with. This is the first time na tinaasan niya ako ng boses.  "I just want to know!" sumigaw na din ako kasi nakaka-frustrate na rin siya. Putangina lang, hindi pa kami pero nagsisigawan na kami kaagad.  "It's none of your f*****g business! Sino ka ba, ha?" Tama naman siya. Sino nga ba naman ako? Ako lang naman yung babaeng pilit nagpapapansin sakanya.  Gusto ko lang naman malaman kung sino yung babaeng kahalikan niya. Gusto ko lang marinig sakanya na kahit papaano may pag-asang mahalin niya din ako. Because f**k! Just when I admitted to myself that I don't simply like him anymore, that I've fallen in love with him, he breaks my heart like this. His hesitations just prove to me na wala naman siyang pagtingin sa'kin. Na na-guilty lang siya kaya niya ako pinapakisamahan.  The pain in my ankle can't compare to the pain I'm feeling right now. Mas gusto ko nalang mapilay kaysa masaktan ng ganito.  The light turned green at pinaandar niya na ulit yung sasakyan. Hindi kami nagpapansinan kaya tumingin nalang ako sa labas ng bintana. Ganto pala magmahal noh? Para kang inagawan ng ice cream, pinalo sa puwet at pinilit matulog sa tanghali kahit na gusto mo pang maglaro sa labas. Ang sakit sakit sa loob.  "Pahatid na 'ko sa bahay," bulong ko ng mahina. But I think he heard me kasi nag U-turn siya.  We were still not talking kaya ang awkward sa sasakyan. Inayos ko yung mga pictures tapos binalik ko na sa compartment. Pagkatapos ng ilang minuto, nakita ko na yung b****a ng village. "Dito nalang," I told him nang makalagpas na kami sa gate. Ayoko munang bumalik sa bahay kaya plano kong maglakad lakad muna. Safe naman sa dito sa village kasi konti lang ang tao at patay na oras pa.  Without saying anything, hininto naman niya ang sasakyan. Lumabas ako at pagkatapos na pagkatapos kong isara ang pinto, he drove away. Napangiti nalang ako ng malungkot at sinimulan nang maglakad.  I was just wandering around when I saw the village park. It's just an open area na maraming puno at may mga benches. Mukhang masarap umupo at magpahangin kaya dun muna ako dumiretso. "Lord, bakit naman ganun? Yung mahal ko may ibang mahal?" bumubulong bulong nalang ako sa hangin. Wala naman sigurong makakarinig sa'kin kasi ako lang yung tao dito.  Why can't people love freely? Bakit kailangan pang magkaroon ng mismatch at masaktan kung pwedeng happy ending nalang agad. Sabi nila, kung nasa ilalim ka ng gulong ngayon, nasa ibabaw ka na bukas. Pero bakit parang magpi-pitong taon na akong nasa ilalim? Simula nang maghiwalay ang mga magulang ko, nagkaroon ng puwang sa puso ko na hindi kayang palitan ng kasikatan o ng mga kiabigan. I felt incomplete.  People often envy me because of my looks, my talent, my natural humor and charisma. The word 'perfect' was already attached to my name. But I guess I just don't want to be perfect, I want to be a broken vase glued with love. I want a family na kahit may problema, sama-sama naming sosolusyunan. I want a man who is brave enough to contradict me, smart enough to educate me, and love me enough to accept me for who I am.  I was thinking about everything when I felt droplets of water soak my clothes. Great, even the heavens pity me kaya sinasamahan na akong umiyak. I just sat there kasi hindi naman ako makakatakbo kaya paniguradong mababasa din ako. Anong sense, di ba? I started to quiver kaya napagdesisyunan ko nang tumayo. I was fixing my bag when I noticed na tumila na yung ulan. Huh? Nang tumingin ako sa harapan, patuloy pa naman ang buhos ng ulan kaya tumingala ako and saw a black umbrella na hawak ng lalaking nagpapasakit at nagpapasaya sa puso ko. He was standing behind the bench where I was sitting. He made me hold the umbrella habang hinuhubad niya ang hoodie. May itim na t-shirt siya sa ilalim. Kinuha niya ulit ang payong at pinasuot sa'kin ang hoodie. Hindi na'ko nagreklamo kasi nilalamig na talaga ako.  "Halika na, balik na tayo sa sasakyan," malumanay na siya magsalita ngayon. Parang kanina lang sinisigawan niya ako.  "Ayoko." "Erina, please." "Ayoko. Uuwi na'ko." I started walking pero sinundan niya naman ako para hindi mabasa. We were just walking silently. The umbrella was not big kaya napansin kong nababasa na ang balikat niya dahil halos ako nalang yung nako-cover ng payong.  "You don't need to accompany me," I told him coldly.  "I want to." "But you don't need to." "I want to--" "Hindi mo na nga ako kaila--" ".....be with you."  I scoffed. Talaga ba? Eh galit na galit ka nga kanina. Hindi na ako sumagot hanggang makarating kami sa harap ng bahay.  "Putangina, 'wag mo sabihing 'wag kaming makialam!" I was shocked when I heard Kesha shouting. Ang aga pa pero ba't nandito na sila sa bahay? At bakit sila nagsisigawan? I looked at Soo Hyun, he was also shocked and looked at me with confuse eyes. "Umalis ka na," I told him. Kung ano mang nangyayari sa loob, it's none of his business.  "You might ne---" "Please."  He sighed and looked at me with pleading eyes. Nang hindi ako nagsalita, binigay niya sa'kin ang payong at tumalikod na. I was about to call him dahil mababasa siya eh nandito naman na ako sa gate, pero may sumigaw nanaman sa loob ng bahay kaya pumasok na ako kaagad.  "Huwag naman kayo magsigawan!" I heard Leina na parang paiyak na. I opened the door and saw then standing in the living room. Raqi is crying habang galit na galit naman si Kesha na nakatingin sakanya. Nakatulala lang si Sassy at humihikbi naman si Leina.  "What's happening here?" "Eto kasing malanding to nahuli kong nakikipaghalikan kay Nathan sa rooftop!" Kesha shouted habang dinuduro si Raqi. "Kesha, let her explain first please..." I looked at her with pleading eyes. Naiiyak nanaman ako ulit. "I think they really love each other at hindi lang kalandian yung pinapairal," I added. "Wait...." Kesha looked at me. "Alam mo?" "Yes," I answered which shocked them. Tumingin silang tatlo sa'kin na parang tinraydor ko sila.  "So ganon? Kayong dalawa nalang yung magkaibigan dito?" she said. Hurt visible in her eyes. "Kesha, it's not like that. I accidentally learned about them too but I feel like wala akong karapatang sabihin kasi buhay naman ni Raqi yun," I tried to explain.  "Bakit ba galit na galit ka? May gusto ka ba kay Nathan?" Raqi exclaimed. Napaface-palm nalang ako kasi alam kong mali yung sinabi niya. "Eh putangina ka pala eh. Idadamay mo pa'ko sa kalandian mo! Concern lang ako sayo! Alam nating lahat na bawal ang magkaron ng relasyon! Kung talagang hindi ka na makapagtiis edi sabihin mo sa kumpanya na may hinahalik-halikan ka sa rooftop hindi yung niri-risk mo na mahuli! Pano kung reporters ang makakita sainyo, huh? Nag-iisip ka ba Raqi o putangina nabobo ka na dahil dyan sa sinasabi mong pagmamahal?!" Kesha shouted while tears stream down her face. Napaiyak nalang siya sa sobrang galit.  "Bakit kay Erina todo suporta naman kayo? Tinutulungan niyo pa nga siya kay Soo Hyun!"  Raqi answered kaya napatingin naman ako sakanya. Kesha and the girls looked at me too. I felt like Raqi was throwing me under the bus pero wala na akong energy para sumbatan siya.  "It's nothing serious. Hindi naman magiging kami...." I told them while smiling sadly. Totoo naman. Hindi magiging kami because he obviously has feeling for another woman. At sawang-sawa na akong makihati, nakikihati na nga ako sa magulang tapos pati ba naman sakanya? I know I'm worth more.  "Gusto ko lang naman maging masaya! Bakit ba hindi niyo maintindihan yon?"  Raqi shouted bago siya tumakbo papunta sa kwarto. Leina and Sassy are both crying habang nakaupo sa sofa. Kesha run to the kitchen at bumalik din agad sa sala habang may dalang baso ng tubig. "This could've been avoided kung sinabi mo lang saamin agad, Erina. Nakaka-disappoint ka..." kalmadong sinabi sa'kin ni Kesha. Her voice was calm pero parang biniyak ulit yung puso ko. Akala ko maikukwento ko sakanila yung nangyari kanina at iko-comfort nila ako. Pero iba yung nangyari, nadagdagan lang yung sakit.  "I'm sorry," hindi ko siya matignan sa mata habang umiiyak.  Hindi na siya sumagot. I can't take the atmosphere inside the house anymore kaya napagdesisyunan ko ulit na lumabas. Ang bigat bigat ng dibdib ko kaya hindi ko na naisipang dalhin yung payong.  Nakayuko lang ako habang binubuksan ang gate. Basan- basa na'ko sa ulan but I successfully opened the gate and stepped outside when someone pulled me in a hug. I recognize his smell immediately. He hug me tight which made me cry even more. "Shhhh..." he whispered near my ear while gently caressing my back.  "I'm here," I heard him say despite the heavy rain. "Stop crying, baby." Author's note: had to update early kasi laging mahina signal pag gabi
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD