Simula
Marahas kong binuksan ang pinto ng aking opisina at padabog na naglakad papasok sa loob nito. Doon ko nadatnan ang dalawang pinsan kong babae na paniguradong kaya narito ngayon ay para i-check kung kumusta na ang progress ng pinapagawa kong resort dito sa Zambales. Napatayo agad si Raella at akmang babati sa akin ngunit agad napatigil nang itaas ko ang kamay ko.
“Oops! Bad trip yata si Boss.” saad nito sabay lingon sa isa pa naming pinsang si Claudine na abala sa pagbabasa ng libro.
Ibinaba nito sandali ang binabasang libro saka pinagmasdan ako. Tumaas ang kilay nito nang makitang halos umusok ang ilong ko sa galit. Inis na nilamukos ko ang papel na nasa kamay ko at inihampas ang folder sa lamesa dahilan para mapaigtad sa kaniyang kinatatayuan ang pinsan kong si Raella.
“That b***h! Ang kapal ng mukha niyang dayuhin ang mga trabahador ko rito sa resort para lang makipagchismisan. Hindi na siya nahiya. Imbes tuloy nagtatrabaho ang mga tao roon, ayun, nandoon sa kaniya at nakikipagkuwentuhan pa.”
Humugot ako ng malalim na hininga saka padarag na umupo sa swivel chair.
“Sino ba? Iyong Laila Villarama ba ang tinutukoy mo? Iyong anak ni Mayor Ismael?”
I immediately rolled my eyes when Claudine mentioned the name of that b***h.
“Sigurado ka bang kaya ka naiinis ay dahil nakikipagkuwentuhan siya sa mga trabahador mo, o dahil nakikipagkuwentuhan siya sa ex mong si Paulo?” naniningkit ang mga matang tanong sa akin ni Raella.
Hindi naman ako nakaimik sa sinabi niya. Nang makita niya ang reaksiyon ko ay mabilis siyang tumayo at pumalakpak na para bang nanalo siya sa isang contest.
“Omg! Tama ang hinala ko. Akala ko kaya siya ang kinuha mong engineer ay dahil ni-recommend siya ni Mommy sa’yo. Now I understand why you chose him over engineer Hiro Cabrera.”
Kumunot naman ang noo ni Claudine sa narinig. Samantalang ako ay hindi na nakaimik sa sinabi ni Raella. Hindi ko alam kung may lahi ba siyang manghuhula dahil halos lahat na lang ng nangyayari sa buhay ko ay nahuhulaan niya.
“Wait? Kung tama ako ng pagkakaintindi, ibig bang sabihin, you’re still in love with your ex-boyfriend? Tama ba ako, Rachelle?”
Hindi ko sinagot ang tanong ni Claudine. Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko. Ayokong madala ako ng emosyong ito at ayoko na sa bandang huli, ako na naman yung talo.
Siguro nga kaya siya ang kinuha ko bilang engineer ng ginagawang resort ay dahil gusto ko pa rin siya. Pero hanggang doon na lang ‘yon. Hanggang pagkakagusto na lang at hindi na lalagpas pa sa linyang iyon. Sinusubukan ko lang naman ang sarili ko kung kaya ko pa siyang makasama at makita araw-araw nang hindi naaapektuhan ng kaniyang presensiya. May mga araw na nagtatagumpay ako. May mga araw rin namang apektadong-apektado ako katulad na lang ngayon.
“Hindi ba schoolmate natin iyang si Laila noong college? Ganyan na talaga iyan noon pa, masyadong malapit sa mga lalaki. Kaya nga slut ang tawag diyan ng karamihan noon.” Raella said.
Tumango naman si Claudine bilang pagsang-ayon.
“Kung tama ako nang pagkakaalala, sinulot niya ang boyfriend ng isa sa mga kaibigan ko noong college. Si Maris Rivera.”
Raella’s eyes widened.
“Iyon ba yung anak ng sikat na doctor na nagtatrabaho sa UST Hospital?” tanong nito kay Claudine.
Maging ako ay naintriga kaya tumahimik ako para makinig sa kinukuwento ni Claudine. Sa totoo lang, hindi ko talaga kilala ‘yang si Laila noong college kami. Ako kasi ‘yong tipo ng taong walang pakialam sa paligid at hindi nakikinig sa kung anu-anong mga kuwento lalo na kung walang basehan. Masyado rin akong malayo sa mga tao noon at wala rin namang naglalakas ng loob na lumapit sa akin dahil sa ugali ko.
Alam kong marami ang galit at may ayaw sa akin. Pero wala akong pakialam sa kanila. Hindi naman nila ako pinapakain at binibihisan and I don’t need to hear their unsolicited opinion about me and my attitude.
“Maraming nagkakagusto riyan kay Laila dahil nga maganda. At magaling din daw iyan mang-akit. Kaya kung ako sa’yo Rach, bantay-bantayan mo ‘yang si Paulo.” paalala sa akin ni Raella.
I clenched my jaw when I suddenly remembered how she touched Paulo’s left arm a while ago. Nakakainis! Parang gusto kong sumabog.
“Pero siyempre, nakadepende pa rin iyan kay Paulo kung magpapaakit siya. Wala namang kayo, kaya puwede niyang gawin kung anong gusto niya.”
Mas lalo akong natahimik sa sinabi ni Claudine. Hindi ko alam ngunit parang may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko. Ang bigat at ang sakit. Marahil ay dahil sa katotohanang alam kong wala na akong karapatang panghimasukan ang buhay niya ngayon. Kung bakit ko ba naman sinayang ang pagkakataon na mayroon kami noon. Kung sana lang hindi ako umalis papuntang New York, siguro kami pa rin hanggang ngayon. Nakagat ko ang aking ibabang labi saka sumandal sa backrest ng aking swivel chair.
“I know he’s the reason why you came back here in San Narciso. So if I were you, gumawa ka na ng paraan para magkabalikan kayo. Try to lower your pride Rachelle, baka sakaling mahalin ka niya ulit.”
Nahilot ko ang aking sintido dahil sa sinabi ni Claudine. Agad naman siyang tumayo at inilahad sa akin ang isang long brown envelope na mabilis ko namang tinanggap.
“Kindly review the contract between your company and Saavedra Incorporated. Kailangan na raw ‘yan ni Mommy sa Sabado. Makakapunta ka ba ng Manila this coming weekend, Rach?”
Bumuntong-hininga ako saka inilapag ang envelope sa lamesa.
“I’ll see what I can do, Claud.”
“Okay sige, ‘yan lang ang sinadya namin sa’yo ngayong araw. We have to go now. May dadaanan pa kaming event ni Raella sa Subic.”
Tumayo na ang dalawa kong pinsan at handa nang lumabas nang biglang may kumatok sa pinto. Napatigil naman ang dalawa at lumingon sa akin. Maya-maya ay naglakad papasok ang secretary kong si Julie at may ibinulong sa akin. Awtomatikong nagsalubong ang kilay ko nang marinig ang sinabi niya.
“Sabihin mo, pumunta siya sa opisina ko ngayon din.” utos ko kay Julie.
“Hindi na kailangan, nandito na ako.”
Sabay-sabay na napalingon kaming lahat sa taong kapapasok lang ng opisina.
“Leave us.”
Nagkatinginan sina Raella at Claudine bago tuluyang lumabas ng opisina. Sumunod naman ang secretary kong si Julie hanggang sa kaming dalawa ni Paul ang naiwan dito sa loob.
Sumandal ako sa swivel chair at pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa. He’s never changed. Guwapo pa rin, malakas ang dating sa mga babae at isa pa, magaling pa rin siya sa mga bagay na kaniyang ginagawa.
“Ano pong problema at pinatawag niyo ako Miss Dela Luna?” magalang niyang tanong na mas nagpataas ng isang kilay ko.
Miss Dela Luna huh? Kung tawagin niya ako sa apelyido ay para bang hindi naging kami noon.
“May reklamo lang ako tungkol sa paraan ng pagtatrabaho niyo sa pinapagawa kong resort.” kumunot ang kaniyang noo at tila hindi naiintindihan ang sinasabi ko.
“Reklamo? Bakit? May ginawa ba kaming mali? I’ve been monitoring the laborers at wala naman akong nakitang pagkakamali sa ginagawa nila.”
Tipid akong ngumiti sa kaniya. Kinuha ko ang cellphone ko at ipinakita sa kaniya ang litrato ng mga trabahador kung saan naroon din siya kasama si Laila. Marahan siyang umiling.
“Wala naman akong nakikitang pagkakamali sa ginawa namin ng mga tauhan ko. Sa pagkakaalam ko wala naman sa kontrata natin ang panghimasukan kung sino ang kakausapin namin, tama ba ako?”
Tumango ako saka ipinag-ekis ang braso ko.
“Yes, you’re right. Wala nga sa kontrata at wala ring mali sa ginagawa niyong pakikipagkuwentuhan at pakikipagtawanan sa anak ni Mayor Villarama. Ayos lang ‘yon at wala naman talaga akong pakialam. Ang kaso, oras na dapat ng pagtatrabaho, pero naroon pa rin kayo at nagtatawanan. Baka nakakalimutan mo, binabayaran ko kayo para magtrabaho nang maayos.”
Hindi ko alam kung paano ko nasabi ang mga salitang iyon sa harapan niya nang hindi nauutal. Ngayon ko lang din na-realize na napakagaling ko palang magsinungaling.
“Ala una ang balik-trabaho ng mga trabahador kaya pinabalik ko sila agad, na-late lang sila ng konti dahil nag-request sila sa akin ng additional minutes sa pagpapahinga. Wala naman sigurong masama roon Miss Dela Luna.”
Pakiramdam ko sasabog na ako sa mga oras na iyon. Gustong-gusto ko siyang suntukin at sampalin at sabihing anong karapatan niyang makipagharutan sa babaeng higad na iyon pero hindi ko magawa.
“Okay. Just tell that Villarama girl that she’s not allowed to enter in this place simula bukas.”
Mabilis siyang humawak sa kaniyang panga at saka ngumisi na para bang nang-aasar. Muli siyang tumingin sa akin at marahang umiling.
“You’re being mad because of Laila?”
Tumayo ako saka lumapit sa kaniya. Tiningnan siya sa mga mata para ipakitang hindi ako apektado sa presensiya niya.
“Hindi. Bakit naman ako magagalit dahil sa kaniya?”
Lumapit pa siya sa akin para mas matingnang mabuti ang reaksiyon sa mukha ko. Malas niya, kahit anong tingin niya, walang makukuhang reaksiyon sa akin maliban sa pagmamaldita ko.
“Because you’re jealous?” Tumawa ako nang pilit at nagpanggap na hindi apektado sa sinabi niya. Pero pinagtaasan niya lang ako ng kilay at pinagmasdan ng puno ng panunuya.
“Gusto mo pa rin ako, Rachelle, hindi ba?”
Sinalubong ko ang tingin niya at maya-maya ay pagak na tumawa.
“Hindi.” tipid kong sagot.
Akmang tatalikod na ako nang bigla niya akong hawakan sa braso at iniharap sa kaniya.
“Are you sure?” nakangisi niyang tanong.
Sinusubukan kong kumawala sa pagkakahawak niya ngunit masyado siyang malakas. Kaya kahit anong pagpupumiglas ko, wala pa rin akong magawa.
“Oo, sigurado ako. Concern lang naman ako sa paraan ng pagtatrabaho niyo-“
“Oh come on! We both know you’re not like that. Magmula ng dumating si Laila rito palagi nang mainit ng ulo mo. Kahit mga trabahador at tauhan ko hindi nakakatakas sa pagmamaldita mo. Ano Rachelle, selos na selos ka na ba kaya hindi mo na natiis?”
Isang malakas na sampal sa ang ibinigay ko sa kaniya. Oo, mahal ko pa rin siya. Pero hindi ako papayag na ganito ang uri ng pagtrato na matatanggap ko sa kaniya. Narinig ko ang kaniyang mahinang pagtawa at marahang paghaplos sa kaniyang pisngi na nasaktan. Namumula iyon marahil ay dahil sa lakas ng pagkakasampal ko sa kaniya.
“So I was right. Mahal mo pa rin nga ako. Pero pasensiya ka na, Celestine. Hindi na ako katulad ng dati. Hindi na ako yung taong nakilala mo noon na maiintindihan ka kahit gaano kasama ang ugali mo. Nagbago na ako. And I won’t fall for someone like you, a spoiled and cold-hearted woman for the second time around.”
Pagkasabi niya ng mga salitang iyon ay agad siyang tumalikod at lumabas ng opisina habang ako ay naiwan roong nakatulala at tumutulo ang luha.
I did one mistake before. Ang iwan siya at ipagpatuloy ang buhay ko sa New York dahil sa tingin ko iyon ang tamang gawin. Dahil sa tingin ko ay iyon ang gusto niya. Ginawa ko iyon para sa ikabubuti niya. Pero bakit hanggang ngayon masama pa rin ako sa mata niya? Ilang beses ko na bang ipinaliwanag sa kaniya ang lahat? Paulit-ulit na nga lang eh. Paulit-ulit na.