Dire-diretso akong lumabas ng building. Nang makita ko ang paparating na taxi ay agad ko itong pinara. Pagkahinto nito sa tapat ko ay mabilis akong sumakay at sinabi kung saan ako ibababa. Mabigat ang pakiramdam ko. Gusto ng puso kong umiyak ngayon mismo pero tumututol ang isipan ko. Hindi ako puwedeng umiyak sa isang pampublikong lugar. I can’t just let myself breakdown in front of other people, lalo na sa driver ng taxi na sinasakyan ko. Gustong-gusto ko nang makarating sa opisina ko. Pero hindi ko alam kung bakit ang tagal ng oras. Naipit pa ako sa traffic. Pagdating ko sa lobby ng building ng kumpanya ko ay may mga empleyado pang humarang sa akin para magpapirma ng mga dokumento. Pinilit kong tiisin ang nararamdaman ko pero habang tumatagal ay unti-unting umiinit ang ulo ko. “Baki

