WARNING: R-18 Pagkasakay ko sa taxi ay saka huminga nang malalim. Pakiramdam ko ay sasabog ako. Pakiramdam ko ay konting-konti na lang, makakapanakit na ako ng tao. Pumikit ako nang mariin at mabilis na sumandal sa backrest ng backseat ng sasakyan. “Ma’am okay lang po ba kayo?” tanong ng driver. I wish he wouldn’t ask me such things sa ganitong pagkakataon dahil hindi ko alam kung makapagpipigil ba ako ng inis. Imbes na sumagot sa tanong nito ay tumahik na lang ako. I didn’t open my eyes and I tried to relax myself at the moment. Nang maramdaman kong kaya ko nang magsalita ay agad kong sinabi sa driver kung saan ako ibaba. Hindi ko na hinintay ang response nito. Pumikit na agad ako para muling kalmahin ang sarili ko. That prick. Ang lakas ng loob na gawin iyon sa akin. Hindi pa nga k

